Ara Mina admits dating PITC Undersecretary Dave Almarinez

by Arniel C. Serato
Nov 9, 2020
Ara Mina on dating status with Dave Almarinez: "He knows naman kasi kung ano priority ko, daughter ko, work, and yung business ko. And it is taking too much of my time and naiintindihan niya yun totally."
PHOTO/S: Arniel Serato / Source

Inamin ng actress-entrepreneur na si Ara Mina na nasa dating stage na sila ni Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez.

Kasunod ito sa sighting ng dalawa sa Lipa City, Batangas noong September 2020.

Sa eksklusibong pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ara kagabi, November 8, sinabi nitong walang masama kung mag-entertain siya ng manliligaw ngayong lagpas anim na taon na siyang single.

Saad ng 41-year-old actress, “I think walang masama mag-entertain ako.

“I’m single and he’s single. Let’s see kung saan tutungo ito.

“I just want to be careful this time.

“Kasi I told myself na yung magiging next relationship ko, gusto ko yun na ang magiging partner in life ko or magiging GOD’S BEST ko.”

Dalawang taon nang magkakakilala sina Ara at Dave, 46.

Ano ba ang mga katangian ng government official na nagustuhan niya?

Saad ng Ang Probinsyano actress tungkol kay Dave, “Masipag na tao, mabait, simple, at higit sa lahat napakatiyagang tao.”

Continue reading below ↓

Sa loob ng dalawang taon nilang pagkakakilala, bilang na bilang lamang daw ang mga pagkakataong lumalabas sila.

Ayon kay Ara, “Siguro sa two years kaming magkakilala, bilang na bilang ko lang sa daliri ko yung lumabas kami para mag-dinner o masabi talagang nag-date.”

“PRIORITY KO ANG DAUGHTER KO”

May anak si Ara sa dating karelasyon na si Bulacan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses.

Si Dave naman ay may anak na rin sa dati nitong karelasyon.

Bakit dating pa rin ang estado ng relasyon nila?

Paliwanag ni Ara, “He knows naman kasi kung ano priority ko, daughter ko, work, and yung business ko.

"And it is taking too much of my time, and naiintindihan niya yun totally.

“Hindi sa nag-iinarte ako at feeling dalaga. Pero kahit hindi na ako bata, hindi ako nagmamadali magka-boyfriend.

"Ganyan siguro pag may anak ka naman at maraming ginagawa."

Sa tingin ba niya ay si Dave na makakasama niya habambuhay?

Continue reading below ↓

Tugon ni Ara, “Well, ang masasabi ko lang, pag may tiyaga, may nilaga hahaha!

“Ikaw ba naman magtiyaga ng two years at pursigido ka pa rin.

"Dalaga ba ako? Hindi naman, di ba?

"Kasi sa totoo lang, yung ibang nanligaw o nagparamdam, after ilang months nawala na parang bula hahaha!

“Kasi nga busy kasi ako so deadma na rin sila. So, walang tiyaga in short. Period.”

Samantala, sinabi ni Ara na kapag nakikita siya ng mga tao sa Laguna, ito ay dahil sa iniimbitahan siya ni Dave na pumasyal sa kanilang lugar.

Noong nakaraang buwan naman, namataan ng netizens si Ara na nagsimba sa Laguna.

Naging laman ng balita sina Ara at Dave noong 2018 dahil sa pagkakadawit ng pangalan ng aktres sa breakup ng PITC official at ng dati nitong fiancée, ang former member ng Cinema Evaluation Board na si Rina Navarro.

Si Ara ang pinagbintangang third party sa hiwalayan nina Dave at Rina.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on dating status with Dave Almarinez: "He knows naman kasi kung ano priority ko, daughter ko, work, and yung business ko. And it is taking too much of my time and naiintindihan niya yun totally."
PHOTO/S: Arniel Serato / Source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results