G Tongi hits back at Arnell Ignacio for his “mahina ang ulo” post about celebrity critics of the government

by Arniel C. Serato
Nov 4, 2020
G Tongi to Arnell Ignacio: "Arnel-dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila..."
PHOTO/S: Courtesy: @gtongi on Instagram / DA Arnell Ignacio on Facebook

Pumalag si G Tongi sa patutsada ni Arnell Ignacio tungkol sa mga kapwa nila artista.

Sa kanyang Facebook post noong November 2, sinabi ni Arnell na mahirap na raw ipagtanggol ngayon ang mga artista na "me yabang pa nga sa katangahan."

Buong post ng TV host-comedian: "Noon ang artista kadalasan ang tingin e mahina ang ulo... na stereoyped kung baga. Nakaka sama nga ng loob noon ...pero ngayon ang hirap na ipagtanggol. Ang daming prueba eh.me yabang pa nga sa katangahan e"

Continue reading below ↓

Hindi man direktang pinangalanan ni Arnell kung sino ang tinutukoy niya, mismong ang followers niya ang nagbanggit ng pangalan ng aktres na si Angelica Panganiban.

Nitong mga nakalipas na araw ay kinuyog ng Die-hard Duterte Suporters o DDS si Angelica dahil sa cryptic post na ito ng aktres noong November 1:

“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan para sa bayan at mga pilipino..."

Hindi nagbanggit ng pangalan si Angelica, pero pinersonal ito ng mga DDS dahil naniniwala silang patungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pasaring ng aktres.

Iniugnay nila ang tweet ni Angelica sa hindi pagpapakita ng Pangulo sa press briefing tungkol sa sagot at aksyon ng pamahalaan para matulungan ang mga kababayan nating naapektuhan nang husto ng pananalasa ng super typhoon Rolly, na itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa mundo ngayong 2020.

Kung pagbabasehan ang petsa ng mga post nina Angelica at Arnell, posibleng ang mensahe ni Arnell ay sagot sa tweet ni Angelica.

Continue reading below ↓

Si Arnell ay kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Si Angelica, na dating tagasuporta ng Pangulo, ay vocal sa paghahayag ng kanyang opinyon tungkol sa mga kaganapan sa bansa.

G TONGI

Ngayong Miyerkules ng gabi, November 4, ni-repost ng U.S.-based actress na si G Tongi ang isang report tungkol sa cryptic post ni Arnell na posibleng tumutukoy kay Angelica.

Sa pamamagitan ng Twitter ngayong gabi, November 4, nagkomento si G tungkol sa balitang ito na nabasa niya mula sa social media site ng isang diyaryo.

Sa caption, pinuna ni G ang pag-atake ni Arnell sa mga kasamahan nila sa industriya na nagsasalita o pumupuna sa mga nakikita nilang kamalian, lalo na't karapatan naman daw nila ito.

Ibinalik din ni G kay Arnell ang sinabi nitong "mahina ang ulo" ng mga artistang nagsasalita laban sa Pangulo.

Buong mensahe ni G: “Arnel- dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila...

Continue reading below ↓

“Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka... (Winking Face with Tongue, peace sign emojis).”

Si G ay kilalang kritiko ng administrasyong Duterte.

Kinunan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Arnell tungkol sa parunggit sa kanya ni G, pero natawa lang ito.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
G Tongi to Arnell Ignacio: "Arnel-dahan dahan lang sa pag atake ng mga kasamahang sa industrya na ginagamit lang naman ang kanilang boses na karapatan naman nila..."
PHOTO/S: Courtesy: @gtongi on Instagram / DA Arnell Ignacio on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results