Hindi inilagan ni Aiko Melendez ang pagkontra ng ilang netizens sa kanyang papuri kay U.S. Vice-President-elect Kamala Harris.
Hinangaan kasi ni Aiko ang pagmamalaki ni Harris na marating ng isang babae ang ikalawa sa pinakamataas na posisyon sa U.S.
Ikinagalak din ni Aiko ang pagkapanalo ni U.S. President-elect Joe Biden, base sa paggamit niya ng hashtag na "#BIDEN."
Sabi ng Kapuso actress sa kanyang Instagram post kahapon, November 9 (published as is):
"Women Empowerment [heart emojis] I just love her @kamalaharris Vice president Elect of the UNITED STATES OF AMERICA [heart emoji]
"As she said I may be the first woman in the office, I will not be the last, because every little girl watching tonight sees that this a country of possiblities."
Sa comments section, may mga bumatikos sa opinyon ni Aiko hinggil kay Harris.
Komento ng isang netizen, sumasabay lang daw sa uso si Aiko.
Sabi ng netizen (published as is): "a lot of Filipinos in the Philippines were not really aware of what’s happening in America which the social media is not covering ..
"filipino supporter na nakiki gaya sa mga Hollywood Pls do research first .
"She is not a role model just saying."
Idiniin naman ni Aiko na ang mahalaga ay magrespetuhan ng opinyon ang bawat isa.
Sabi ni Aiko (published as is): "i hope you respect my own opinion, as iam respecting your observation..
"this is my page and my stand. You are free to comment but at the end of the day, I make my own choices.
"I like her period."
Nilinaw ng netizen na nirerespeto niya ang opinyon ni Aiko at wala raw siyang masamang intensiyon sa kanyang komento.
Sagot ulit ni Aiko, "i never said you are wrong too.
"But im just reminding you that im happy that women empowerment is being practiced now so respect my happiness on this."
Isa pang netizen ang nagsabing dapat ay mag-research daw muna si Aiko tungkol sa pinupuri nitong leader.
"She's not a role model. You need to research her as a former DA [district attorney]. Before you put her on top."
Diin ulit ni Aiko: "This is my page. I hope you respect my own opinion as i respect yours Thank you."
May kumontra rin na hindi naman daw si Harris ang unang babae na nahalala sa U.S. government, tulad ni Hillary Clinton na nahalal noon bilang senador.
"Ah excuse me shes's not the 1st woman in the office you forgot Hillary and also madami ding mga women sa senate and congress lol," saad ng netizen.
Paglilinaw ni Aiko, ang tinutukoy niya ay si Harris ang unang babaeng vice president ng U.S.
ON U.S. PRESIDENT-ELECT JOE BIDEN
May mga bumatikos din kay Aiko dahil sa pagpapakita niya ng suporta sa pagkapanalo ni Joe Biden bilang U.S. President-elect.
Wala pang opisyal na resulta ang eleksyon, pero naiulat na sa karamihan ng international media outlets na natalo ni Biden si incumbent President Donald Trump.
Sabi ng isang netizen sa comments section ng post ni Aiko: "de Nila Alam pag mananalo si Biden !!
"Wla na tayong good relation sa USA !
"Dahil sila yung mga paki alamera sa mga Ginagawa ni pres dusterte sa pinas."
Sumagot si Aiko na walang masamang subukan ang pamumuno ni Biden.
Anang aktres kalakip ng praying emoji, "nasubukan na ba? Hindi pa naman dba? Let us not lose that HOPE."
May isa pang Pinoy netizen na nagsabing wala pa raw official tally ang U.S. elections, at tingin daw nito ay panalo pa rin si Trump laban kay Biden.
"Sorry po, the election is not yet over. Just giving you a head’s up...
"Trump will be declared the OFFICIAL winner. Letting you know now, so it’s not too shocking for all Biden/Harris supporters.
"Locked and loaded...here we goooo!!!"
Hindi naman na nakipagtalo si Aiko.
Sabi lang ng aktres, "ok if you say so i respect that."
May isang supporter si Aiko na sumingit upang ipagtanggol ang aktres na karapatan nitong ihayag ang opinyon nito sa U.S. elections.
Sabi naman ng isang netizen, hindi dapat isinapubliko ni Aiko ang pananaw nito kung ayaw nitong mapuna ng ibang tao.
Sabi naman ni Aiko, hindi problema na may mga kumukontra sa kanyang opinyon.
Sabi ni Aiko sa netizen: "i never said your comments are not welcome
"infact you are taking so much of my space and still allowing you to make your comments.
"i may have blocked you but i didnt... because i respect your opinion."
AIKO EMPHASIZES IMPORTANCE OF RIGHT TO VOTE
Hindi naman maka-Trump o maka-Biden ang mensahe ng isa pang netizen kay Aiko.
Sabi nito, "Politics now is a business lol everyone is saying Biden or Trump can fix this country?!!!!!
"Nope. BecAuse only God can fix this."
Sa puntong ito, sinabi ni Aiko na sang-ayon siya sa pahayag ng netizen.
Pero pinaalala rin ng aktes ang kahalagaan ng right to vote para sa magiging pinuno ng isang bansa.
Ani Aiko: "oo naman at the end of the day, Its only God who can fix the world.
"But its in the bible too God made us choose who will lead us kaya me electoral rights bawat isa sa atin.
"Let's keep praying for a better World after all this is the world we live in."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika