Angel Locsin speaks about postponed November 8 wedding with Neil Arce 

by Rachelle Siazon
Nov 9, 2020
Neil Arce tells Angel Locsin that he can't wait to be her husband few months from now. How did Angel and Neil move out of friendzone after 7 years of calling each other "bro"?
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram / The Angel and Neil Channel Youtube

Isiniwalat ni Angel Locsin na dapat ay kasal na sila ng fiancé na si Neil Arce noong Linggo, November 8.

Sa kanyang Instagram post, ipinahiwatig ni Angel na ilang buwan pa ang hihintayin nila ni Neil para sa kanilang new wedding date.

"So, we were supposed to get married today [grinning emoji] Nov 8, 2020 [wedding ring]

"how about you guys? Did you have plans this year that got moved? Can’t wait a few more months [bride and groom emoji."

Continue reading below ↓

Sa comments section, naghayag si Neil na di na raw niya mahintay maikasal sila ni Angel.

Ani Neil, "A few more months...[heart emoji] can’t wait to be your husband [blowing kiss emoji]."

Napahirit si Angel ng "charot" at laughing with tears emoji sa pagiging cheesy ni Neil.


Hirit naman ni Neil, hindi charot dahil nakabayad na sila ng down payment para sa wedding preparations nila.

Continue reading below ↓

"@therealangellocsin wow ngayon pa ba kita bolahin nakadown payment Na tayo."


Kalakip ng laughing with tears emoji, balik-sagot ni Angel, "@neil_arce oo nga naman... sayang naman yun."


Continue reading below ↓

CELEBRITY REACTIONS

May ilang celebrities ang nakisali sa kulitan ng engaged couple.

Una na rito ang close friend ni Angel na si Bubbles Paraiso.

"A few months postponed is fine... you have naman a lifetime to spend together [heart emoji] naaaaaaks," saad ni Bubbles.

Napa-"wow" dito si Angel.


Biro naman ni Ryan Eigenmann, "Savor the last few months lol."

Continue reading below ↓


Sumingit ang asawa ni Ryan na si Cathy Eigenmann kung anong nais ipahiwatig ni Ryan tungkol sa pag-aasawa.

"Parang may sinasabi ka ah," wari'y napapaisip na biro ni Cathy.

Nagsabi naman agad si Ryan kay Cathy na "labyu."


Continue reading below ↓

Natawa si Angel sa reaksiyon ni Cathy sa biro ni Ryan.


ANGEL AND NEIL: STARTING OUT AS FRIENDS

Sina Angel at Neil ay pitong taong magkabarkada bago sila nag-date simula noong March 2017.

"Bro" pa raw ang tawagan nina Angel at Neil sa isa't isa noon.

Naikuwento ito ng couple sa kanilang vlog noong October 16.

Continue reading below ↓

Balik-tanaw ni Angel, "First time ko siya nakita pumunta siya sa bahay ko.

"Actually, yung grupo namin is grupo ng mga brokenhearted.

"Nagkaroon kami ng grupo, ang pangalan Ampalaya Anonymous, kasi lahat kami mga bitter."

Mula raw noon ay naging malapit na silang dalawa sa isa't isa.

"Ako yung taga-setup ng mga girls niya, takbuhan niya pag may problema siya.

"Ganun din ako sa kanya. Kapag kailangan ko ng sensible kausap, siya yung takbuhan ko noon."

FRIENDS TURNED LOVERS

May feelings na raw si Neil kay Angel nang unang maulinigan ni Neil na may agam-agam si Angel tungkol sa pakikipagrelasyon sa isang close friend.

Napagtanungan daw ni Angel ang kaibigan ni Neil.

Lahad ni Neil: "Naalala ko one time, kasi yung friend ko nakatira siya dati sa bahay ko, si Madz. Nagpunta siya dito kina Angel.

"Si Angel daw nagtanong ng opinyon, kung iri-risk ba yung friendship para sa relationship.

Continue reading below ↓

"Alam ni Madz na may gusto ako sa kanya. Ang sagot daw ni Madz, 'No, don't do that!' Hindi ko alam ba't niya sinagot yun. Kasi nangyari daw sa kanya dati.

"Bigla raw niya na-realize, 'Oh my god, mali!'"

Napagtanto raw ni Neil na marahil iyon ang dahilan kung bakit hindi na nagre-reply sa text messages niya si Angel.

Kaya minabuti raw ni Neil na puntahan si Angel sa condo unit nito.

Magkapitbahay lang ang dalawa dahil "three to five minutes walk" lang ang distansiya ng kanilang tinitirhang building.

"Medyo nag-panic na ako. Punta ako kaagad sa kanya.

"'Tapos nakita ko di na siya nagre-reply sa akin, nandun naman yung phone niya."

Sinabi raw ni Neil kay Angel na sinsero ito sa intensiyon nito sa kanya.

"I gave her a little bit of assurance na... amin na lang yun kung anong pinag-usapan namin," bitin na pahayag ni Neil.

Matapos ang anim na buwan na dating stage, noong September 2017 ay inamin ni Angel na mahal nila ni Neil ang isa't isa.

Continue reading below ↓

Pero wala pa raw label ang relasyon nila noon.

February 2018 nang opisyal na isinapubliko ni Angel na magkasintahan na sila ni Neil.

Makalipas ang isang taon at apat na buwan, noong June 2019, nag-propose si Neil ng kasal kay Angel.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neil Arce tells Angel Locsin that he can't wait to be her husband few months from now. How did Angel and Neil move out of friendzone after 7 years of calling each other "bro"?
PHOTO/S: @therealangellocsin Instagram / The Angel and Neil Channel Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results