Daniel Matsunaga records “horrible night” his glass roof collapsed during typhoon Ulysses

by Bernie V. Franco
Nov 13, 2020
Daniel Matsunaga records in a video the aftermath of his glass roof collapsing from being battered by strong winds and heavy rain.
PHOTO/S: @dandanmatsunaga on Instagram

Naranasan ni Daniel Matsunaga ang hagupit ng #TyphoonUlysses na nagsimulang manalasa noong gabi ng Miyerkules, November 11.

Nagtagal ang malakas na hangin at ulan ng bagyo hanggang umaga ng Huwebes, November 12.

Ni-record ng Brazilian-Japanese model at actor ang disgrasyang sinapit ng kanyang tinutuluyan, at ipinost ang videos sa Instagram.

Nabasag ang glass roof sa third floor ng tirahan ni Daniel dahil sa lakas ng hangin at walang humpay na buhos ng ulan.

Tuloy, pumasok ang tubig ulan at mga duming nilipad ng malakas na hangin.

Sa gitna ng dilim at habang humahampas ang hangin at ulan, kinailangang kumpunihin ni Daniel at ng mga kasama ang nasirang bubong upang matakpan ang naiwang butas.

Inabot daw sila ng madaling-araw sa pagtatapal sa naiwang butas sa bubong.

RAIN UNTIL THE WEE HOURS

Paglalarawan ni Daniel, “horrible” ang gabing narasanan.

Caption ni Daniel (published as is): “stay safe everyone out there... praying for the Philippines”

Continue reading below ↓

“we had a really horrible night under the rain until 5am trying to fix the ceiling cause the wind of the typhoon destroyed my glass cover on the third floor and the rain and wind didnt stop...

“lots of things flying... trees were on the floor and lots of accidents.
“grabe...

“ingat po kayo lahat and lets help others at this very moment. [praying hands emoji] God bless po”

Continue reading below ↓

DANIEL UPLOADS VIDEOS

Sa unang video ay makikitang nililinis ni Daniel ang kanyang sahig na nalagyan ng tubig at dumi.

Sa sumunod na video, makikitang kinukunan ni Daniel ang mga kasamahang umakyat ng bubong para ayusin ang bukas na espasyo nang bumigay ang salamin.

Dinig ang ingay ng malakas na hangin at patak ng ulan habang patuloy sa pagpupukpok sa bubong ang kanyang mga kasamahan.

Continue reading below ↓

Madilim sa paligid sa gitna ng kanilang pag-aayos. Maririnig din si Daniel na pinapaalalahanan ang mga kasamahang huwag tutuntong sa glass roof bilang pag-iingat.

Sa comments section, pinaalalahanan naman si Daniel ng kanyang mga kaibigan na mag-ingat.

Kabilang sa mga nagkomento sina Aubrey Miles at Darren Espanto.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Matsunaga records in a video the aftermath of his glass roof collapsing from being battered by strong winds and heavy rain.
PHOTO/S: @dandanmatsunaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results