Angel Locsin slams netizen politicizing her post about Filipino resiliency amid Typhoon Ulysses

by Arniel C. Serato
Nov 12, 2020
Angel Locsin, pinalagan ang netizen na hinaluan ng propaganda ang simpleng mensahe ng aktres para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses. Buwelta ni Angel: “Ginagamit mo rin ako at mga kapwa ko artista sa agenda mo that’s why nakabantay ka sa page ko para mag comment."
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin on Facebook / Jerome Ascano

“Umayos ka.”

Ito ang banta ni Angel Locsin sa isang netizen na pinulitika ang kanyang post sa Instagram ukol sa pagiging matatag ng mga Pilipino sa gitna ng mga delubyo.

Lalo pa't magkasunod na nanalasa sa bansa ang Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses.

Sabi ni Angel sa kanyang post kaninang umaga, November 12: "My heart bleeds for those heavily affected by these typhoons #Rolly & #Ulysses.

"Praying that you, your loved ones, and colleagues are safe and secure.

"Our resilience will always be greater than any calamity! Alagaan natin ang isa’t isa. Keep safe mga kababayan ko."

Continue reading below ↓

Pero, negatibo ang komento dito ng isang netizen.

Sabi niya kay Angel, “Kawawa din yung mga kabataan nasa bundok na narecruit ng npa”

ANGEL TO NETIZEN: "UMAYOS KA."

Hindi nagustuhan ng Kapamilya star ang malisyosong pasaring ng netizen.

Kaya sinermunan niya ito.

Sabi ni Angel (published as is), “oo kawawa talaga na naiipit ang kabataan.

“Anyone na ginagamit ang kabataan para sa sariling agenda ay kasuklamsuklam.

Kumpronta niya sa netizen, “Kahit ikaw sa propaganda mo ginagamit mo ang kabataan.”

Ayon pa sa Kapamilya star, parang nakabantay daw ang nasabing netizen sa bawat post ng aktres sa Instagram.

Patuloy niya, “Ginagamit mo rin ako at mga kapwa ko artista sa agenda mo that’s why nakabantay ka sa page ko para mag comment.

“I doubt kung ang kaligtasan ba talaga ng mga kabataan ang hangad mo o manggulo lang.”

Dapat daw magdemanda na lang ang netizen sa korte kung may malasakit talaga ito sa mga kabataang na-recruit ng mga rebelde.

Continue reading below ↓

Giit ni Angel: “pumunta ka sa korte kung totoong may malasakit ka at mabigyan ng katarungan ang mga pamilyang nawalan.

“Ngayon, ito ang panawagan para sa mga nasalanta at nasasalanta ng bagyo, hindi ba sila importante enough sayo para idisregard sila at isingit ang comment mo sa panahong ito?

"Umayos ka.”

Continue reading below ↓

ANGEL CRIES FOUL over RED-TAGGING

Ilang beses nang pinabulaanan ni Angel na nagpapagamit siya sa mga makakaliwang grupo laban sa gobyerno.

Iniyakan na niya ang isyung ito sa isang panayam ni Henry Omaga Diaz sa Teleradyo noong October 31.

Inungkat ni AFP Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Ella Colmenares.

Dating miyembro umano si Ella ng Communist Party of the Philippines, New People's Army, at National Democratic Front.

Matapos nito'y idinawit din ni Parlade ang pangalan ni Angel sa isyu.

Pinalagan ito ng aktres.

Depensa ni Angel: “I never associated myself with the NPA. He [Parlade] associated me with the NPA.

"Bakit hindi po nila kami idinemanda kung sure na sure sila?

"Pero hindi, e. Gusto nila, sirain kami sa social media.

"So, wala kaming choice, e. Kino-consider po ng legal team ko ang pagdedemanda rin po.

"Wala po akong masamang hangarin, wala po akong hidden agenda.”

Continue reading below ↓

Bukod kay Angel, dawit din si Liza Soberano sa red-tagging na nangyayari, dahil naman sa adbokasiya nito sa women empowerment.

Ang red-tagging ay ang awtomatikong pag-identify sa mga indibidwal o grupong bumabatikos sa pamahalaan bilang tagasuporta ng Communist Party of The Philippines-New People's Army.

Bilang ilegal ang CPP-NPA, mapanganib ang ma-identify sa armed rebel group, dahil maaaring umabot ito sa pag-aresto, o kung trigger happy ang sundalo, sa pagbaril ng suspected member o sympathizer.

Inalmahan na ng civil rights' groups ang red-tagging ni Lt. Gen. Parlade. Pati ang kanyang superiors ay nagsabing mag-ingat ito sa pagbitaw ng salita.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin, pinalagan ang netizen na hinaluan ng propaganda ang simpleng mensahe ng aktres para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses. Buwelta ni Angel: “Ginagamit mo rin ako at mga kapwa ko artista sa agenda mo that’s why nakabantay ka sa page ko para mag comment."
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin on Facebook / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results