Sam Milby on relationship with Catriona Gray: "I'm blessed sa love life." 

by Rachelle Siazon
Nov 11, 2020
Sam Milby on girlfriend Catriona Gray as his number one confidant: "Well, love life ko, of course, siya ang una na kakausapin ko."
PHOTO/S: @samuelmilby / @catriona_gray Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon

Hindi itinago ni Sam Milby ang sayang nararamdaman niya dala ng relasyon nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito ay sa kabila ng kapansin-pansing pag-iwas ni Sam na mabanggit ang pangalan ng nobya.

"I'm so blessed. First off, of course, happy ang puso ko. I'm blessed sa love life," nakangiting saad ni Sam.

Si Catriona rin daw ang una sa listahan ng takbuhan niya nitong nagdaang mga buwan na sumailalim ang bansa sa enforced quarantine.

"Well, love life ko, of course, siya ang una na kakausapin ko."

Sumunod kay Catriona, binanggit ni Sam ang kapatid na si Ada Milby, na maaasahan daw niya sa lahat ng pagkakataon.

Nakapanayam si Sam sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay noong Martes, November 10.

SAM AND CATRIONA'S RELATIONSHIP

Noon lamang May 23, sa mismong 36th birthday ni Sam, inamin ng aktor na magkarelasyon sila ni Catriona.

Iyon din ang unang pagkakataong nag-post si Sam ng litrato nila ni Catriona na kuha sa gitna ng daan sa isang di pinangalanang lugar.

Continue reading below ↓

Sweet na caption ni Sam, "Worth every second of the wait."

Noong May 22, sa panayam ng CSTV, unang inamin ni Sam na "very special" at "super kilig" siya dahil kay Catriona.

Bago ang pag-amin ni Sam, isang taon at limang buwang bali-balitang may namumuong espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa.

Una silang namataang magkasama bilang invited guests sa isang farm noong December 2018.

Pagsapit ng January 2019, may mga netizen na nakapansin na si Sam ang lalaking nakatago ang mukha sa instant camera photo na ipinost ni Catriona sa Instagram nito.

SAM SAYS CATRIONA IS "THE ONE"

Parehong mailap sina Sam at Catriona pagdating sa detalye kung paano nahulog ang loob nila sa isa't isa.

Basta't si Sam, aminadong itinuturing niyang si Catriona ang The One para sa kanya.

"It’s early naman [to say], but I do believe she’s the one," saad ni Sam sa presscon ng ABS-CBN teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin noong August 7.

Continue reading below ↓

Hindi raw siya nagmamadali lalo pa't may 10-year age gap sila ni Catriona.

Dagdag ni Sam, "Siyempre, may difference sa edad namin, I’m 36, and she’s 26, and kaka-start pa lang ng career niya."

Si Catriona ay kasalukuyang isa sa hosts ng TV5 Sunday musical-variety show na Sunday Noontime Live.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Milby on girlfriend Catriona Gray as his number one confidant: "Well, love life ko, of course, siya ang una na kakausapin ko."
PHOTO/S: @samuelmilby / @catriona_gray Instagram
ILLUSTRATION: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results