K Brosas triggered after basher calls her “inutil”; reveals sister, mom have COVID-19

by Bernie V. Franco
Nov 13, 2020
Comedienne-host K Brosas fires back at netizen calling her and other celebs "inutil." K also reveals that she is deeply worried because her sister and mother, who are both in Italy, have contracted COVID-19.
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram

Triggered na masasabi si K Brosas matapos siyang tawaging "inutil" ng isang basher sa social media.

Sa galit ni ng comedienne-TV host ay minura niya ang basher.

Nasa "mood" daw siyang pumatol ngayon sa basher dahil sa hindi magandang balita tungkol sa kanyang ina at kapatid.

Nahawa ng COVID-19 ang kanyang kapatid na si Emily Brosas, isang nurse sa Italy, na naging dahilan para mahawa rin ang kanilang ina.

Magkasama sa Italy ang kapatid at ina ni K.

Ngayong hapon ng Biyernes, November 13, ipinost ni K ang sagot niya sa pang-aalipusta ng isang netizen sa kanya at sa mga kagaya niyang artista.

Mababasa sa screenshot ng basher: “Isa kang inutil K Brosas! #NasaanAngArtista #NasaanAngShowbiz”

Buwelta ni K (published as is): “Itong g*g*ng to puro inutil ang posts SA mga artista.. may 2020 nag start SA twitter kaya alam na..

“nasa mood akong pumatol ngayon dahil may covid ang kapatid ko at mama ko na nasa emergency room now!

“Mas madami pang nagawa mga artista kesa sa mga kakulto mo g*g*!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na ang tinutukoy ni K na “kakulto” ng basher ay ang mga kapwa nito pro-administration.

Kung titingnan kasi ang tweets ng basher, madalas nitong batikusin ang mga artista at mga personalidad na pumupuna sa gobyerno.

Si K ay vocal na kritiko ng administrasyong Duterte.

Banat pa ni K sa mga bumabatikos sa kanya: “May covid pa baka nakakalimutan nyo... ang italy naging ok pero now madami uli..

“sister kong nurse meron na at halos buong hospital nila.. dahil SA kanya naka tira mama ko nahawa din at nasa emergency room now at wala akong balita kaya wag ngayon mga kampon NG dimunyu!!”

ONDOY AND DOLOMITE

Ang pinag-ugatan ng muling pagpatol ni K sa bashers ay ang reaksiyon niya sa controversial post ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda noong Huwebes, November 12.

Habang nakatutok ang marami sa pagbangon mula sa iniwang pinsala ng bagyo, nagawang mag-selfie ni Antiporda na ang background ay ang kontrobersiyal na dolomite sand sa Manila Bay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Caption ni Antiporda: “Dolomite lang ang matatag.”

Sa isang photo ay kasama pa ng DENR Undersecretary si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Assistant Secretary Celine Pialago.

Nag-conduct ng inspection sina Antiporda at Pialago sa kalagayan ng mga kalsada sa Roxas Boulevard matapos ang bagyo noong Miyerkules.

Binatikos si Antiporda sa pagiging insensitibo umano nito sa kasagsagan ng kalamidad na nararanasan ng maraming Pilipino.

Hindi nagtagal, binura ni Antiporda ang kanyang post. Pero, kumalat na ito sa social media.

Kaugnay nito, nag-post si K tungkol sa mapait niyang karanasan nung bagyong Ondoy noong 2009. Pinatamaan niya sa post na ito si Antiporda.

Tweet ni K (published as is): “Ang daming nangyayari Di maganda.. SA bansa at SA personal kong pinagdadaanan now..

“parang bibigay nako SA totoo lang pero dasal Lang talaga magagawa ko.. SA mga nasalanta NG bagyo at may iba pang problema.. kasama kayo SA dasal ko”

“Pinagdaanan ko yung feeling na helpless ka.. nung ondoy, 3 araw kami SA bubong.. nalimas lahat NG gamit at napundar ko as in LAHAT kc bungalow haws ko non.. hindi Makalabas kc lakas NG current NG baha.. kaya naaalala ko lahat now yung trauma. Pls pray and help kung kaya.”

Sunod niyang tweet: “Kaya masakit at nakaka galit na may ibang government officials na uunahin pa ang shutanginamez na Dolomite at isisisi pa SA tao bakit sila nasalanta.. anyare?!?! Haaaay! God help us all!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE CONTROVERSIAL MANILA BAY PROJECT

Kontrobersiyal ang ginawang pagpapaganda noong Setyembre ng DENR at ng ibang katuwang na government agencies sa Manila Bay.

Ang allotted budget dito ay P389 million, sa panahong kinakaharap pa rin ng Pilipinas ang pandemya.

Bukod sa pagkuwestiyon sa timing ng beautification ng Manila Bay, may mga environmentalists at concerned groups na pinangangambahan ang health hazards na dala ng dolomite.

Ibiniyahe pa mula Cebu ang crushed dolomite, na inilagay sa 500-meter shoreline ng Manila Bay.

Nangatwiran naman ang DENR na PHP28 milyon lamang ang nagastos sa pagbili at pagbiyahe sa crushed dolomite.

Samantala, ang balanse raw sa P389 million ay ilalagak sa pagpapatayo ng support structures, gaya ng “geo interventions,” upang hindi umano maanod ng tubig ang dolomite,” sabi sa ulat ng inquirer.net.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
K Brosas, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne-host K Brosas fires back at netizen calling her and other celebs "inutil." K also reveals that she is deeply worried because her sister and mother, who are both in Italy, have contracted COVID-19.
PHOTO/S: @kbrosas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results