Angelica Panganiban's friends give hint about her current love life status

by Bernie V. Franco
Nov 10, 2020
Angelica Panganiban's (center) friends Glaiza de Castro (far left) and Andoy Ranay hint that the ABS-CBN actress is happy now with her love life.
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram / ABS-CBN Star Cinema / Facebook (Andoy Ranay)

Ibinisto si Angelica Panganiban ng kanyang pinakamalalapit na kaibigan tungkol sa positibong lagay ng kanyang puso ngayon.

Nangyari ang panlalaglag kay Angelica sa 34th birthday celebration ng aktres sa online show niyang Ask Angelica nitong November 6, Biyernes.

Si Angelica ang nalagay sa hot seat sa kanyang online show.

Sampung tanong mula sa sampung taong malapit sa aktres, na kinabibilangan ng mga showbiz at non-showbiz friends niya at mga katrabaho, ang sinagot niya.

Isa sa mga unang sinagot ni Angelica ay sino sa kanyang mga alter-ego ang willing niyang iwan.

Sa kanyang sagot, mahihinuhang mas payapa na si Angelica sa puntong ito ng kanyang buhay.

Sabi ng aktres, “Jane, yung playgirl. Siguro kung si Jane party girl, si Jane na lang willing na akong tanggalin sa life ko.

"Okay na ako sa life ko. Kampante na ako. Relaks na relaks na ako.

"Gusto ko na yung life ko. Wala na akong hihilingin pa."

Continue reading below ↓

Direkta namang inusisa ni John Prats ang lagay ng puso ngayon ni Angelica.

Na-censor ang sinabi ng natatawang si Angelica dahil nagmura siya sa tanong ni John.

“Kalmado yung puso ko ngayon,” pa-safe na sagot ng aktres.

Pero ganito rin ang tanong ni Sunshine Garcia.

Tanong ni Sunshine: “Meron na bang nagpapatibok sa puso mo?”

Paiwas ang sagot ni Angelica: “Ano, matagal nang tumitibok ang puso ko dahil sa pusa ko."

Sabay buhat sa kanyang pusa: “Di ba, Cindy, matagal nang tumitibok ang puso ko dahil sa iyo?”

Sina John at Sunshine ay mga kasamahan ni Angelica sa defunct gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae.

ANGELICA: "WALA NA AKONG HIHILINGIN PA."

May kinalaman din sa love life ang tanong sa kanya ng kaibigang si Vice Ganda.

Tanong ni Vice: sino sa mga lalaki ang gusto ni Angelica na maging romantically involved with?

Sagot ng aktres, ang Hollywood actor na si Bradley Cooper (A Star Is Born).

Continue reading below ↓

Sundot na tanong ni Patty Yap, non-showbiz best friend ni Angelica: sino naman sa local?

“Local, wala. Meron na ako!” sabay tawa ni Angelica.

“Ano, e, well, wala na akong hihilingin pa diyan sa aspeto na 'yan.

“Pero wala, wala. Okay na ako. Hindi ko na kailangan ng ganoon sa life.”

Biniro ni Patty si Angelica, na akmang may tatawaging special guest sa virtual show.

“Nandito siya, let’s all welcome… Charot!” biro ni Patty, dahilan para matawa si Angelica.

Makahulugan din ang tanong ni Andoy Ranay, ang film-TV director na close friend ni Angelica.

“Itong 2020, anong pinakaimportanteng date para sa iyo at bakit?” tanong ni Andoy, na idiniin ang salitang “date”.

Kitang-kitang tumatawa si Angelica at sinabing magaling magtanong ang kanyang kaibigang direktor.

Sagot ng aktres, “Naaalala ko ito, e. Kasi pagod na pagod ako nito, nung mga panahong ito.

“’Tapos naalala ko gusto kong magpahinga, gusto kong magpahinga and ito yung unang break ng Walang Hanggang Paalam,” pagtukoy ng aktres sa kanyang ongoing Kapamilya primetime series.

Continue reading below ↓

“So, nagtrabaho kami araw-araw. Unang break [namin] July 11.”

Inusisa si Angelica kung sinu-sino ang mga kasama.

“Kasi nga ano, yung cast ng Walang Hanggang Paalam, nag-celebrate ng unang rest. Ihaw-ihaw, nag-inuman.”

Pinagkaisahang tuksuhin si Angelica ng mga kaibigang sina John, Patty, at Via Antonio.

Panunukso ni Patty, “Ipasok niyo na nga. Ipasok niyo na para magbigay ng message.”

Nagpipigil ng tawa si Angelica na pasimpleng nag-middle finger sa panunukso sa kanya ng mga kaibigan.

Sa isang punto ng interview ay biniro ni Patty si Angelica na “iba ang glow mo.”

Continue reading below ↓

Ang tahasang pambibisto kay Angelica ay nagmula sa malapit niyang kaibigan mula sa GMA-7, si Glaiza de Castro.

Message ng Kapuso actress: “Maraming-maraming salamat sa patuloy mong pagki-care sa akin.

“At ngayon hindi ka na mahihirapan dahil may nagki-care sa iyo. Basta yun na 'yon.

“Masaya ako para sa iyo, Amiga. Mahal kita at sana matupad ang mga hinihiling mo this year.”

ANGELICA SAYS SHE CAN TRUST AGAIN

Hindi naman maiwasang maging emosyunal ni Angelica sa birthday message ng kanyang non-showbiz best friend na Kevin Samson.

Sa mensahe ni Kevin, sinabi nitong alam niyang “more than happy” ngayon ang aktres.

Makahulugan ang tinuran ni Kevin na kapag may umalis ay may papalit na bagong magpapasaya sa isang tao.

Bahagi ng mensahe ni Kevin, “Alam ko naman na you’re more than happy right now.

“Kasi naniniwala ako na for every person na aalis sa buhay mo, even temporary lang, meron at merong ipapalit si Lord to make you even more happier.

Continue reading below ↓

“And you deserve to be [happy] more than anything else and also that is an answered prayer for me.

“Kaya lagi mong aalagaan ang sarili mo kasi marami kaming nagmamahal sa iyo at marami kang natutulungan at napapasayang tao.”

Nang usisain si Angelica kung ano ang importanteng napagtanto niya ngayong may pandemic, ito raw ay ang magtiwala muli.

Akala raw ng aktres ay hindi na niya ito magagawang muli dahil sa mga nangyari noon, pero natututo raw siyang magtiwala muli dahil sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Natanong din ni Angelica kung anong punto ng buhay niya ang gusto niyang balikan.

Sagot niya, “Siguro ako lagi kong iniisip yung glorious days, yung 22 to 25 years old.

“Ang active mo, dami mong gustong ma-achieve, di sumusuko.

“Kung alam mo lang noon kung ano yung kahihinatnan mo ngayon, ang dami mo na sanang iniwasan noon.

“Sana mas ginamit ko yung utak ko noon, yung nakikinig sana ako.

Continue reading below ↓

“Hindi ako naging pathetic na tao, na kung ano yung nandiyan, sunggaban mo lang, paninindigan mo.

“Parang feeling mo wala ka nang choice sa life, e. And naisip ko meron pa palang iba. Ang dami pa pala.”

Ang unang naging boyfriend ni Angelica ay si Carlo Aquino. Tumagal ng anim na taon ang kanilang relasyon.

Sumunod si Derek Ramsay, at naghiwalay sila noong 2012 matapos ang anim na taong relasyon.

Apat na taon naman ang itinagal ng relasyon nila ni John Lloyd Cruz, pero nauwi rin ito sa hiwalayan noong 2016.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban's (center) friends Glaiza de Castro (far left) and Andoy Ranay hint that the ABS-CBN actress is happy now with her love life.
PHOTO/S: @glaizaredux on Instagram / ABS-CBN Star Cinema / Facebook (Andoy Ranay)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results