Charo Santos reveals Piolo Pascual went through a rebellious phase

by Bernie V. Franco
Nov 5, 2020
Charo Santos (left) mentions that Piolo Pascual had a rebellious stage in the past. But she became the beacon of light for the actor. Piolo explains, "Siya kasi kausap ko non, e. But Tita Charo would always put some sense to me."
PHOTO/S: @charosantos on Instagram / Facebook (Piolo Pascual)

Ibinahagi ni Piolo Pascual na malaking papel ang ginampanan ni Charo Santos sa kanyang showbiz career.

Paliwanag ni Piolo, nakakuha siya ng malalaking break sa ABS-CBN dahil kay Charo, na naging confidante din ng aktor noon.

Nagkuwento si Piolo tungkol sa mahalagang kontribusyon ni Charo sa kanyang career, sa online program na Dear Charo, noong November 1, Lunes.

Napapanood ang Dear Charo sa Kumu, isang online community platform.

PIOLO ON CHARO

Nausisa si Piolo kung nakaranas ba siya ng burnout sa trabaho. Si Charo ang sumagot para kay Piolo.

“Oo, meron. Meron 'yan na ano... Meron 'yan na dinadaanan na mga panahon na nagrerebelde," pagbubunyag ng dating CEO ng ABS-CBN.

Sinundan agad ito ng paliwanag ni Piolo.

Aniya, “Siya kasi kausap ko noon, e. But Tita Charo would always put some sense to me.

“I guess because nakaka-relate siya sa akin. It was easier for me to vent.

"It was easier for me to share whatever I was feeling, because alam ko na naiintindihan niya ako.”

Continue reading below ↓

Nangyari raw ang pagrerebelde ni Piolo noong mga panahong wala siyang tigil sa pagtatrabaho.

“I was really busy. I was a work whore, so I would work more than seven days a week, literally.

“But Tita Charo would always make me realize na, ‘Hindi ito forever. Hindi ito habambuhay, so make the most out of it.’

“And I remember one time I told her, ‘Tita, hanggang kelan ba ito?’ Sabi niya, ‘Nasa sa iyo iyan.’”

Dinugtungan ito ni Charo, sinasabihan daw niya noon si Piolo na magpahinga muna kapag napapagod. 'Tsaka siya bumalik sa trabaho kapag nakapagpahinga na.

PIOLO THANKS CHARO

Kuwento ni Piolo, malamang ay wala siyang magandang career ngayon kung hindi dahil kay Charo.

Pagbubunyag ni Piolo, “If not for Tita Charo, siguro hindi ako nagbida sa mga soap. Hindi ako nagbida sa mga pelikula.

“Trivia po, si Tita Charo po ang naglaban sa akin pag may ibang artista na gusto nila. Sabi ni Tita Charo, ‘Si Piolo, si Piolo iyan.’

Continue reading below ↓

“Totoo po yun.”

Katwiran naman ni Charo, ginagawa niya ito kapag alam niyang babagay kay Piolo ang isang upcoming project.

Hirit naman ni Piolo: “Pero hindi, biased po talaga si Tita Charo, dahil paborito niya ako.”

Natawa si Charo. “Fan ako, fan!”

Pinasalamatan din ni Charo ang aktor: “Thank you for the love. 'Yan lang naman ang konting maibibigay ko sa lahat ng hard work, dedication, at commitment na ibinigay mo.”

Continue reading below ↓

Muling nagpasalamat si Piolo kay Charo, na hinimok din ang aktor na mag-venture sa pagpo-produce ng mga proyekto.

Paalala ni Charo kay Piolo, “Continue doing what you’re doing.

"I hope that you trailblaze, give stories that will make a difference in the lives of the audience.”

Si Piolo ay isa sa founders at managers ng independent film production company na Spring Films.

Kabilang sa mga pelikula ng Spring Films ay ang Kimmy Dora movie series (2009, 2012, 2013), Northern Lights: A Journey to Love (2017), ang blockbuster movie na Kita Kita (2017), at Meet Me in St. Gallen (2018).

THE RISE OF PIOLO

Si Piolo, isa sa mga pinakamalalaking artista ng ABS-CBN, ay nagsimulang sumikat sa Esperanza, ang teleseryeng pinagbidahan ni Judy Ann Santos.

Dito rin nagkasama sina Charo at Piolo.

Umere ang Esperanza mula 1997 hanggang 1999 sa ABS-CBN, at sinundan ng movie adaptation noong 1999.

Pagkatapos nito, nabuo ang tambalang Judy Ann at Piolo, na nakagawa ng blockbuster movies at mga primetime series sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Isa si Piolo sa mga artista ng ABS-CBN na tumanggap ng trabaho sa TV5, matapos tuluyang ipasara ang kanyang home network noong Hulyo, 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charo Santos (left) mentions that Piolo Pascual had a rebellious stage in the past. But she became the beacon of light for the actor. Piolo explains, "Siya kasi kausap ko non, e. But Tita Charo would always put some sense to me."
PHOTO/S: @charosantos on Instagram / Facebook (Piolo Pascual)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results