Ynna Asistio details how she moved on from past mistakes: "Kasi parang namatay yung soul ko."

by Melba R. Llanera
Nov 13, 2020
Ang Daigdig Ko'y Ikaw star Ynna Asistio, ikinuwento ang matinding self-reflection na dinaanan noong kasagsagan ng enforced quarantine. Aniya, "Nung lockdown parang na-depress ako, parang kinukuwestiyon ko kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko."
PHOTO/S: @asistioynna Instagram

Marami ang nag-alala para kay Ynna Asistio nang maglabas siya ng video kung saan umiiyak siya at inaming pagod na siyang maging sinungaling.

Pagod na rin daw siya sa mga sikretong kasalanang nagawa niya sa kanyang buhay.

Ipinost niya iyon sa kanyang social media accounts noong Hunyo.

Ayon pa kay Ynna, isinusuko niya ang sarili sa Diyos at dito niya natagpuan ang inner peace na hinahanap.

Nang makapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Ynna, ipinaliwanag niya kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang madamdaming video.

Bahagi raw iyon ng kanyang spiritual journey.

Lahad ni Ynna: "Yun yung sinasabi ko na namatay ang soul ko, na parang nawala ako kay God.

"Yung paggawa ko ng video na yun, shinare ko. I did that because I want people to know na pag si God ang nasa buhay mo, mapupunta ka sa tamang direksiyon.

"The reason why I shared that video is not for the whole world... Well, for them to know, but it was more for me.

Continue reading below ↓

"To forget about my past and forget all the past mistakes that I did before."

Hindi idinetalye ni Ynna kung ano ang mga pagkakamali niyang nagawa noon.

Sabi lang niya, mas tumibay ang kanyang pananampalataya sa Diyos ngayon.

"Now, nakikita naman kung gaano ang galaw ni God sa akin, pag dine-dedicate mo ang lahat sa Kanya, magtutuloy-tuloy ang lahat.

"Totoo ang sinasabi nila na pag si God ang ginawa mong center ng buhay mo, lahat will fall into place.

"Now my life is falling into place and I'm super happy."

Nakapanayam ng PEP.ph si Ynna sa mediacon ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw, na ginanap sa Iglesia Ni Cristo (INC) Museum sa Quezon City noong November 10.

Pinagbibidahan ni Ynna at Geoff Eigenmann ang teleseryeng iyon ng Net25, ang TV network na pag-aari ng INC.

TURNING AWAY FROM HER OLD SELF, FAMILY'S SUPPORT

Patuloy na kuwento ni Ynna, dumaan siya sa matinding self-rection matapos nagkapatong-patong ang takot at pag-aalala na naramdaman niya noong simula ng pandemya.

Continue reading below ↓

"Matagal na, but more on April hanggang May. Wala na ako nun, 'Shucks, ano ang nangyari?'

"Natakot ako na nagkaroon ng pandemic, yung pamilya ko Kristiyanong sobra na alam kong mase-save, maiiwan ba ako? Yung mga ganun.

Lahad pa ng 29-year-old actress, "Sinabi ko, ayokong maging ganun, tinalikuran ko yung buhay ko dati.

"Ngayon pa lang ako nakakapag-concentrate sa sarili ko, sa sarili kong happiness, sa sarili kong desisyon."

Ayon kay Ynna, dito niya napatunayang kinakailangang maging bukas tayo sa ating pamilya na siyang panggagalingan ng ating lakas para lumaban sa buhay.

Si Ynna ay anak ni Nadia Montenegro at ng yumaong dating Caloocan mayor na si Macario "Boy" Asistio Jr.

"Maybe kaya ko nasabi na naiba yung relationship ko with God, Siya ang nakakausap ko nun na talagang, 'Tulungan Mo ako, Ikaw lang makakatulong sa akin.'

"Alam naman nila na may pinagdadaanan ako, but kasi, I always keep a strong, positive face when it comes to show business and and to other people, to my family, of course.

Continue reading below ↓

"Ayokong maapektuhan sila, so tinatago ko yun."

Pero giit ng dalaga, "Dapat di natin tinatago, nakakatulong talaga ang support ng pamilya. Support talaga, emotional support. And also, support ni God."

ON LANDING HER FIRST LEAD ROLE

Nabanggit noon ni Ynna sa kanyang vlog noong Hunyo na wala siyang regular na source of income, maliban sa kanyang jewelry business.

Matagal na rin kasing walang acting project ang aktres.

Paliwanag niya: "Nung lockdown, parang na-depress ako, parang kinukuwestiyon ko kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko.

"And then parang bumalik yung ano ko na umarte. Kasi parang namatay, namatay yung soul ko.

"Pero nung nabuhay na ako uli, dun na yung, 'Hindi, gusto kong gawin kung ano ang ginagawa ko dati.'

"Ngayon, nagpa-flashback ako na ginagawa ko ito dati. Pero this time, iba na ito. Kumbaga, bumalik ng napakatagal na panahon."

Hanggang sa dumating nga ang offer ng Net25 na pagbidahan niya ang Ang Daigdig Ko'y Ikaw. Ang director nito ay si Eduardo "Edong" Roy Jr.

Continue reading below ↓

Natutuwang sabi ni Ynna, "Four or five years, bigla akong nabigyan ng ganito. Kaya ina-advise ko sa lahat na huwag lang silang mag-give up, maghintay lang.

"Kasi pag si God na ang gumawa ng way, in His time, lahat tama."

Ang serye ang magsisilbing launching talaga ni Ynna bilang isang leading lady at bida sa isang TV series.

"Sobrang excited ako, 14 years in the industry, ngayon lang ito nangyari, at talagang pinour out ko lahat dito."

Nangapa ba ulit sa aktingan si Ynna?

Sagot niya, "With the help of Geoff, and with the help of Direk Edong, siyempre di namang madaling umiyak.

"Pero pag nandun ka sa tamang grupo na kaya kang i-comfort at suportahan sa mga eksenang kailangan mong gawin at guided ka, magiging madali lang ang lahat.

"Alam ko na ang gumawa ng lahat nito ay si God kasi pinagdasal ko ito."

ON GEOFF EIGENMANN

Labis din ang pasasalamat ng aktres sa leading man niyang si Geoff dahil sa kabaitan at pagkuha nito ng loob ng lahat ng kasama nila sa proyekto.

Continue reading below ↓

"Akala ko suplado siya, akala ko ang hirap niyang katrabaho. Yun ang unang impression ko sa kanya kaya na-pressure ako.

"Naisip ko, 'Shucks, paano kung di kami magkasundo?' Pero in fairness to him, first day pa lang, binonding na niya kaming lahat. Na-realize ko, 'Shucks, di ito mahirap katrabaho.'

"Naikuwento nga ni Direk, yun nga, nagkulitan na kaming dalawa. Then sabi ni Direk nakikita na niya yung chemistry namin.

"I am so thankful na siya ang ka-partner ko. It's not easy to build chemistry, paano kung di ko siya kasundo?

"Pero naging natural lang yung acting namin, para lang kami naglalarong dalawa. Napakagaan niyang katrabaho, very professional."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Daigdig Ko'y Ikaw star Ynna Asistio, ikinuwento ang matinding self-reflection na dinaanan noong kasagsagan ng enforced quarantine. Aniya, "Nung lockdown parang na-depress ako, parang kinukuwestiyon ko kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko."
PHOTO/S: @asistioynna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results