Korina Sanchez gets back at bashers hitting her post congratulating U.S. President-elect Joe Biden, Vice President-elect Kamala Harris

by Arniel C. Serato
Nov 9, 2020
Korina Sanchez (left) tells netizens to respect her post about presumptive U.S. President-elect Joe Biden (center) and Vice President-elect Kamala Harris (right): "Let's just respect each other's choices shall we?"
PHOTO/S: Courtesy: @korina / @kamalaharris on Instagram

Muling pumatol sa bashers si Korina Sanchez matapos batikusin ang post ng TV5 anchor tungkol sa pagbibigay pugay nito kina presumptive U.S. President-elect Joe Biden at Vice President-elect Kamala Harris.

Sabi ni Korina sa kanyang post kahapon, November 8: “A new day in America. A new day in the world. Welcome back.”

Continue reading below ↓

Kabilang sa nagkomento sa post ni Korina ay ang aktres na si Aiko Melendez.

Komento naman ng isang netizen, “Natural lang yan Korina galit ang kampo ni Trump. Sorry na lang weather weather lang yan. You had your time which is already closed for now. Congratulations to Biden & Kamala and good luck!”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy niyang “Trump” ay ang kasalukuyang Pangulo ng Amerika na si Donald Trump.

Sagot ni Korina sa kanya, “Korek.”

KORINA ANSWErS PRO-TRUMP NETIZENS, BASHERS

Kung may mga pabor sa kanyang opinyon, meron ding tila hindi ito nagustuhan, partikular na ang mga tagasuporta ni Trump na naniniwalang hindi pa tapos ang laban at ang bilangan.

Continue reading below ↓

Ito ay sa kabila ng malaki ang kalamangan ni Biden sa electoral vote, at idineklara na ng maraming news sites ang panalo ng dating vice president.

Sinagot ni Korina ang ilang nagkomento ng kanyang post.

Ayon sa isang netizen, “Korina this is the start of the darkest time in America, we are entitled to our opinion but please be sensitive to other people.”

Pero nanindigan si Korina sa kanyang post.

Aniya, “Well then you be sensitive to mine too right?"

Continue reading below ↓

Komento ng isa pang netizen, "Obviously you don't know this man Korina."

Sagot ni Korina, "Uhhh, Ayoko kay Trump. Let's just respect each other's choices shall we?"

Sabi ng isang netizen, “Bka pwede po mag research kayo bago nio I congratulate sila ska dp tapos ang laban... mga pro abortion yan... God help us”

Continue reading below ↓

Sagot ni Korina, "Basta disentangle na ako dun"

Sabi ng isa pang netizen, "And you don’t even live here so what do you know about our lives here".

Ayon kay Korina, may opinyon din ang buong mundo kay President Trump at hindi mapipigil ng netizen ang mga opinyong ito.

Continue reading below ↓

Aniya, "Ah eh the whole world has an opinion about how Trump conducts himself. That is his undoing. You can’t stop opinions so please learn to respect."

Komento ng isa pa, "It’s not over yet Korina! Don’t spread fake news!"

Sagot ng veteran broadcaster, "Tell this to the rest of the world congratulating Biden and Harris."

Continue reading below ↓

Komento ng isang troll: "Korina, bakit ka binitiwan ni Noynoy? Dahil ba sa plastic surgery ng face mo after your car accident?"

Gigil na sagot ng Rated Korina host, "Ahhhh baket ampanget mo? Dahil ba panget din ang parents mo?"

Continue reading below ↓

Suggestion naman ng isang netizen, "Wag na lang kayo mag comment kung hindi kayo nakatira dito sa US. Alamin nyo ang agenda ng Democrats and Republicans. Alamin nyo rin ang accomplishments ni Trump, Biden, Pence and Harris ano po? Yon lang."

Buwelta ni Korina, "Ah hindi po ako BOBO. Yan ang gusto ko respetuhin mo din noh! Please leave. BRUHA KA."

Continue reading below ↓

Sa huli, natuwa naman ang isang netizen sa pagsagot ni Korina sa kanyang mga haters.

Komento nito, "Si ate koring talaga ang maldita sa mga bashers nya, ayaw patalo!!!! I love you talaga ms. koring!!!"

Saad ng batikang mamamahayag, "Hay ambabastos eh."

Marami na ring binarang bashers si Korina nitong mga nakaraang buwan.

Continue reading below ↓

Ang ilan sa mga ito ay tumuligsa at nagbunyi pa sa pagkabasura ng franchise application ng ABS-CBN noong July 10, 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez (left) tells netizens to respect her post about presumptive U.S. President-elect Joe Biden (center) and Vice President-elect Kamala Harris (right): "Let's just respect each other's choices shall we?"
PHOTO/S: Courtesy: @korina / @kamalaharris on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results