Robin Padilla, Mariel Rodriguez dismayed over death hoax about action star

Robin Padilla offers a prayer for netizens spreading false news about him.
by Rachelle Siazon
Nov 10, 2020
Robin Padilla offers a prayer for netizens spreading false news about him: "Ipagpasa Dios na lang natin..."

Kinontra ni Robin Padilla ng dasal ang kumakalat na fake news sa social media na siya ay pumanaw na.

Ngayong Martes, November 10, ipinakita ni Robin sa kanyang Instagram account ang screenshot ng litrato niyang may caption na "RIP Robin Padilla."

May nakalagay ring text na "1969-2020," ang taon ng kapanganakan niya at ang taon ng kanya umanong pagpanaw.

May pekeng litrato pa kunsaan kunwa'y naiulat ito ng Kapuso broadcaster na si Mike Enriquez at dating Kapuso news anchor na si Rhea Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang screenshot, makikita ang larawan ni Robin at larawan ng asawa niyang si Mariel Rodriguez na umiiyak.

Nilagyan pa iyon ng caption kunsaan nakikiramay ang netizen sa umano'y naulilang pamilya ni Robin, partikular na kay Mariel.

Malinaw na walang katotohanan ang impormasyong iyon.

Isang dasal ang inilagay na caption ni Robin sa kanyang post: "In the name of Allah, the Beneficent, the Merciful.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Say: I seek refuge with the Lord of the Dawn, from anything harmful in Creation,
from the evil of darkness as it spreads, from the evil of knotted spells,
from the evil of the envier when he envies."

MARIEL'S REACTION

Sa comments section, umalma ang asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez sa malisyosong death hoax sangkot ang aktor.

Si Robin ay 50 taong gulang, habang 36 naman si Mariel.

Ani Mariel, "Lagi na lang noh babe? Lagi sila may ganyan..."

Sumang-ayon si Robin na hindi ito ang unang pagkakataong may nagpakalat ng malisyosong balita na siya ay yumao na.

Mensahe ni Robin kay Mariel: "wala naman tayo magagawa @marieltpadilla nagreklamo na ako sa NBI cyber crime patungkol sa mga katulad ni krissy

"nagpunta pa ako don kasama si atty jurado 2016 pa pero hanggang ngayon walang resulta.

"Ipagpasa Dios na lang natin at patuloy lang tayo magbayad ng tax para may panggastos ang nbi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila ang tinutukoy ni Robin na "krissy" ay kasama sa nagpakalat diumano ng pekeng screenshot na pumanaw na ang aktor.

May isang fan si Robin na nagsabing handa itong makipag-away sa sinumang mananakit sa aktor.

Tatlong fist bump emojis ang sagot ni Robin dito.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagparating naman si Robin ng heart emoji sa isang netizen na mabuting ipagdasal na lamang daw ng aktor ang detractor nito.


BB GANDANGHARI DEATH HOAX

Noong April 2020, ang nakatatandang kapatid ni Robin na si BB Gandanghari ay nabiktima rin ng death hoax.

Umalma noon si BB at naapektuhan sa malisyosong balita, lalo pa't mag-isa lang siya sa kanyang tirahan sa Los Angeles, California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May sentimyento rin noon si BB, sa kabila ng pagkasangkot niya sa isang death hoax, na ni hindi raw siya kinumusta ng mga kapatid na sina Robin at Rommel Padilla na nasa Pilipinas.

Nang sumunod na buwan, noong May 2020, naiulat ang mensahe ni Robin na sana ay huwag nang magtampo si BB.

Paniniguro ni Robin kay BB, "Mahal ka namin."

Ani Robin, nagkataon lang na naospital siya at may ibang problema sa pamilya na hinarap niya kaya hindi niya nakakausap si BB.

May sumunod pang patutsada si BB kay Robin, pero pinili ni Robin na manahimik na hinggil sa isyu nilang magkapatid.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla offers a prayer for netizens spreading false news about him: "Ipagpasa Dios na lang natin..."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results