Donnalyn Bartolome cries while unboxing stuff her ex-boyfriend returned to her

by Rachelle Siazon
Nov 4, 2020
Donnalyn Bartolome on breakup with boyfriend of five years: "Binalik na niya lahat ng gamit ko. Ready na siya mag-move on, samantalang ako di ko pa naempake mga gamit niya na andyan... Wala na, di na ako mahal..."
PHOTO/S: Donnalyn Bartolome Youtube

Iyak nang iyak na inamin ni Donnalyn Bartolome na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend matapos ang limang taong relasyon.

Si Donnalyn, 26, ay Viva artist na napanood sa mga pelikulang Jacqueline Comes Home: The Chiong Story at Cry No Fear.

Mayroon din siyang kanta tulad ng "Kakaibabe" at "Happy Breakup."

Sa kanyang vlog noong November 1, ipinakita ni Donnalyn ang isang malaking kahon na naglalaman daw ng mga gamit na isinauli ng kanyang ex-boyfriend.

Itinago niya ito sa pangalang Dex o Donnalyn's ex.

Hindi niya napigilang mapaluha nang makita ang mga bagong underwear na binili raw sa kanya ng dating nobyo.

Biruan daw nila noon ni Dex na bibilhan siya nito ng underwear mula sa isang local brand, dahil alam ng lalaking ayaw niya ito.

"Sabi ko ayoko ng [local brand] panty. Gusto ko ng mga sexy na panty," naluluhang sabi ni Donnalyn.

"Binilhan pa rin niya ako ng [local brand] na panty!

Continue reading below ↓

"Pinapaiyak niya ako siguro. Wala namang ganunan, ilang beses mo na ako pinaiyak..."

Kuwento pa ng dalaga, anim na buwan na ang lumipas mula nang maghiwalay sila ni Dex.

Kaunti lang daw ang pinagsabihan niya ukol dito dahil alam niyang may kanya-kanyang pinagdaanan ang mga kaibigan niya nitong pandemya.

"I'm crying right now because ako kasi ang nagdesisyon na, 'Okay, we really can't do this because we are being unfair to each other.

"We can't be who we are to each other. We always tiptoe around each other.

"We hurt each other without meaning to."

NOT RIGHT FOR EACH OTHER

Sobrang magkaiba raw ang ugali nila ng ex-boyfriend kaya on-and-off ang kanilang relasyon.

Paliwanag ni Donnalyn: "Don't think masamang tao siya. It's just that our relationship is so complicated.

"We tried several times. Every time naman, I feel that I'm loved better.

"But I realized kasi na there are things in my life that's not just fit sa life niya.

Continue reading below ↓

"We tried to make it work so hard, but we just ended up hurting each other."

Masakit daw para kay Donnalyn kahit siya ang nag-initiate ng breakup nila ni Dex anim na buwan ang nakararaan.

"To a lot of people, they say that being with someone is a choice.

"And I've chosen to be with this person for a long time.

"But it's just... we love each other, but we're not right for each other."

Diin pa ni Donnalyn, "I feel like it's much harder to let go... Letting go of the hope that you two are right for each other is so difficult."

Continue reading below ↓

LAUGHING IN BETWEEN TEARS

Ilang beses sinabi ni Donnalyn na hindi pa rin siya nakaka-move on sa hiwalayan nila ni Dex.

Pero may mga pagkakataong idinadaan niya sa biro ang kanyang heartbreak.

Isa-isa niyang ipinakita ang mga gamit mula sa kahon—karamihan ay mga damit niya pati na luma niyang laptop.

Mayroon pang party trinkets na binili ni Dex para sa birthday party sana ng kapatid ni Donnalyn.

"Ang dami ko naman gamit sa kanya. Mas madami pa gamit dito kaysa sa gamit ko sa bahay."

Nahalungkat din niya sa box ang isang corset top na isinuot daw niya sa first date nila ni Dex.

Sinukat pa ni Donnalyn at ipinakita kung gaano ka-sexy ang outfit na iyon.

Hirit niya, "Parang ino-offer ko sa kanya yung boobs ko, 'no? Like, taraaan! First date pa lang. Pero ganito talaga yun."

Pero maya-maya, mapapaisip siyang tinuldukan na talaga ng nobyo ang kanilang ugnayan.

Continue reading below ↓

"Binalik na niya lahat ng gamit ko. Ready na siya mag-move on, samantalang ako di ko pa naempake mga gamit niya na andiyan...

"Wala na, di na ako mahal..."

Mensahe ni Donnalyn habang kumakain ng cake na hugis broken heart, "Para sa mga brokenhearted diyan, di kayo nag-iisa."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Also, you can use these foodpanda promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Donnalyn Bartolome on breakup with boyfriend of five years: "Binalik na niya lahat ng gamit ko. Ready na siya mag-move on, samantalang ako di ko pa naempake mga gamit niya na andyan... Wala na, di na ako mahal..."
PHOTO/S: Donnalyn Bartolome Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results