Barbie Imperial worried about family in Bicol; raises PHP600K for hometown in Catanduanes

Nov 8, 2020
On Sunday, November 8, 2020, Kapamilya actress Barbie Imperial thanks everyone who helped her raise PHP600,000 to aid families affected by the super typhoon Rolly at her hometown in Virac, Catanduanes.
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram

Doble ang pangambang naranasan ng ABS-CBN actress na si Barbie Imperial dahil bukod sa kinakaharap na pandemya ay sinalanta rin ng Super Typhoon Rolly ang kanyang probinsiya.

Sa Albay at Catanduanes lumaki ang dalaga.

Sa digital press conference ng kanyang iWant series na Oh, Mando! nitong Miyerkules, November 4, 2020, inamin ni Barbie na nag-alala siya para sa kanyang pamilya nitong nakaraang linggo.

"I think the most challenging is yung mahiwalay ka sa pamilya mo," pahayag nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press.

Dagdag pa ni Barbie, "Ang hirap po kasing mahiwalay ka sa pamilya ngayon.

"And for me kasi, yung pinaka… Actually before, kasi po pinaka-importanteng bagay sa akin is may trabaho ako, kasi if wala akong trabaho, wala akong mabibigay sa pamilya ko.

"But now, dahil sa pandemic, na-realize ko na ang pinaka-importanteng bagay ngayon ay maging healthy ako at ang pamilya ko. Yun talaga yung pinaka-challenging for me.

Continue reading below ↓

"Until now, yun pa rin yung biggest challenge sa akin kasi I have family left in Albay and Catanduanes.

"It’s been three days po, wala pa rin kaming balita sa kanila kasi yung buong Virac, Catanduanes po, talagang washed-out po talaga. Marami pong namatay, so yeah, yun po yung challenge for me."

Madaling araw ng November 1, Sunday, nang unang mag-landfall ang Super Typhoon Rolly sa Bato, Catanduanes. Dahil dito, itinaas sa storm signal no. 5 ang ibang bahagi ng Bicol, kabilang ang Albay at Catanduanes.

Apat na araw simula nung bagyo, hindi pa nakakausap ni Barbie ang kanyang ina na si Bing Imperial at kapatid dahil walang network signal sa kanilang lugar sa Catanduanes.

Sa ngayon, wala pang update si Barbie kung may nakausap na siyang kamag-anak ngunit nagsimula na itong magpaabot ng tulong para sa mga kababayan nitong nasalanta ng bagyo.

Noong November 3, Tuesday, nagsimula ng donation drive si Barbie sa tulong ng Caritas Virac Justice and Peace Inc.

Continue reading below ↓

Ibinahagi ito ni Barbie sa kanyang Instagram kalakip ang mensahe ng paghingi ng tulong para sa mga kababayan nitong nangangailangan.

Ang buong caption ni Barbie, "Catanduanes Island is our second home. My mother and her siblings were born and raised in this island.

"It breaks my heart to see a beautiful place ruined by the typhoon Rolly. It’s been 3 days and we haven’t even heard from our own family.

"Kumakatok po ako sainyong mga puso, tulungan po natin ang mga kapamilya natin sa Virac. We are now organizing a relief drive for the island of Catanduanes.

"We have yet to get a full assessment on the extent of the damage but initial reports are catastrophic ( no access to roads, 1 fuel station open with a one km lineup, no market open, no water supply, no power and telcos).

"We are humbly asking for your help, be it in financial support or in kind (food packs, bottled water, hygiene kits, blankets/clothes etc) will be greatly appreciated. God bless your generous hearts! Salamat! Dios mabalos!"

Continue reading below ↓

Ngayong Linggo, November 8, nagpasalamat si Barbie sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong.

Ayon sa dating housemate ng Pinoy Big Brother, umabot sa mahigit PHP600,000 ang nakalap nilang donasyon para sa kanyang mga kababayan.

Ang post nito sa Instagram Stories, "Your donations now amount to Php 600k+ [thank you emoji] Thank you everyone! Malaking tulong po ito para sa mga kapamilya natin sa Catanduanes! [heart emoji]"

Continue reading below ↓

Barbie Imperial

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Sunday, November 8, 2020, Kapamilya actress Barbie Imperial thanks everyone who helped her raise PHP600,000 to aid families affected by the super typhoon Rolly at her hometown in Virac, Catanduanes.
PHOTO/S: @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results