#CagayanNeedsHelp, #IsabelaNeedsHelp trend on social media amid widespread flooding

by Arniel C. Serato
Nov 14, 2020
Rescue operations are ongoing in Cagayan as massive flooding soaks entire province due to Magat Dam's release of excess water to avoid spillover.
PHOTO/S: Credit to the owner

Lubog sa baha ang probinsiya ng mga lalawigan ng Cagayan at Isabela dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam bunsod ng malakas na ulang dala ng Typhoon Ulysses.

Kahit hindi masyadong apektado ng bagyo, malaki ang naging epekto ng pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam kaya lumubog ang maraming lugar sa Cayagan, partikular na ang Tuguegarao City, at sa Isabela.

Nagsimula ang pagtaas ng tubig sa Cagayan River noong Huwebes, November 12, dahil sa pagbukas ng pitong (7) spillway gates ng Magat Dam sa Isabela bunsod ng patuloy na pagtaas ng water level nito.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, as of 7 p.m. nung Huwebes, ang level ng tubig sa Magat Dam ay tumaas ng 192.88 meters, kung saan malapit na ito sa spilling level na 193 meters.

Pahayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hydrologist Richard Orendain, “Masyado na itong malaki yung pinapakawalan ng Magat Dam para sa capacity ng Magat River pati na rin ng Cagayan River.

Continue reading below ↓

“Ang Cagayan River di na kaya i-accommodate ang ganung kalaking volume ng tubig from Magat.

"Magkakaroon po tayo ng malawakang pagbaha sa Isabela at Cagayan, lalong-lalo na sa malapit sa Magat River at Cagayan River."

Masyado na raw maraming tubig-ulan ang naipon ng Magat Dam kaya kailangan nitong magpakawala ng tubig.

Ang mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig ay ang mga munisipalidad ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu sa probinsiya ng Isabela.

Naglabas na rin ng flood advisory ang PAGASA sa mga sumusunod na lugar: Upper main Cagayan River and its tributaries—Ganano River and Magat River, Middle main Cagayan River and its tributaries—Siffu-Mallig River and Pinacanauan Rivers of Ilagan, Tumauini and San Pablo, at Lower main Cagayan River and its tributaries— Pinacanauan de Tuguegarao, Chico River, Pared River, at Dummun River.

CELEBS, NETIZENS ASK FOR HELP

Sa social media naman idinaan ng celebrities at netizens ang kanilang panawagan ng rescue para sa mga residente ng Cagayan at Isabela na kailangang mailikas dahil sa labis na pagbaha.

Continue reading below ↓

Sabi ni Angel Locsin sa kanyang Facebook: "#SendHelp #CagayanNeedsHelp #IsabelaNeedsHelp #TyphoonUlysses #RescuePH #RescueTuguegaraoCity"

Post naman ni Sunshine Cruz: "Heartbreaking. #CagayanNeedsHelp #IsabelaNeedsHelp"

Continue reading below ↓

Nag-retweet naman si Maine Mendoza ng isang mensahe ukol sa pangangailangan ng Cagayan:

Gayundin ang TV host na si Vice Ganda.

Continue reading below ↓

Narito naman ang ilang posts ng netizens sa Twitter:

Continue reading below ↓

LOCAL GOVERNMENT

Isang daan at limampu't anim na barangay ang lubog sa baha sa Cagayan, ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba.

Nasa pitong libong residente na rin daw na na-stranded sa kanilang mga bubungan ang na-rescue ng local government at dinala sa matataas na lugar.

Iginiit naman ng gobernador sa panayam ng Teleradyo ngayong araw, November 14, na naghanda sila sa mga bagyo at nagpatupad sila ng preemptive evacuation. Pero "unpecedented" umano ang nangyaring pagtaas ng tubig-baha.

Continue reading below ↓

Humingi na rin daw sila ng tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para makapagpadala ng air assets na magdadala ng relief goods sa mga stranded residents.

Nakipag-ugnayan din daw sila sa pamunuan ng Magat Dam para ilimita ang pagpapakawala ng tubig.

Nakiusap din daw sila sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para patayin ang linya ng kuryente dahil nahirapan sila sa rescue operations.

Hanggang ngayon ay marami pa ring mga residente ang nasa bubungan ng kanilang mga bahay.

Nanawagan naman ng tulong si Mamba para sa kanyang mga kababayan.

Saad ng gobernador, "Kailangan po namin ng tulong lalo na ang relief goods, food, water, yun po ang kailangan namin ngayon.

"Kung meron man po kayong maitutulong, dalhin lang sa kapitolyo o city hall ng Tuguegarao City at yan po ang drop off point na puwede dahil hindi pa ho kayo makakapasok."

Siyam na ang naitalang patay sa kanilang probinsiya; tatlo ay dahil sa landslide, tatlo ang nalunod, at tatlo naman ang nakuryente.

Continue reading below ↓

Ayon naman sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), nasa mahigit 47,000 indibidwal ang apektado ng pagbaha sa kanilang probinsiya.

Nagmistulang Pacific Ocean na raw ang Cagayan sa lawak ng pagbaha.


Ayon naman sa residenteng si Josah Langcay, "Marami po ang nagsisigawan kanina po to ask for rescue kasi madami na pong affected area na hindi nila alam na maabutan sa bubong ang bahay nila, hindi sila nag-evacuate."

Continue reading below ↓

Problema raw nila ngayon floating assets na maaring makatulong sa pag-rescue ng mga residente.

NATIONAL GOVERNMENT

Tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatutok si President Rodrigo Duterte at ang buong gobyerno sa problemang kinakaharap ng Cagayan.

Sa pamamagitan ng pahayag na inilabas sa Facebook, idinetalye ni Roque ang rescue operations na isinasagawa ng iba't ibang ahensiya ng pamahalaan sa Tuguegarao, Cagayan Valley, at Isabela in the aftermath of Typhoon Ulysses.

Continue reading below ↓

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin daw ang rescue operations ng coast guard at Philippine marines sa mga stranded na residente.

Continue reading below ↓

PRESIDENT DUTERTE TO VISIT CAGAYAN

Sa kanya namang public address ngayong hapon, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa na siya ng task force upang maisagawa ang relief and rehabilitation efforts para sa Cagayan.

Continue reading below ↓

Nai-deploy na rin daw ng Luzon Command ng coast guard ang nasa Cagayan na ngayon.

Pahayag niya, "Ang gobyerno natin ay gumagawa ng mga patakaran para matulungan, makabangon yung tinamaan ng epekto ng typhoon.

"Kaya sa madalian, gumawa ako ng hakbang, creation of a task force. Ito naman, I direct to them to streamline, para madali ang rehabilitation efforts."

Dagdag pa niya, "Ang gobyerno papasok gamit lahat ng assets, ang mga ari-arian ng gobyerno. And i will see to it na talagang dadating yan."

Nakatakda siyang pumunta sa Cagayan bukas, November 15.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rescue operations are ongoing in Cagayan as massive flooding soaks entire province due to Magat Dam's release of excess water to avoid spillover.
PHOTO/S: Credit to the owner
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results