Fans ask Janella Salvador to post her baby’s photos

by Jet Hitosis
Nov 11, 2020
Janella Salvador
On October 21, 2020, actor Markus Paterson posted on Instagram Stories a series of photos of a newborn baby and a woman who looked like girlfriend Janella Salvador sleeping on a hospital bed. These photos have been deleted.
PHOTO/S: @superjanella on Instagram

Hiniling ng isang nagpakilalang fan ni Janella Salvador, 22, na i-post naman nito sa social media ang pictures ng kanyang baby.

Nag-react ang fan sa mga komento ng Instagram followers ni Janella na nagsabing panay lumang litrato ang ipinu-post ng aktres sa nakalipas na mga linggo.

Nag-comment ang netizens sa latest post ni Janella nitong November 6.

Ang litrato ay bahagi ng campaign ad para sa isang shoe brand na iniendorso ng young actress.

Continue reading below ↓

Reklamo ng isang Instagram user kay Janella, “lagi na lang old photos ang pinopost”.

Hiling niya ay “sana ipost mo na yung anak mo,” para makita raw ng followers ng young actress na “proud mom ka naman!”

Ang isang fan ni Janella, diretsahang nagtanong: “Bat kinakahiya mo baby mo idol?”

Continue reading below ↓

Gaya ng naunang netizen, sinabihan ng fan si Janella na “dapat proud ka rin” ipakita sa lahat ang baby, gaya ng gawain ng ibang celebrity moms.

Continue reading below ↓

FANS: “RESPECT” JANELLA’S “PRIVACY”

Hindi sinagot ni Janella ang alinman sa mga komento sa post niyang iyon.

Pero todo-tanggol sa young actress ang iba pa niyang fans.

Ang hindi raw pag-post ni Janella ng pictures ng kanyang baby ay hindi nangangahulugang “kinakahiya niya anak niya.”

Pinoprotektahan lang daw marahil ng young actress ang “privacy” niya, lalo na ng kanyang baby.

Continue reading below ↓

Desisyon daw ni Janella kung “ayaw nya ipakita” ang kanyang baby, at mahalaga raw na ibigay sa aktres ang “RESPECT” na iyon.

Kung ayaw raw ng ibang netizens na nakikita ang old photos ni Janella, “unfollow” na lang daw nila ito.

Continue reading below ↓

“Keeping things private” ay hindi raw nangangahulugang itinatago ni Janella ang anak.

Hindi naman porke't public figure ang aktres ay obligado na itong i-post sa social media “about every single thing in her life.”

Continue reading below ↓

MARKUS’S post of a MOTHER AND a BABY

October 21 nang mag-post si Markus, 22, ng nakakaintrigang mga litrato sa kanyang Instagram Stories.

Ang una ay kuha sa isang bagong silang na sanggol na nasa transparent bassinet sa ospital.

Nakapaling sa kabila ang baby kaya hindi kita sa camera ang mukha nito.

Ang dalawang natitirang litrato ay kuha sa isang babaeng natutulog sa hospital bed.

Naka-zoom in ang litrato ng babae sa isang Instagram Story at makikitang may hawig ito kay Janella.

Continue reading below ↓

Gayunman, kaagad ding binura ni Markus ang Instagram Stories niyang ito.

JANELLA’S PREGNANCY

September 18 nang iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na buntis si Janella sa nobyong si Markus.

Isang source ang nagkumpirma sa report na ito ng PEP.ph, at idinagdag nitong sa October nakatakdang manganak si Janella.

Sa katunayan, nang lumabas ang report ng PEP ay bumiyahe na sina Janella at Markus papunta sa hometown ng young actor sa United Kingdom.

Doon na nanganak si Janella.

Nauna rito, September 12 nang kumpirmahin nina Janella at Markus sa kani-kanilang Instagram ang matagal nang nababalitang relasyon nila.

April 2019 ang unang sightings sa magkasintahan, kaya nangangahulugang mahigit isa at kalahating taon na ang kanilang relasyon.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On October 21, 2020, actor Markus Paterson posted on Instagram Stories a series of photos of a newborn baby and a woman who looked like girlfriend Janella Salvador sleeping on a hospital bed. These photos have been deleted.
PHOTO/S: @superjanella on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results