Vice Ganda jokingly claims Miss Universe Philippines 2020 “crown” for having Ion Perez

by Arniel C. Serato
Nov 6, 2020
Vice Ganda to boyfriend Ion Perez: "Don’t wanna give my heart away to another stranger.”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

Pabirong "inangkin" ni Vice Ganda ang "korona" sa Miss Universe Philippines 2020 dahil mayroon daw Ion Perez sa kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram post kahapon, November 5, makikitang yakap ni Vice mula sa likuran si Ion habang kumuha siya ng kanilang mirror selfie.

Caption ng It’s Showtime host: “Don’t wanna give my heart away to another stranger.”

Continue reading below ↓

Nagkomento naman dito si Jonas Gaffud, ang Miss Universe Philippines Organization (MUPO) creative director.

Biro niya, si Vice talaga ang “kinoronahan” bilang Miss Universe Philippines.

Sabi ni Jonas, “Ikaw yung Kinoronahan eh, Miss Universe Philippines!”

Tugon naman ni Vice, “diba! Di ko nga alam kung ano pang pinaglabanan nila! O loko!”

Continue reading below ↓

Marahil, ang tinutukoy ni Vice ay ang mga kontrobersiyang nakapalibot sa pagtatanghal kay Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines 2020.

Nagpahiwatig kasi si Miss Taguig Sandra Lemonon, Top 16 semifinalist, ng diumano’y “cheating” na nangyari sa pageant kahit wala naman siyang inilabas na basehan.

Hindi rin sumipot ang second runner-up na si Michele Gumabao sa media presentation ng winners matapos ang telecast ng pageant sa GMA-7.

Pero nanindigan ang Miss Universe Philippines Organization na walang basehan ang alegasyon ng ilang kandidata.

VICE-ION TWO-YEAR RELATIONSHIP

Nitong nakaraang October 25, nagdiwang ng kanilang ikalawang anibersaryo sina Vice at Ion bilang magkarelasyon.

Idinaos nila ito sa isang theme park sa Laguna kung saan sorpresang inilunsad ni Vice ang isang music video para sa boyfriend na may titulong “Mahal Ako ng Mahal Ko.”

Nagkaiyakan ang dalawa dahil nalampasan daw nila ang maraming pagsubok sa kanilang dalawang taong relasyon.

Continue reading below ↓

Pangako naman ni Ion, mamahalin niya nang tunay si Vice.

Saad pa ng binata, “Wala na rin akong masabi kundi paulit-ulit kong sasabihin. Hangga't kaya kong iparamdam, mahal kita, ipaparamdam ko sa ’yo.

"Siguro, isinilang ako sa mundo para mahalin ka. Mamahalin kita nang sobra."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda to boyfriend Ion Perez: "Don’t wanna give my heart away to another stranger.”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results