Xian Lim addresses bashers calling him "bakla, paminta, impakta"

by Jet Hitosis
Nov 12, 2020
Xian Lim
Actor-director Xian Lim has this to say to avoid being affected by online bashing: "One, huwag niyo nang basahin. Second, do not take it too seriously. You’re worth more than that. You’re worth more than the comment they’re saying about you."
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram

"Bakla." "Paminta." "Mayabang."

Ang mga ito ang madalas na ibinabato ng bashers kay Xian Lim sa social media.

Matagal na raw “naririnig” ng 31-year-old actor-director ang mga ganitong pamba-bash sa kanya.

Pero sinasadya raw niyang hindi magpaapekto sa bashings, sa pamamagitan ng hindi pagbabasa sa mga ganitong komento sa social media.

Pero sa latest vlog ni Xian nitong Lunes, November 9, binasa at isa-isa niyang sinagot ang mga “mean tweets” na lumalait sa kanya.

Bukod sa “bakla” at “paminta,” may tumawag pa sa kanyang “impakta.”

Ang “paminta” ay mula sa orihinal na salitang “pamhin,” na ang ibig sabihin sa gay linggo ay nagpapanggap na tunay na lalaki.

Natatawang sinabi ni Xian na mistulang bahagi na ng pagdadaanan sa career ng mga male celebrities sa Pilipinas ang matawag na bakla.

“I think lahat ng artista na lalaki, at one point in their duration ng pag-aartista, matatawag kang bakla,” sabi ni Xian.

Continue reading below ↓

“So, I think, coming in as a leading man or as an actor, medyo in-expect ko na na matatawag kaming lahat, na bakla.

“Halos lahat naman,” bulalas na ulit niya.

“Mag-isip ka ng isang artista, at one point, sasabihin nila, ‘bakla yan, e.’"

Hindi raw big deal iyon para kay Xian.

“If you’re comfortable with your sexuality, why should you care?” natatawang saad niya.

“MAYABANG”

Sa 10 mean tweets na binasa ni Xian, mahigit sa kalahati nito ang nagsabing mayabang siya at masama ang ugali.

“Alam mo lagi kong naririnig yan tungkol sa akin,” bungad ni Xian.

“Lagi kong naririnig na sinasabi sa akin ng mga tao na mukha akong mayabang..."

Paglilinaw niya, "mukha lang."

Noong una ay natatawa lang si Xian.

Pero nang nagsunud-sunod na ang mean tweets na nagsasabing mayabang siya, bahagyang sumeryoso si Xian.

Bakas sa facial expression ang pagkadismaya, sabi ni Xian: “Sorry, man, you feel this way… Grabe!

Continue reading below ↓

“Palaging sinasabi sa akin ng mga tao na mayabang ako. Siguro yung mukha ko lang.

“Feeling ko yung mukha ko lang yung nagbibigay ng impression na mayabang… o yung aura ko.”

Paliwanag ng aktor, hindi siya iyong tipong mahilig lumabas ng bahay, palakibo, at makuwento, kaya posible raw na nami-misinterpret ng iba ang kilos niyang ito.

“I barely go out, introvert kasi ako na tao, e," pag-amin ni Xian.

“Baka yun, baka yun yung nagbibigay ng impression na hindi ako namamansin.

“Di ko ma-gets, e,” napapailing na aniya.

“LAOS”

May basher din na diretsahang tinawag si Xian ng “laos.”

Si Xian daw ang tipong hindi magtatagal sa entertainment industry dahil sa masama umanong ugali nito, ayon pa sa basher.

Sagot ni Xian: “Well, 2020 na po, guys, nandito pa rin ako. Nakikita niyo pa rin ako.

“Pasensyahan na lang,” sabi ni Xian, na sinundan ng halakhak.

Taong 2009 nang mapanood si Xian sa una niyang supporting role sa ABS-CBN primetime series na Katorse, na pinagbidahan ni Erich Gonzales.

Continue reading below ↓

Nagkaroon din si Xian ng maliliit na roles sa teleseryeng 100 Days to Heaven (2011) at Minsan Lang Kita Iibigin (2011) bago siya nagbida sa seryeng My Binondo Girl (2011).

Sa My Binondo Girl unang nakatambal ni Xian ang ngayon ay reel-and-real life sweetheart niyang si Kim Chiu.

Nang pumatok ang love team ni Xian kay Kim, nagsunud-sunod na ang mga pelikulang ginawa nila.

Huling napanood sina Xian at Kim sa teleseryeng Love Thy Woman ngayong taon.

“BADUY ACTING”

Isang netizen ang nagsabing “kinda baduy” daw umarte si Xian.

“Baka nga, baduy yung acting ko,” pag-amin ni Xian.

“Well, ganun talaga. You can’t really please everyone.

Sa huli, idinaan lang din ni Xian sa biro ang sagot niya.

“Art is subjective, so… bahala ka sa buhay mo,” tawa nang tawang sabi ng aktor. “E di wag kang manood!”

Makikitang tila hindi apektado si Xian dahil sa ginagawa niyang biro ang mga batikos sa kanya.

Continue reading below ↓

Pero seryosong mensahe ni Xian sa netizens, huwag daw sana siyang husgahan base lang sa napapanood sa kanya sa telebisyon o sa nababasa sa mga balita tungkol sa kanya.

Paliwanag niya, “Pag hindi tayo close, medyo wala kayo sa boundary na husgahan ako.

“Kung ano yung napapanood ninyo sa TV, kung ano ang sinasabi ng news, kung ano yung sinasabi ng write-up, maybe give it the benefit of the doubt.

“Maybe hindi siya totoo, maybe totoo siya.

Diin pa ni Xian, “Pero hindi ako kung ano yung iniisip ninyo."

XIAN: “DON’T GET AFFECTED, YOU’RE OKAY”

Sa huling bahagi ng vlog, sinabi ni Xian na dahil sa social media, nagagawang abusuhin ng tao ang freedom of speech.

“Anyone can say anything they want,” aniya, kahit pa raw alam ng iba na nakakasakit na sila ng kapwa.

Sana raw, ani Xian, ay maisip ng iba na ang pamba-bash “can get very serious sa mga taong sobrang naa-affect sa mga ganitong bagay.”

Continue reading below ↓

Kaya para hindi maapektuhan ng mga pamba-bash, may payo si Xian sa social media users.

“My advice, one, huwag niyo nang basahin. Bakit pa? What’s the point?

“Second, do not take it too seriously.

“It’s easier said than done, pero kung papakinggan mo lahat ng sinasabi sa ‘yo ng mga tao… you’re better than that.

“You’re worth more than that. You’re worth more than the comment they’re saying about you.

“Your life is so much more than these petty little comments.”

Nagbahagi rin si Xian ng quote ng British model-fashion vlogger na si Eleanor Calder: “If you have a problem with me, call me. If you don’t have my number, then that means you don’t know me well enough to have a problem.”

Huling paalala ni Xian: “Surround yourself with positivity, positive people, and take out toxicity in your life.

“Don’t get affected. You’re okay. You’re doing okay. You’re gonna be fine.”

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-director Xian Lim has this to say to avoid being affected by online bashing: "One, huwag niyo nang basahin. Second, do not take it too seriously. You’re worth more than that. You’re worth more than the comment they’re saying about you."
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results