Liza Soberano says she “needed to take a break”; thanks fans during “very trying time”

by Jet Hitosis
Nov 10, 2020
Liza Soberano
Kapamilya actress Liza Soberano to fans: "I do constantly have all of you at the back of my mind and I just want to say thank you so much for all the love and support everyone has been showing me this past month. It’s honestly been a very trying time for me."
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram

Sinasamantala ni Liza Soberano ang kailangang-kailangan niyang “break” kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Mahigit isang buwan nang nasa Amerika ang 22-year-old Filipino-American actress, sa piling ng mga kamag-anak niya sa mother side.

September 25 nang umalis ng Pilipinas si Liza, kasama ang reel-and-real life sweetheart niyang si Enrique Gil.

Nagpunta si Liza sa Amerika upang alagaan ang may sakit niyang maternal great-grandmother.

Simula nang umalis ng bansa, hindi na masyadong aktibo sa social media si Liza.

Kaya naman nasorpresa ang fans ni Liza nitong Martes, November 10, nang mag-tweet siya upang bigyan ng update ang mga ito.

LIZA THANKS FANS FOR SUPPORT DURING “VERY TRYING TIME”

Paghingi ng paumanhin ang bungad ng tweet ni Liza para sa kanyang fans.

Kung “MIA” (missing in action) man daw siya sa nakalipas na mga linggo, sinabi ni Liza na ine-enjoy niya kasi ang “time I have with the people special to me.”

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, tiniyak ng young actress sa kanyang fans, “I do constantly have all of you at the back of my mind.”

Taos-pusong nagpasalamat si Liza sa kanyang fans, dahil hindi siya iniwan ng mga ito sa kanyang “very trying time.”

Tweet ni Liza: “I just want to say thank you so much for all the love and support everyone has been showing me this Past month.

“It’s honestly been a very trying time for me…”

THE RED-TAGGING ISSUE

Malinaw na ang tinutukoy ni Liza ay ang pagkakasangkot niya sa mainit na issue ng “red-tagging” nitong Oktubre.

Sa isang Facebook post nitong October 21, binigyang-babala si Liza ni Lieutenant General Antonio Parlade Jr.

Si Parlade ang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC),

Ayon kay Parlade, maaaring matulad ang young actress sa sinapit ng isang napatay na kabataang aktibista kung patuloy nitong susuportahan ang women’s rights group na Gabriela.

Continue reading below ↓

Iniuugnay ni Parlade si Liza sa Gabriela matapos maging speaker ang young actress sa webinar ng grupo nitong October 14.

Matagal na kasing inaakusahan ni Parlade ang Gabriela bilang front organization umano ng komunistang New People’s Army (NPA).

LIZA CHAMPIONS WOMEN’S WELFARE

Sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Jun Lim, pinalagan ng kampo ni Liza ang indirect na pag-uugnay ni Parlade sa young actress sa NPA.

Iginiit ni Atty. Lim na nananatiling “apolitical” si Liza.

Sa kabila ng nangyari, patuloy raw maninindigan ang young actress para sa karapatan ng kababaihan, ayon sa abogado.

Bukod kay Liza, nabanggit din ni Parlade sa kanyang Facebook post ang actress-philanthropist na si Angel Locsin at si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Pero sa pagdinig ng Senado sa red-tagging issue nitong November 3, mariing itinanggi ni Parlade na ni-red tag niya sina Liza, Angel, at Catriona sa kanyang Facebook post.

“I NEEDED TO TAKE A BREAK, THINK ABOUT LIFE”

Simula nang pumutok ang kontrobersiya sa red-tagging, hindi nagbigay ng anumang direktang pahayag si Liza tungkol dito.

Continue reading below ↓

Bagamat nagpahaging siya sa kanyang tweet nitong Martes, hindi maipagkakailang iniiwasan pa rin ng aktres magsalita tungkol sa usapin.

Sa tweet ni Liza sa kanyang fans, binanggit ng Kapamilya star na gusto sana niyang idetalye ang nararamdaman sa nangyari.

Pero hindi raw muna niya ito gagawin sa ngayon.

Sasamantalahin daw muna ni Liza ang break niyang ito sa trabaho para magnilay-nilay “about life, my goals and what I think my mission is in life.”

Continue reading below ↓

WORK RESUMES NEXT YEAR

January 2020 nang magbalik-teleserye ang tambalan nina Liza at Enrique sa Make It With You.

Pero pagsapit ng March, nahinto ang kanilang taping dahil sa COVID-19 pandemic.

Kahit balik-taping na ang maraming TV production noong June, pinili ng karamihan ng cast at crew ng Make It With You—kasama si Liza—na kanselahin na lang ang serye sa takot nilang lahat sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Sa interview ng ANC kay Liza noong September 25, ilang oras bago umalis ang dalaga papuntang Amerika, ibinalita niyang sa unang bahagi pa ng 2021 siya magbabalik-trabaho.

Kinumpirma rin ng young actress sa parehong panayam na isang Star Cinema movie ang gagawin niya sa susunod na taon, kasama si Enrique.

“I did have multiple meetings with Star Cinema and also with other executives at ABS-CBN,” sabi ni Liza sa ANC interview noong September.

“They have pitched multiple stories to me and Enrique.

“By October I won’t be doing anything yet, but early next year definitely,” pagbabalita pa noon ni Liza.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Liza Soberano to fans: "I do constantly have all of you at the back of my mind and I just want to say thank you so much for all the love and support everyone has been showing me this past month. It’s honestly been a very trying time for me."
PHOTO/S: @lizasoberano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results