This Week In Showbiz: May mga binantaan, pinagkumpara, namatay, ikinasal, at may nag-"Magic Mike"
Nov 11, 2020

Throwback this week in showbiz, date: November 9 to 15, 2017.

Ito ang mga balitang binasa nang husto sa PEP.ph (Phililppine Entertainment Portal).

THREATENED HEART

Sa pagsagot ni Heart Evangelista sa isa niyang basher sa Instagram, nai-reveal ng aktres na minsan siyang ikinulong sa kuwarto at binantaan ng isang hindi naman niya pinangalanang personalidad.

Ayon sa post ng Kapuso actress, anim na taon na niyang dinaranas ang ibinanta sa kanya noon.

Pinili niyang manahimik na lang at i-ignore ang mga patuloy na pamba-bash sa kanya at ipinagpasa-Diyos na lang daw niya ang mga ito.

Kaugnay ang pagsagot niyang ito sa isa niyang basher na tinawag siyang "baog."

Heto ang kanyang post:


HOT STORIES

ANGEL, JESSY COMPARED

Pinagpistahan ng netizens ang pagkukumpara kina Angel Locsin at Jessy Mendiola na parehong nasa welcome party ng ikakasal noon na si Anne Curtis.

Ginanap ang welcome party kay Anne sa New Zealand kunsaan din siya ikakasal.

Bago ito, marami nang beses na pinagtatapat ng netizens sina Angel at Jessy.

Ex-girlfriend ni Luis Manzano si Angel, habang kasalukuyang girlfriend ng aktor-host si Jessy.

Kabilang sa mga virtual face-off na ginagawa noon ng netizens kina Angel at Jessy ay ang kung sino ang mas deserving sa FHM sexiest woman title (pareho nilang nakuha: nung 2005 at 2010 si Angel, 2016 naman si Jessy) at kung kanino mas bagay ang short hair.


Sa party para kay Anne, dumating sina Angel at Jessy na suot ang tila parehong dress.

Kasama ni Jessy ang boyfriend at best friend ni Anne na si Luis, habang ang businessman-boyfriend na si Neil Arce ang kasama ni Angel.


HOT STORIES

ISABEL COMES HOME

Maraming mga kaibigan at katrabaho sa showbiz ang agad na dumalaw sa unang gabi ng lamay para kay Isabel Granada nung November 9.

Binawian ng buhay si Isabel sa isang ospital sa Doha, Qatar, matapos itong ma-coma at ma-confine nang halos dalawang linggo.

October 25, 2017 nang biglang mag-collapse si Isabel habang ginaganap ang meet and greet event niya para sa kanyang Filipino fans sa Doha.

Na-comatose si Isabel habang naka-confine at anim na beses pang nagka-cardiac arrest.

Tuluyan na siyang namaalam nung November 4.

HOT STORIES

FRANCO, GONE TOO SOON

Sa edad na 26, nasawi sa isang aksidenteng pagkalunod ang Hashtag member na si Franco Hernandez.

Ayon sa eksklusibong interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa girlfriend ni Franco na si Janica Nam Floresca, nalunod si Franco matapos silang patalunin sa dagat ng mga kasama nilang bangkero.

Kasama nilang tumalon sa dagat ang Hashtag member ding si Tom Doromal, ang girlfriend, at pinsan nito.

Pinatalon daw sila ng mga bangkero dahil nalagyan ng tubig ang loob ng bangka na sinasakyan nila nang hampasin sila ng malakas na alon, para raw hindi sila tuluyang lumubog.

Pero sa pagtalon nila sa dagat, hindi nakaya ni Franco ang malalakas na alon, bukod pa sa wala raw sa kanilang pinasuot na lifevest at pareho silang hindi marunong lumangoy.

HOT STORIES

ANNE-ERWAN WEDDING

Ikinasal sa isang outdoor wedding ceremony sa Thrulby Domain, Queenstown, New Zealand sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Isang taon ang ginawang preparasyon ng magkasintahan mula pa nung 2010 na sina Anne at Erwan.

November 2, 2016, nang mag-propose si Erwan kay Anne sa Washington, Connecticut, U.S.A.

Dinaluhan ang kasal ng mga malalapit nilang kaibigan at mga mahal sa buhay.

Naging viral naman sa social media ang "stripdance" ni Erwan sa wedding garter ceremony nila ni Anne sa kanilang wedding reception.

Habang tumutugtog ang "Pony" ni Ginuwine, unti-unting nagtatanggal ng kasuotan si Erwan pero hanggang sa pagbubukas lang ng kanyang polo.

Kinikilig at tawa naman nang tawa si Anne sa ginagawa ng kanyang asawa.

Matatandaang ginamit ang kantang ito sa sexy dance ng bida sa Magic Mike na si Channing Tatum.

HOT STORIES

#thisweekinshowbiz

Video Producer / Editor: Rommel Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/PEPalerts

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Watch us on Kumu: pep.ph

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results