Nanawagan ng dasal ang maraming celebrities para sa ating mga kababayang binaha at naging biktima ng hagupit ng Bagyong Ulysses.
Baha ang bumungad ngayong Huwebes, November 12, sa maraming residente sa Luzon lalo na sa Metro Manila dahil sa lawak ng tubig-baha na nanalanta sa kanilang bahay at kabuhayan.
ANGEL LOCSIN
Sa pamamagitan ng Twitter, ipinaabot ni Angel Locsin ang kanyang simpatiya sa mga residenteng apektado ng bagyo.
Sabi niya, "My heart bleeds for those heavily affected by these typhoons #RollyPh & #UlyssesPh.
"Praying that you, your loved ones, and colleagues are safe and secure.
"Our resilience will always be greater than any calamity! Alagaan natin ang isa’t isa. Keep safe mga kababayan ko."
MAJA SALVADOR
Gayundin si Maja Salvador na ipinagdasal din ang maraming Pilipino.
Saad niya, "No Shooting today dahil sa bagyong #Ulysses
"Stay Safe Everyone! Lord please protect us all!"
GERALD ANDERSON
Nag-post din si Gerald Anderson ng litrato ng mga sasakyang lubog sa tubig-baha at rescuers na nakasakay ng floaters.
Caption ni Gerald sa Instagram, "So many helpless filipinos right now.. I can only send out my prayers for now.. Please stay safe and strong."
GARY VALENCIANO
Si Gary Valenciano, nag-post ng litrato ng mga residenteng nasa bubong na ng kanilang bahay dahil sa taas ng tubig-baha.
Dalangin ni Gary, "Lord...you know what’s in our hearts for all these people who are struggling and have lost so much.
"Now that the rain has weakened, strengthen Your reign upon this calamity. #marikina #ulyssesph"
OGIE ALCASID
Dasal din ang alay ni Ogie Alcasid para sa mga kababayang labis na nasalanta ng bagyo.
Aniya: "The night passed and our country is on its knees again.
"Father in heaven, we ask for your mercy and grace at this time.
"Our countrymen need you to guide us through this major calamity.
"We lift up our leaders and all abled citizens to you and may your holy spirit lead us to the path to recovery.
"It will be long and hard but we can only do this with you. In Jesus’s mighty name. Amen.
KORINA SANCHEZ
Nakahanda naman daw tumulong ang broadcaster na si Korina Sanchez sa mga biktima ng bagyo.
Sabi niya sa kanyang post, “Our prayers go out to those who had no shelter over their heads while the rain and harsh windstorm was raging last night.
“Nandito kami para tumulong kahit paano...Goodbye Ulysses, you are not welcome here.”
SUNSHINE CRUZ
Nagbahagi naman si Sunshine Cruz ng listahan ng emergency hotlines para sa nangangailangan ng tulong.
Caption niya sa kanyang Instagram post, “Praying for everyone’s safety.
Keep safe po! #prayforthephilippines #ulyssesph #rescueph"
MICHELE GUMABAO
Nagpaabot din ng kanyang dasal si Miss Universe Philippines 2020 first runner-up Michele Gumabao para sa mga biktima ng bagyo.
Saad niya sa Instagram, “As we all pray for the storm to pass and for our brothers and sisters who have been severely affected, the challenge is for those of us who can help!
“Once again @your200pesos is accepting donations for those affected by typhoon Ulysses, let’s work together and be a channel of hope and help for those in need.”
Sa ngayon, nasa may West Philippine Sea na ang Bagyong Ulysses.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika