Michele Gumabao hailed queen without crown by her loyal supporters

by Bernie V. Franco
Nov 9, 2020
Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao back to doing charity work after national pageant stint.
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram

Balik na sa pagsasagawa ng charity work si Michele Gumabao, ang hinirang na second runner-up sa Miss Universe Philippines 2020.

Matapos ang kinasangkutang isyu sa national pageant noong nakaraang buwan, tila back to normal na ang athlete-turned-beauty queen sa kanyang pamumuhay.

Nitong weekend, bumisita si Michele sa Guimba, Nueva Ecija para mamigay ng school supplies para sa mga mag-aaral doon.

Si Michele ay masugid na advocate ng Rektang Bayanihan program na isinusulong ng Philippine National Police (PNP).

Continue reading below ↓

Bago pa man ang pageant, aktibo na sa charity work si Michele.

Gayunpaman, sariwa pa rin sa alaala ng netizens ang pagkakasangkot ni Michele sa mga isyu sa Miss Universe Philippines 2020.

Patunay rito ang patuloy na pagkokomento ng ilan tungkol sa isyu, na sinasagot naman ni Michele.

Si Michele ay inakusahang hindi marunong tumanggap ng pagkatalo dahil sa hindi niya pagsipot sa post-coronation press conference.

Makahulugan din ang binitawan niyang pahayag na may mga narinig at nasaksihan siyang pangyayari sa pageant na hindi raw niya dapat narinig at nasaksihan.

Dahil sa kanyang pahayag, hindi matapos-tapos ang tungkol sa diumano’y dayaan sa ginanap na pageant, dahil sinasabing may mga paglabag umano ang ilang kandidata sa ilang protocols.

MICHELE, THE MISS UNIVERSE WE NEVER HAD

May netizens na pumuri kay Michele na bagamat hindi raw nanalo ay patuloy ang kawanggawa.

May tumawag pa nga sa kanyang Miss Universe “we never had”

Continue reading below ↓

Reply ni Michelle dito: “omg wag naman [laughing emojis]”

Komento naman ng isang netizen: “No sash no crown but a queen remains a QUEEN.”

Sagot sa kanya ni Michele (published as is): “nasa puso ang corona natin lahat”

Sabi naman ng isa pa, hindi kailangan ng korona ni Michele para makatulong sa mga nangangailangan.

Continue reading below ↓

Bagamat hindi raw nanalo si Michele, “Crown is just a consolation, your action is more than enough to be called QUEEN”

Pagsang-ayon dito ni Michele: “I agree with you and this saying is applicable to all of us! We don’t need anything else to help except a generous heart to serve!”

Nakipagbiruan pa siya sa isang netizen na nagkomentong ang tunay na beauty queen ay kagaya ni Michele na “di puro salita…may gawa.”

Reply ni Michele: “may hugot yata? HAHAHAHA!”

Komento ng isa pa, alam ng tunay na reyna na ang tunay na korona ay wala sa ulo kundi nasa kaluluwa.

Nagustuhan ito ni Michele, at pinasalamatan ang netizen.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Tuloy-tuloy naman ang pasasalamat ni Michele sa iba pang netizens na patuloy sumusuporta sa kanya kahit hindi siya ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2020.

Si Miss Iloilo City Rabiya Mateo ang nanalo ng korona sa pre-taped pageant na inere noong October 25.

Sabi naman ng isang netizen, bagamat taga-Iloilo siya, si Michele pa rin ang kanyang sinusuportahan.

Nagpasalamat si Michele, gayundin sa iba pang netizens na pinupuri ang patuloy niyang volunteer work para makatulong sa iba.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao back to doing charity work after national pageant stint.
PHOTO/S: @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results