Michele Gumabao praised by netizens for extending help to Ulysses victims

by Arniel C. Serato
Nov 13, 2020
Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao: "More than 5000 meals were provided today by our PNP not only for victims of the typhoon but also for all the frontliners who are braving the floods to rescue stranded residents!"
PHOTO/S: Courtesy: @gumabaomichele on Instagram

“She’s truly a queen without a crown.”

Ito ang isa sa mga komento mula netizens kaugnay ng mga larawang ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao sa Instagram kagabi, November 12.

Continue reading below ↓

Makikita sa mga in-upload na photos ni Michele ang pag-agapay niya sa kapulisan sa pagpapakain sa mga residente ng Provident Village, Marikina City, na labis naapektuhan ng malakas at malalim na baha dulot ng Typhoon Ulysses.

Isa si Michele sa nanawagan ng dasal kahapon ng umaga para sa mga nasalanta ng baha sa Luzon at Metro Manila.

Continue reading below ↓

Sabi ni Michele sa kanyang unang post, “24/7 Lugaw para sa Mga displaced residents ng marikina.

"@your200pesos is accepting donations once again, we will distribute all goods together with @pnp_pio Rektang Bayanihan Program! #KabataanKontraDrogaAtTerorismo

Ayon pa kay Michele, nasa lagpas limang libong residente ang napakain nila sa Marikina City, na sentro ng malalim na pagbaha kahapon.

Continue reading below ↓

Sinaluduhan din niya ang mga uniformed personnel, frontliners, at iba pang ahensiya ng gobyerno at non-government organizations na nagbayanihan para sa mga nasalanta ng bagyo.

Bukod daw sa pagtupad nila sa kanilang mga tungkulin, nilagay rin daw nila sa linya ang kanilang kaligtasan, lalo na't may COVID-19 pandemic ngayon.

Lahad ng 28-year-old beauty queen mula Quezon City, “More than 5000 meals were provided today by our PNP not only for victims of the typhoon but also for all the frontliners who are braving the floods to rescue stranded residents!

“I salute our PNP,Army,Navy,Coastguard and all other Gov and NGO who are at the front lines of service!

“More than doing their jobs, they are also risking their lives and their health.”

Continue reading below ↓

MICHELE TO FOCUS ON HER BUSINESS AFTER MUP

Hindi man niya nakuha ang titulo sa major beauty pageants na kanyang sinalihan, masaya si Michele sa naabot niyang tagumpay.

Ang Miss Universe Philippines 2020 ang huling beauty pageant ni Michele.

Overage na kasi siya kaya magpo-focus na lang daw siya sa kanyang mga negosyo.

Sabi pa niya sa interview noong October 29, “Unfortunately po, because of my age, there will be no more beauty pageants for me.”

Unang sumali si Michele sa Binibining Pilipinas 2018, kung saan kinoronahan siyang Bb. Pilipinas Globe.

Si Catriona Gray ang nakakuha ng titulong Miss Universe Philippines noong taong iyon.

Muling siyang sumali sa Miss Universe Philippines, na hawak ng ibang organizer, ngunit muli siyang nabigong makuha ang korona.

Si Rabiya Mateo ng Iloilo City ang nagwagi bilang Miss Universe Philippines 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao: "More than 5000 meals were provided today by our PNP not only for victims of the typhoon but also for all the frontliners who are braving the floods to rescue stranded residents!"
PHOTO/S: Courtesy: @gumabaomichele on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results