Naging viral at pinag-usapan sa internet noong nakaraang taon, ang naging attitude ng It's Showtime contestant na si Shantal Cuizon tungkol sa beteranong composer, music arranger, album producer, at musical director na si Louie Ocampo.

Matatandaang sa tweet ni Shantal, minaliit nito ang award-winning musician and songwriter dahil hindi nagustuhan ang mga naging komento nito sa kanya.

Mga komentong muntik nang ika-eliminate ni Shantal sa "Tawag Ng Tanghalan" o "TNT" segment ng It's Showtime.

Tweet ni Shantal noon, "Composer ka lang."

Wala itong binanggit na pangalan sa kanyang tweet pero malinaw sa mga nakakita nito na ang pinatutungkulan ng "TNT" contestant ay si Ocampo.

Agad din namang humingi ng paumanhin si Shantal sa music veteran.

Gayunpaman, hindi na rin ito pinalad na makarating sa grand finals ng nasabing singing competition.

Samantala, sa isang panayam kina Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista, tinanong sila ng nag-i-interview sa kanilang reporter kung ano ang masasabi nila sa ginawa ni Shantal.

Sa kuhang video ni Noel Orsal ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nakuhanan ng reaksyon ang The Clash judges.

Nagbigay ng kanilang opinyon at payo ang mga Kapuso artists na ito na dapat na isaisip at isapuso ng mga gustong pumasok sa showbiz o kahit na yung mga baguhan pa lang na artista o mang-aawit.

Panoorin ang video para malaman ang kanilang mga sinabi.

HOT STORIES

#theclash #aiaidelasalas #christianbautista #lanimisalucha

Video: Noel Orsal
Edit: Rommel Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results