Positibo ang naging resulta ng salu-salo ng Miss Universe Philippines 2020 winners na sina Rabiya Mateo, Michele Gumabao, Billie Hakenson, at Pauline Amelickx.
Silang apat ay bahagi ng Aces and Queens, ang beauty camp na nagsisilbing mentor ng aspiring beauty queens para sa local at international pageants
Sa kakatapos na Miss Universe Philippines pageant, si Rabiya ng Iloilo City ang nag-uwi ng korona.
Si Michele na kinatawan ng Quezon City ay second runner-up, si Billie ng Cavite ay third runner-up, at fourth runner-up si Pauline.
Ang first runner-up, si Ysabella Ysmael ng Parañaque City, ay nasa ilalim ng mentorship ng The Camp, kaya wala ito sa okasyon.
Nitong Huwebes, November 11, ibinahagi ni Michele ang litrato nila ng kanyang fellow Aces and Queens batchmates.
Magkatabi sa gitna sina Michele at Rabiya, habang si Billie ay nasa kaliwa ni Michele at si Pauline ay nasa kanan ni Rabiya.
Kuha iyon mula sa thanksgiving lunch na inorganisa ng kanilang beauty camp
Tinawag ni Michele na kapwa "queens" sina Rabiya, Billie, at Pauline.
Ayon sa kanyang post (published as), "Team @aces_and_queens represent [heart emoji] thank you mamas and Tito’s for your constant guidance and support [heart emoji] time to shine bright queens! @rabiyamateo @billie.hakenson @paulineamelinckx."
MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2020 CONTROVERSY
Hindi kaila na nabahiran ng kontrobersiya ang Miss Universe Philippines nang maging trending topic sa social media si Michele, na no-show sa Top 5 finalists press conference matapos ang pageant.
October 25 ipinalabas ang pre-taped grand coronation.
Kinagabihan noon ay inihayag ni Michele na nauna siyang umalis ng venue dahil hindi niya ma-handle ang mga taong panay ang tanong kung bakit hindi siya nanalo.
Dagdag pa rito, nagpakawala ng mainit na cryptic posts si Miss Taguig City Sandra Lemonon tungkol sa diumano'y dayaang naganap sa pageant.
Nang mga sumunod na araw, inihayag ni Sandra na sinubukan niyang ilapit sa Miss Universe Philippines organization ang kanyang hinaing.
Hindi malinaw kung anong naging sagot ng organisasyon kay Sandra.
Pero noon pa lang October 25, ipinakita ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup na buo ang suporta niya kay Rabiya.
Mariin ding pinabulaanan ni Rabiya ang cheating allegations na nauugnay sa kanya.
MICHELE'S "I FELT POWERLESS" VLOG
Noong November 2, naglabas si Michele ng Instagram post at YouTube vlog kunsaan naghayag siya ng saloobin kaugnay ng pageant.
Bahagi ng pasabog niya: "I heard things I never should have heard, witnessed things I never should have witnessed as a candidate.
"I’ve been so used to empowering others and speaking up for others but at a time when I want to fight and speak up for myself I am not allowed.
"This is the first time in my life I feel so powerless."
Nais daw niyang ipagtanggol ang sarili dahil sa dami ng humuhusga sa kanya "thinking they know me, thinking they know what really happened."
Hindi naman direktang tinukoy ni Michele kung ano nga ba ang nasaksihan at narinig na lubhang nakaapekto sa kanyang damdamin.
MICHELE ENJOYS DUTIES AS SECOND RUNNER-UP
Kung anu't ano man, patuloy si Michele sa kanyang duties bilang Miss Universe Universe Philippines second runner-up.
Suportado nito ang adbokasiya ng organisasyon na tumulong sa mga nangangailangan.
Lalong humanga ang supporters ni Michele, na sumang-ayon naman na "nasa puso ang corona nating lahat."
Pero kinontra ni Michele ang netizen na humirit na siya ang Miss Universe Philippines "we never had."
Ani Michele, "omg wag naman."
Dati nang nabanggit ni Michele na noong matapos ang pageant ay nag-congratulate siya kay Rabiya bilang newly crowned Miss Universe Philippines 2020.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika