Did Aiko Melendez take a swipe at G Tongi taking a swipe at Arnell Ignacio's hairpiece?

by Rachelle Siazon
Nov 6, 2020
Aiko Melendez (left) weighs in on the recent statement of G Tongi (center) against Arnell Ignacio (right): "Pwede kasi naman ang issue is about mishandling of some things, Pero para tawagin mo kalbo o panget o ano man kapintasan ng isang tao hindi tama...#lowblow"
PHOTO/S: @aikomelendez / @gtongi Instagram / CTTO

Si G Tongi ba ang pinariringgan ni Aiko Melendez na "low blow" daw ang tirada?

Kaugnay ito ng makahulugang Facebook post ni Aiko nitong Huwebes, November 5.

Pinarunggitan ni Aiko ang isang di pinangalanang personalidad, na idinaan umano sa "personal na birada" ang argumento sa isyung may kinalaman sa pulitika.

Pahayag ni Aiko (published as is): "Lahat naman tayo me kanya kanyang opinion sa pulitika.

"Me kanya kanya paniniwala pero hindi kasi ako sang ayon na mamemersonal ka sa pagtira ng kapwa mo.

"Pwede kasi naman ang issue is about mishandling of some things, Pero para tawagin mo kalbo o panget o ano man kapintasan ng isang tao hindi tama..."

Hindi naman daw kailangang manlait pa para lang makontra ang opinyon ng iba.

"Kung me maganda at maayos ka na rebuttal sabihin mo out loud pero wag ka manghamak ng tao...

"Nakakalungkot naman. Dito na papunta ang argumento ng isang bagay. Personalan...

Continue reading below ↓

"Lahat tayo ay me kalayaan sa pagpuna ng isang pagpapatakbo sa bayan pero pag nauwi sa personalan ang atake ano tawag dun?...

"Think before you click nga dba. Gather facts muna... There is no harm in asking..."

Dinagdagan pa ito ni Aiko ng hashtags na "#lowblow" at "#justsaying."


Wala mang binanggit na pangalan si Aiko, mapapansin sa comments section na nabanggit nitong babae ang tinutukoy niyang personalidad.

Continue reading below ↓

Ani Aiko, "Walang perpekto na pamamalakad pero tawaging kalbo or ano man ang creation ni Lord is something else. Low blow.

"Can't she get a better agument than that?"


Makalipas ang 30 minuto, nag-post naman si Arnell Ignacio ng pasasalamat kay Aiko.

Si Arnell ay minsan nang nagsabing siya ay kalbo at nagsusuot lamang ng hair piece mula sa pag-aaring hair-care business.

Continue reading below ↓

Mensahe ni Arnell: "Maria Kendra Melendez [lovestruck emoji] Iba ka talaga maraming salamat."

Maria Kendra Melendez ang username ni Aiko sa kanyang official Facebook account.


Base rito, malinaw na nagpapasalamat si Arnell sa pagtatanggol sa kanya ni Aiko.

Lumalabas na ang pagdepensa ni Aiko kay Arnell ay waring may kaugnayan sa pambabatikos ni G Tongi kay Arnell.

Continue reading below ↓

ARNELL IGNACIO VS G TONGI

Noong November 4, direktang pinalagan ni G ang pasaring ni Arnell sa mga artistang nagbibigay ng opinyon sa pagpapatakbo ng gobyerno sa bansa.

Ang siste, may Facebook post si Arnell na nagkakaroon daw ng imahe ang mga artista na "mahina ang ulo."

Ani Arnell, bukod sa "me yabang" ay may "katangahan" ang mga artistang nakikialam sa usaping pulitika.


Continue reading below ↓

Hindi ito nagustuhan ni G.

Tinapatan ni G ang hinihinalang birada ni Arnell sa kanilang kapwa artista.

Ayon sa U.S.-based actress, karapatan ng mga artistang gamitin ang kanilang boses para iparating ang kanilang opinyon sa mahahalagang isyu ng bansa.

Na maayos namang punto.

Pero may dagdag na tweet si G para kay Arnell, "Sa kaalaman ko, ang may mahinang ulo ay yung di tumutubong buhok mo, kaya tuloy naka plug ins ka..."


Continue reading below ↓

ARNELL VS ANGELICA PANGANIBAN

Nagsanga-sanga na ang isyu mula sa "mahina ang ulo" na pasaring ni Arnell sa ilang artista.

Naiugnay iyon kay Angelica Panganiban, base sa comments ng Facebook followers ni Arnell.

Noon kasing November 1, nag-tweet si Angelica na sana ay huwag tulugan ng mga nakaupo sa puwesto sa gobyerno ang problema ng bayan.

Continue reading below ↓

Kasagsagan iyon ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly, kasabay ng usap-usapan sa social media na nawawala sa eksena si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagtaka kasi ang netizens sa hindi pagpapakita ng Pangulo sa press briefing tungkol sa sagot at aksyon ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng bagyo.

Isa roon si Angelica.

Si Angelica, na dating tagasuporta ng Pangulo, ay bukas sa paghayag ng kanyang opinyon sa mga nagaganap sa bansa.

Low blow naman ang sagot ni Arnel kay Angelica.

Si Arnell ay kilalang masugid na tagasuporta ng Pangulong Duterte.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez (left) weighs in on the recent statement of G Tongi (center) against Arnell Ignacio (right): "Pwede kasi naman ang issue is about mishandling of some things, Pero para tawagin mo kalbo o panget o ano man kapintasan ng isang tao hindi tama...#lowblow"
PHOTO/S: @aikomelendez / @gtongi Instagram / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results