Matteo Guidicelli remembers engagement to “beautiful wife” Sarah Geronimo

Nov 7, 2020
Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli
On November 7, 2019, actor Matteo Guidicelli announces his engagement to singer-actress Sarah Geronimo after six years of being together. They got married on February 20, 2020.
PHOTO/S: @matteog, @ashmatt_love on Instagram

Nagbalik-tanaw si Matteo Guidicelli, 30, sa araw na inanunsiyo niya sa social media ang engagement nila ng ngayon ay misis na niyang si Sarah Geronimo, 32.

Ginawa ito ng Filipino-Italian actor ngayong Sabado, November 7, eksaktong isang taon matapos nitong sabihin sa social media na ikakasal na sila ng noon ay longtime girlfriend niyang si Sarah.

Sa isang Instagram Story, ipinost ni Matteo ngayong Sabado ng umaga ang isa sa dalawang engagement photos nila ni Sarah.

Sa litrato, nakangiti si Sarah habang pabirong sakal-sakal si Matteo, at makikitang suot ng singer ang kanyang diamond engagement ring.

Tinag ni Matteo si Sarah sa caption ng throwback photo nilang iyon: “Last year. My beautiful wife. @justsarahg”

Continue reading below ↓

LOW-KEY ANNOUNCEMENT

Gabi ng November 7, 2019 nang sinorpresa ni Matteo ang kanyang 2.6 million Instagram followers sa ipinost niyang pictures nila ng singer-actress.

Dalawang litrato iyon kung saan parehong nakasuot ng puting damit ang magkasintahan, at kitang-kita ang diamond engagement ring ni Sarah.

Ang maiksing caption ni Matteo: “I love you my love, now and forever. [heart emoji]”

Makalipas ang ilang oras, ibinunyag ng nakababatang kapatid ni Matteo na si Paolo Guidicelli na matagal nang engaged ang magkasintahan.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinuking ni Paolo: “They were engaged for about a year now. It was just a secret.”

Nang mga panahong iyon, kakatapos lang mag-celebrate nina Sarah at Matteo ng kanilang sixth anniversary sa Bali, Indonesia.

SECRET WEDDING

Gabi ng February 20, 2020, sumambulat ang balitang sinuntok ni Matteo ang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara.

Ang mas nakakagulat, nangyari raw ang insidente sa venue ng kasal nina Sarah at Matteo.

Continue reading below ↓

Dahil sa insidente, nabunyag ang lihim na pagpapakasal ng magkasintahan sa isang intimate Christian ceremony sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig.

Nagkaroon ng komosyon snang sumugod ang ina ni Sarah na si Mommy Divine Geronimo.

Ayon sa reports, ang bodyguard ang nagsumbong kay Mommy Divine tungkol sa secret wedding kaya raw sinapak ni Matteo ang lalaki.

Hindi raw kasi alam ni Mommy Divine na ikakasal ang anak kay Matteo.

Sa kabila kasi ng long-term relationship nina Sarah at Matteo, tutol pa rin si Mommy Divine sa aktor para sa anak.

Kalaunan, nagkaayos si Matteo at ang bodyguard.

Pero walang balita kung nagkaayos si Mommy Divine at ang kanyang anak at manugang.

At matapos ang kontrobersiyal na kasal, tahimik at masaya ang buhay may-asawa nina Sarah at Matteo.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On November 7, 2019, actor Matteo Guidicelli announces his engagement to singer-actress Sarah Geronimo after six years of being together. They got married on February 20, 2020.
PHOTO/S: @matteog, @ashmatt_love on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results