Heart Evangelista to netizen who says she “badly” needs a baby: “This bitter sweet comment is inappropriate.”

by Jet Hitosis
Nov 9, 2020
Actress Heart Evangelista has repeatedly said that pregnancy is a sensitive topic for her and she leaves everything to God when it comes to having a baby. She lost her unborn twins in 2018.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Hindi naiwasang maging emosyunal ni Heart Evangelista nang sagutin ang mga komento ng kanyang Instagram followers na nagsabing kailangan na niyang magkaroon ng anak.

Si Heart, 35, ay mahigit limang taon nang kasal kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero.

Taong 2018 nang mawala kay Heart ang ipinagbuntis niyang kambal.

Sa sumunod na mga taon, paulit-ulit nang natatanong ang aktres kung kailan siya muling magbubuntis.

Sa mga pagkakataong iyon, paulit-ulit ding sinasabi ni Heart na isang sensitibong paksa para sa kanya ang pagkakaroon ng anak.

Katwiran ni Heart, hindi siya ang magdedesisyon nun para sa kanilang mag-asawa dahil nakadepende raw iyon sa biyaya mula sa Diyos.

Sa kabila nito, may ilang netizens pa rin ang walang pasintabing nag-uusisa kay Heart kung buntis siya o kung kailan niya balak magkaroon ng anak.

Ang iba, mistulang pina-pressure pa si Heart tungkol sa pagdadalantao.

NETIZENS SAY SHE “BADLY NEEDS A BABY”

Gaya ng dalawang netizens na nagkomento sa Instagram post ni Heart nitong November 5.

Continue reading below ↓

Hindi mawari kung ano ang pinanggagalingan ng netizens dahil wala namang kinalaman sa pagkakaroon ng anak ang post na iyon ni Heart.

Ang ibinahagi ng aktres ay isang throwback photo niya habang nasa Paris, France.

Komento ng unang netizen: “You need a baby in your life [praying hands emoji]…”

Nag-reply si Heart: “God is all you need and everything else is a bonus. [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang sumagot sa reply na ito ni Heart: “u need a bonus then. Badly. [heart emoji]”

Sagot ni Heart sa netizen, masyado nang maraming biyaya ang natanggap niya kaya siya raw ay “too shy to ask more from God.”

Gayunman, “big thank you” raw kung mabibiyayaan siya ng anak.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si Heart na “concern” ang netizen sa kanya, “but this bittersweet comment of yours is inappropriate," aniya.

HEART LOOKS BACK ON “MOST TRAUMATIZING” EXPERIENCE

Isang fan ni Heart ang nagkomento at nagsabing nakaka-relate siya sa aktres dahil pareho sila ng pinagdaanan.

Kinastigo rin ng fan ang ikalawang netizen: “u never understand the feeling of miscarriage don’t u?”

Continue reading below ↓

Kuwento ng fan, “twice” daw siyang dumanas ng miscarriage, “and it feels like hell.”

Mistulang na-trigger si Heart sa komentong ito ng kanyang fan.

Sa isang mahabang reply, nagbalik-tanaw ang aktres sa panahong nawala sa kanya ang kambal, na panganay sana nilang anak ni Governor Chiz.

May kambal na anak si Chiz, sina Chesi at Quino, 12, sa dati nitong asawa.

Continue reading below ↓

Simula ni Heart, “having a miscarriage is the most traumatizing feeling.

“I carried my twins 4 months after because my doctor wanted me to naturally go through the process.

“It was the most horrible feeling thinking maybe God can bring them back to me… or me thinking am I not a good person for this to happen.

“Having babies is for sure a blessing or just actually being able to feel that you can love someone even if you haven't met them.

“I had a stroller, a baby room and a name.

“My babies already have a life prepared for them.”

“BABY OR NOT I AM VERY HAPPY WITH MY LIFE”

Ayon kay Heart, “choice” niya ang pagsisikap na muli siyang magdalantao “but me not having a baby as of the moment is God's choice and I wouldn't want to question that.”

Kaya naman “hurtful” daw para sa aktres ang pagkokomento ng ilan sa kanyang Instagram post “on a pic that has nothing to do with that.”

Continue reading below ↓

Mensahe ni Heart sa netizens na nagkomentong kailangan na niyang magkaanak: “To even ask or shove it down my throat is unthinkable or doesn't say much about you as a woman.

“Is it because people like to hurt others nowadays just to make their lives seem better?”

Sa huli, binigyang-diin ni Heart na “very happy” ang kanyang buhay mabiyayaan man siya ng anak o hindi.

Iyon daw ay dahil sa nararamdaman niyang “Contentment.”

Sabi ni Heart: “Baby or not I am very happy with my life.

“I have a loving family, a HOME. A solid relationship with God.

“Contentment is what I have and that my dear is hard to achieve.”

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Heart Evangelista has repeatedly said that pregnancy is a sensitive topic for her and she leaves everything to God when it comes to having a baby. She lost her unborn twins in 2018.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results