Maine Mendoza joins Atayde family in birthday salubong for boyfriend Arjo Atayde

by Arniel C. Serato
Nov 5, 2020
Maine Mendoza (left) attends birthday salubong for boyfriend Arjo Atayde (right) at his family's house Wednesday night, November 4. The Kapamilya actor is celebrating his 30th birthday today, November 5.
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram

Pamilya na talaga ang turing ni Sylvia Sanchez at ng buo niyang pamilya kay Maine Mendoza.

Si Maine ang girlfriend ng panganay na anak ni Sylvia na si Arjo Atayde.

Kagabi, November 4, kasama ng buong pamilya ng beteranang aktres si Maine sa birthday salubong ni Arjo.

Ngayong araw, November 5, ang ika-30 kaarawan ng Kapamilya actor.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sylvia kaninang madaling-araw ang ilang larawan na kuha mula sa pagtitipon.

Makikita ritong bukod sa asawang si Art Atayde at mga anak na sina Ria, Gela, at Xavi, kasama nila ang Kapuso star habang tila may pinapanood sa laptop.

Continue reading below ↓

Ayon kay Sylvia, masaya siya para kay Arjo dahil alam niyang maligaya ito sa kanyang buhay.

Mensahe ng beetranang aktres, “Masaya ako anak @arjoatayde kasi alam kong masayang masaya ka.

“Maligayang kaarawan sayo. Love you #family #happiness #grateful #blessed #thankuLORD Happy morning.”

Hindi ito ang unang pagkakataong naki-bonding si Maine sa pamilya Atayde.

Continue reading below ↓

Noong February 2020, masaya ring naki-bonding si Maine sa pamilya ni Arjo kung saan tinuruan niya ang mga ito ng viral dance craze na "Tala," na pinasikat ng ABS-CBN singer-actress na si Sarah Geronimo

Caption ni Sylvia sa mga larawang ibinahagi niya noon sa Instagram, "Yong ang saya lang ng monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, mamita pilar, gela at @marjso na tinuturuan ni maine mag tala lahat kami dito sa bahay.

"Coach @mainedcm thank you at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag tala kami haha ang cute mo maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat nabully mo napahalakhak at napagtala mo ang asawa ko hahaha."

ARJO, MAINE TO CELEBRATE SECOND ANNIVERSARY IN DECEMBER

Sa December 21, ipagdiriwang nina Arjo at Maine ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang magkarelasyon.

Galing man sa magkalabang networks, patuloy na pinatutunayan ng Kapuso star at Kapamilya actor ang kasabihang "Love knows no boundaries."

Continue reading below ↓

Nagkatrabaho at nagkamabutihan ang dalawa sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles kasama sina Vic Sotto at Coco Martin.

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang lumabas ang larawan nina Maine at Arjo habang kumakain sa isang restaurant sa Makati City noong October 11, 2018. Dahil dito, nagsimula ang espekulasyong may namamagitan sa dalawa.

Kasunod na namataan ng netizens ang dalawa na magkasama sa ilang parties sa Makati at Bonifacio Global City.

January 22, 2019, inamin ni Arjo ang exclusively-dating status nila ng Eat Bulaga! host.

March 2, 2019, inamin din ni Maine na nagdi-date nga sila ni Arjo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Also, you can use these foodpanda promo codes or vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza (left) attends birthday salubong for boyfriend Arjo Atayde (right) at his family's house Wednesday night, November 4. The Kapamilya actor is celebrating his 30th birthday today, November 5.
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results