Vice Ganda’s group survives devastation of Ulysses in Balesin: “SALAMAT BUHAY PA KAMI.”

by Bernie V. Franco
Nov 12, 2020
Vice Ganda and Jhong Hilario get first-hand experience of Typhoon Ulysses ravaging Balesin Island Club in Polilio, Quezon Province. Center photo shows Jhong braving the rains to transfer to another villa. Right photo shows a damaged villa after the typhoon.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @maialevisteazores, @thegloriousmakeup on Instagram

Natakot ang grupo ni Vice Ganda dahil naranasan mismo nila ang hagupit ng #TyphoonUlysses habang nagbabakasyon sa Balesin Island Club.

Lumipad ang grupo ni Vice sa Polilio sa Quezon Province para makapagbakasyon, Martes ng umaga, November 10, 2020.

Hindi nila sukat akalain na sa mismong lugar na ito ay mararanasan nila ang pagragasa ng malakas na bagyo.

Kasama ni Vice ang kanyang boyfriend na si Ion Perez, co-host at kaibigang si Jhong Hilario, longtime partner ni Jhong na si Maia Azores, at kapatid ni Vice na si Babot Viceral.

Kasama rin ni Vice ang kanyang makeup artist na si Glorious Asaral at former ABS-CBN employee na si Manny Segunto.

Sa unang gabi nila sa isla, sunud-sunod ang post ni Vice na nagpapakita ng kasiyahan nila, kabilang ang biruan nila ni Ion sakay ng golf cart at pagligo ng mga kasamahan sa jacuzzi.

Sa kanilang second day, Miyerkules, kahit may araw pa ay ramdaman na nila ang paparating na bagyo, dahil sa malakas na hangin at hampas ng alon sa beach.

Continue reading below ↓

Nakunan pa sa video ng mga kasamahan ni Vice ang lakas ng alon. Nakunan din ng video si Vice at iba pa na tumatakbo dahil natakot sa malakas na hangin.

Left photo shows Vice Ganda's friends experiencing the strong winds and waves at the beach. (Right photo) Vice, who is wearing a dark swimsuit and yellow cap running away from the beach to seek shelter due to strong winds.

Continue reading below ↓

Hapon ng Miyerkules, nag-post ng videos si Vice sa kanyang Instagram account na nagpapakita sa malakas na hampas ng hangin sa mga puno.

“TAMA NA PLSSS”

Sunud-sunod ang Instagram Stories ni Glorious tungkol sa sinapit nila sa isla.

Bukod kay Vice, si Glorious ang make-up artist din ng maraming artista sa ABS-CBN.

Ginawa ni Glorious ang mga post na ito mula gabi ng Miyerkules, kasagsagan ng paghagupit ni Ulysses.

“GRABE NAMAN YUNG BAGYO…” caption ng makeup artist sa video ng malakas na ulan at hangin.

Nag-post pa si Glorious ng larawan ng kopya ng dasal.

Caption niya rito: “MAHAL NA PANGINOON PROTEKSYONAN NYO PO KAMI… [praying hands emoji]

Continue reading below ↓

Sumunod niyang post: “NATATAKOT NA AKO DITO LORD HUWAG MO KAMI PABAYAAN… ULYSSES TAMA NA PLSSS [praying hands emojis]”

Sa sumunod niyang video ay makikita ang grupo na nakasakay sa van.

Sa tweet ni Vice, tinawag niyang “delubyo” ang nasaksihan nila sa isla. Aniya pa, dalawang beses silang lumipat ng villa dahil sa lakas ng bagyo.

Continue reading below ↓

Maging siya raw ay natakot sa lakas ng bagyo at napadasal din.

May tweet din ang kasamahan nilang si Manny, na naglarawan kung gaano kalakas ang pagbayo ng bagyo sa kanilang lugar.

“Nakakatakot dito ang lakas ng hangin jusko! Signal no. 3 #Balesin #Ulysses” tweet ng former Kapamilya employee.

Continue reading below ↓

Kaninang umaga, nagbigay ng update si Glorious. Bagamat mapapanood sa video na humahampas ang hangin, mas kalmado na raw ito kesa kagabi.

Bakas sa caption ng make-up artist ang takot na naramdaman niya sa pagragasa ng bagyo kagabi at nakahinga na ng malalim na nalampasan nila ang unos.

Lubos ang pasasalamat ng make-up artist na buhay pa raw sila.

Caption niya: “KALMADO NA SYA PERO KANINA APAKADAMI KONG NAIISIP LAHAT NG SANTO NATAWAG KO NAHAWAKAN KONA ROSARY KO… LORD MARAMING MARAMING SALAMAT BUHAY PA KAMI [praying hands emoji]”

Continue reading below ↓

JHONG’S GIRLFRIEND POSTS VIDEOS

Sunud-sunod din ang ipinost na videos ng partner ni Jhong na si Maia.

Mapapanood dito ang pagsuong ng grupo sa malakas na ulan at hangin sa gitna ng gabi para lumikas ng villa.

Kita sa mukha ni Jhong na hindi madali ang pinagdaanan nilang hirap sa paglilipat ng ibang villa.

Marahil hindi nila inisip ang sasapitin nila sa bakasyon na dapat ay masaya sila.

Sa isang video ay makikita si Jhong nang makalipat sa ibang villa. Habang nakaabang sa entrance, umangat at lumipad ang carpet sa sahig dahil sa lakas ng hangin.

Continue reading below ↓

(L-R: Jhong Hilario with his group jumping on the van to transfer to another villa; Jhong appearing worried with the strong typhoon; Jhong finally arrives at another villa amidst the storm.The rug inside the villa gets lifted from the floor due to strong winds.)

RAVAGE OF THE TYPHOON

Ngayong hapon, nag-post ng mga bagong video si Glorious para ipakita ang matinding pinsalang idinulot ng bagyo sa ilang establishment sa villa.

Kita ang mga villa na natanggalan ng mga bubong at ang mga yerong natuklap at nagkalat sa lupa.

Matutukoy na matinding pinsala ang sinapit ng resort na kanilang binisita matapos umalis ang bagyo.

Continue reading below ↓

Nakatakda umanong bumalik sa Maynila ang grupo ni Vice bukas, November 13.

Samantala, sa kanyang Twitter, nagpo-post na si Vice ng mga panawagan para sa pagtulong sa mga nabiktima ng bagyo.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, nakiisa na rin si Vice sa iba pang mga artista na nanawagang matulungan ang mga nabiktima ng unos.

Tweet ni Vice ngayong hapon: “Sana pwedeng bumagal ang oras para di agad dumilim.

“Mas magiging mahirap para sa napakaraming nasalanta pati na rin sa mga nagrerescue ang operasyon pag madilim.

“God bless everyone.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda and Jhong Hilario get first-hand experience of Typhoon Ulysses ravaging Balesin Island Club in Polilio, Quezon Province. Center photo shows Jhong braving the rains to transfer to another villa. Right photo shows a damaged villa after the typhoon.
PHOTO/S: @praybeytbenjamin, @maialevisteazores, @thegloriousmakeup on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results