Marco Gumabao admits he once fell for close friend Julia Barretto: “Wrong timing ako.”

Nov 8, 2020
Julia Barretto, Marco Gumabao
Marco Gumabao (right) admits that he once "liked" Julia Barretto (left) and even told her about his feelings, but the actress says, "At that time, I wasn’t ready yet." At that time, in fact, Julia was heartbroken, and if her love timeline is to go by, the heartbreak had to do with James Reid.
PHOTO/S: @juliabarretto, @gumabaomarco on Instagram

“Wrong timing ako.”

Ganito inamin ni Marco Gumabao na minsan siyang nagkagusto sa malapit na kaibigang si Julia Barretto.

Ayon sa 26-year-old hunk actor, nangyari ito may apat o limang taon na ang nakalilipas.

Teenager pa lang daw noon si Julia, 23, at magkasama sila sa iisang grupo ng magkakaibigan, ayon kay Marco.

“Dumaan naman ako sa phase na, yun nga, I liked Julia,” pag-amin ni Marco habang kaharap ang young actress.

“Wala, bata pa talaga kami noon. Nineteen siya…eighteen. Ako, mga twenty-one lang yata ako noon.”

Nag-guest si Marco sa bagong #DrunkAndSpill vlog series ni Julia, na in-upload nitong Sabado ng gabi, November 7, 2020.

Base na rin sa titulo ng vlog series, tatanggap ng tequila shots si Julia at ang kanyang guest habang nagkukuwentuhan—at nagbubukingan.

JULIA: “AT THAT TIME I WASN’T READY YET”

Sa vlog, ibinunyag ni Julia na lakas-loob na ipinagtapat ni Marco sa kanya ang nararamdaman nito.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Julia: “I told him at that time that I respect his—"

Biglang sumingit si Marco at inunahang ibuking si Julia, “Heartbroken kasi siya noon.”

“Yeah. I'd just gotten out of a relationship,” segunda ni Julia.

“Oo, wrong timing ako,” pag-amin ng aktor, kasunod ng malakas na pagtawa.

Patuloy ni Julia: “Sinabi ko naman sa kanya na, ‘I’m so proud of you, so brave of you to tell me how you feel about me and I appreciate it.’

“Also, really at that time, I wasn’t ready yet.”

Hindi nagdetalye si Julia kung kanino siya brokenhearted noong mga panahong iyon.

Pero kung apat o limang taon na ang nakalipas, tinatayang taong 2015 nang magtapat si Marco kay Julia.

Noong 2015, ang Kapamilya actor na si James Reid ang nali-link sa dalaga.

May mga sightings sa dalawa noon, at may mga balitang tumagal ng ilang buwan ang relasyon nina Julia at James. Binanggit pa ito ng YES! Magazine sa isang cover article tungkol kay James.

Continue reading below ↓

Gayunman, walang sinuman sa dalawa ang umaming nagdi-date nga sila.

Kasikatan noon ng love team ni James kay Nadine Lustre. Ang teleserye nilang On The Wings of Love ay namayagpag sa TV. Naging official couple ang screen partners na kilala sa moniker na JaDine noong February 2016.

HE DOES HER MAKEUP

Bukod sa nagsa-shot ng tequila habang nagbabatuhan sila ng tanong, bahagi ng vlog ang paglalagay ni Marco ng make-up kay Julia.

Matiyagang nagbibigay ng instructions ang young actress sa pagkakasunud-sunod ng beauty products na ia-apply ng hunk actor sa mukha ni Julia.

Continue reading below ↓

Hindi maikakailang kumportable sa isa’t isa sina Julia at Marco, na panay ang biruan at bukingan.

Sa katunayan, sa simula ay pabiro lang nilang pinag-usapan ang tungkol sa minsang pagkakagusto ni Marco kay Julia.

Bigla na lang kasi ang pagtanong ni Julia kay Marco: “Was there ever a time na you got attracted to me?”

Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Marco sa narinig.

Sa malakas na boses, natatawang bulalas ng aktor: “Kapal ng mukha nito, my god! Seryoso ka ba na tinatanong mo iyan?!”

Tawa naman nang tawa si Julia.

Kuwento ng young actress, lagi raw siyang sinasabihan ni Marco ng makapal ang mukha tuwing inuungkat niya ang tungkol sa pag-amin nito noon sa kanya.

THANKFUL MARCO

Paiwas na sagot ni Marco, hindi naman sikreto sa kanilang barkada na may crush siya noon kay Julia.

“Alam naman nila before, like sa barkada namin, alam nila na I had a crush on Julia,” sabi ni Marco.

Continue reading below ↓

Pero kinontra siya ni Julia.

“You didn’t have a crush with me, Marco. You were in love with me. Tell them the truth.”

Muli na namang nanlaki ang mga mata at natawa si Marco sa narinig.

Biro pa ng aktor, baka nakakarami na raw ng tequila shots si Julia at kung anu-ano na ang sinasabi.

Pero kalaunan nga ay umamin din si Marco.

Paliwanag niya: “Before, siyempre, lagi kaming magkakasama, every week. Like three times a week, minimum yun.

“Siyempre, mahihirapan kang di ma-attract sa kaibigan mo.”

Gayunman, ipinagpapasalamat daw ni Marco na sa kabila ng nangyari ay nanatili silang malapit na magkaibigan ni Julia.

“Pero thankful din ako na we stayed as friends, because solid talagang kaibigan si Julia.”

Sinundan ni Marco ng pabulong na biro ang kanyang sinabi: “Minalas siya kasi di niya ako sinagot.”

Muling napahagalpak ng tawa ang young actress.

STRONGER FRIENDSHIP

Sa panig ni Julia, nilinaw niyang pagkatapos ng nangyari ay hindi naman sila dumaan ni Marco sa “awkward” stage.

Continue reading below ↓

Aniya, nakatulong pa raw iyon upang lalong lumalim ang pagkakaibigan nila ng aktor.

“You know what’s great about that happening in our friendship? We were never awkward after that time,” ani Julia.

“Oh, yeah,” pagsang-ayon ni Marco. “Never, never.”

“And it never really did bad for our friendship,” dagdag ni Julia. "In fact, I think it made it stronger.

“Our friendship is way more important than whatever awkwardness,” sabi pa ni Julia.

Sa kasalukuyan, si Gerald Anderson ang rumored boyfriend ni Julia, habang single naman si Marco.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao (right) admits that he once "liked" Julia Barretto (left) and even told her about his feelings, but the actress says, "At that time, I wasn’t ready yet." At that time, in fact, Julia was heartbroken, and if her love timeline is to go by, the heartbreak had to do with James Reid.
PHOTO/S: @juliabarretto, @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results