Lea Salonga voices support for presidential frontrunner Joe Biden; Ogie Alcasid asks for prayers for U.S.

by Jet Hitosis
Nov 5, 2020
International singer Lea Salonga on November 4 reposts an old photo of herself with U.S. presidential election frontrunner, former Vice President Joe Biden (left) taken at the Tony Awards ceremonies in 2017. Meanwhile, singer-songwriter Ogie Alcasid (right) tells his Twitter followers to "pray for the US.”
PHOTO/S: Lea Salonga on Facebook, @ogiealcasid on Instagram

Nagpahayag ng suporta ang international singer na si Lea Salonga para sa frontrunner sa U.S. presidential election na si former Vice President Joseph Biden.

Nitong Miyerkules, November 4, ini-repost ni Lea, 49, sa Facebook ang litrato niya kasama si Biden, 77.

Kuha iyon nang kapwa sila dumalo sa Tony Awards ceremonies sa New York City noong 2017.

Base sa caption ni Lea, personal silang nagkakilala ni Biden nang gabing iyon.

Nagkataon kasing nakaupo si Biden sa likuran ni Lea, kaya sinamantala iyon ng Pinay international singer para makipagkilala at magpa-picture sa veteran politician.

Caption ni Lea: “Whatever happens, we’re with you, Joe!

“Such a privilege to meet you at the Tonys!”

Si Lea ay isang Tony awardee sa edad na 20.

Continue reading below ↓

Taong 1991 nang parangalan si Lea bilang Best Actress in a Musical para sa kanyang pagganap bilang Kim sa Broadway hit na Miss Saigon.

THE PRESIDENT-ELECT

Napakalaki ng posibilidad na si Biden ang ipoproklama bilang bagong president-elect ng Amerika.

Kumpirmadong nakakuha na si Biden ng 264 electoral votes, kumpara sa 214 boto ng 74-year-old reelectionist na si President Donald Trump, ayon sa report ng The Associated Press (AP).

Kailangan ng isang presidential candidate ng 270 electoral votes upang maiproklama ang pagkapanalo.

At press time ay hindi pa rin tapos ang pagbibilang sa lahat ng boto sa eleksyong nagtapos nitong November 3.

Naatrasado na nga ang bilangan dahil sa paggamit—sa unang pagkakataon—ng mail-in o absentee ballots, kinukuwestiyon pa ni Trump ang mismong vote-counting.

Reklamo ni Trump, nagkadayaan daw sa bilangan ng boto kaya lumalabas na natatalo siya ni Biden.

TRUMP SUES BATTLEGROUND STATES

Nitong Miyerkules (Huwebes, November 5, sa Pilipinas), pormal nang naghain ng asunto ang legal team ni Trump sa mga states ng Pennsylvania, Michigan, at Georgia, iniulat ng AP.

Continue reading below ↓

Ito ang tatlong battleground states kung saan natalo ni Biden si Trump.

Iginigiit ang argumentong nagkaroon ng dayaan, hiniling ng kampo ni Trump ang wastong access para sa campaign observers sa mga lugar na nagbibilang pa rin ng mga balota.

Kasabay nito, maraming tagasuporta ni Trump ang nagtipun-tipon sa labas ng mga vote-counting centers sa Detroit at Phoenix, kung saan talo rin ang incumbent president.

Habang patuloy na tinututukan ng mundo—kabilang ang Pilipinas—ang mga nangyayari sa paghahalal ng bagong U.S. president, umapela ng dasal ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sa Amerika.

Tweet niya ngayong Huwebes: “I think most of us are anticipating the results of the elections in the US.

“While we are, think it would help if we pray for the US too.

“Blessed day everyone.”

Continue reading below ↓

ARCI, JAKE, GEORGINA POST UPDATES

Bukod kina Lea at Ogie, maraming iba pang Pinoy celebrities ang nag-aabang sa proklamasyon ng president-elect ng bansang malapit na kaalyado ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, nag-post ngayong Huwebes ng animated at inaccurate na update sa U.S. presidential elections ang aktres na si Arci Muñoz.

Continue reading below ↓

May latest tally of votes din sa Instagram Story ng Filipino-Spanish-American actor na si Jake Cuenca.

May kaparehong U.S. election update din sa Instagram ang U.S.-born model na si Georgina Wilson.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
International singer Lea Salonga on November 4 reposts an old photo of herself with U.S. presidential election frontrunner, former Vice President Joe Biden (left) taken at the Tony Awards ceremonies in 2017. Meanwhile, singer-songwriter Ogie Alcasid (right) tells his Twitter followers to "pray for the US.”
PHOTO/S: Lea Salonga on Facebook, @ogiealcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results