Korina Sanchez swimsuit photos get thumbs up from her followers

by Arniel C. Serato
Nov 11, 2020
Korina Sanchez advises netizens to "save pa more" if they want to buy branded swimwear.
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Maraming netizens ang humanga sa broadcaster na si Korina Sanchez dahil, sa edad na 56, napapanatili nito ang kanyang sexy figure.

Sa kanyang Instagram kahapon, November 10, nagbahagi si Korina ng mga larawan kung saan nakasuot siya ng swimsuit.

Caption niya sa unang post: "Things are...looking up. I claim it. And so it is. Amen. Believe. #BestLife

Kasunod niyang ipinost ang collage ng apat na larawan niyang naka-swimsuit.

Nakalagay sa caption, “And to those wondering. Yes. And then there were...FOUR.

“People asking. The brand of the bathing suit is Eres. My favorite. Hugs you like no man can. Hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Eres ay isang lingerie and swimwear brand mula Paris.

Nagkakahalaga ang bawat isang Eres swimwear mula 300 hanggang 800 euros o mula P17,000 hanggang P45,000.

Ang mga suot ni Korina ay nagkakahalaga naman ng halos P25,000 bawat isa.

Nakatanggap ng mga positibong komento ang veteran broadcaster mula sa kanyang followers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang may nagsabing mahal ang swimsuit brand na suot ni Korina, payo niya “save pa more.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KORINA ON BASHERS: “PABAYAAN MO SILA”

May ilan namang netizens ang tila nang-inis sa bashers ng Rated Korina host.

Komento ng isa, “Oh loko. Ano kayo ngion bashers. lab u ms. Koring.”

Natatawang sagot ni Korina, “Hahaha! Pabayaan mo sila.”

Buska ng isa pa, “Hayaan nyo silang maglaway at mamatay sa inggit…di ba miss korina…grabe achieve a achieve.”

Sagot ng TV5 personality, “Hahaha pabayaan natin ang mga nega malunod sa burak nila.”

Nitong Linggo, November 8, nakipagsagutan si Korina sa ilang netizens na kumontra sa kanyang post tungkol sa pagbibigay pugay niya kina presumptive U.S. President-elect Joe Biden at Vice President-elect Kamahal Harris.

Ayon sa mga ito, hindi pa raw kasi tapos ang bilangan ng boto sa Amerika.

Ang mga announcement daw ng media ay hindi pa pinal na resulta dahil may mga estado pang nagbibilang ng boto at ang iba naman ay magdadaos pa ng recount.

Ganunpaman, dahil lampas-lampas na si Biden sa 270 electoral college votes na kailangan para manalo ang isang kandidato, siya ay kinongratulate na ng U.S. media, ilang senador, at mga heads of state ng ilang malalaking bansa.

Ayon naman kay Korina, opinyon niya ito at sana ay respetuhin ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez advises netizens to "save pa more" if they want to buy branded swimwear.
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results