Geoff Eigenmann says wedding to Maya is just "icing on the cake"

by Julie E. Bonifacio
Nov 21, 2020
Geoff Eigenmann and Maya Flores have been together for five years. They were supposed to wed in April 2020.
PHOTO/S: @blushmaya on Instagram

Matutuloy pa rin ang naudlot na kasal nina Geoff Eigenmann at Maya Flores.

Ito ang itiniyak ni Geoff nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Tuesday, November 17, sa grand media launch ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw, ang bagong drama series ng NET25.

Ginanap ang grand media launch sa INC Museum sa loob ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC) compound sa Central Avenue, Quezon City.

Sabi ni Geoff, "Oh, yeah. Definitely. Siyempre naman...for ano rin, peace of mind of Maya. Para sa kanya.

"Ah, more than anything, it would be for her that we settle down already. And although, I guess, it's about time. We already have three kids."

Five years nang karelasyon ni Geoff si Maya. At ang pagpapakasal, aniya, is a matter of formality.

Paglilinaw pa ni Geoff, "Pero ano, for me, para ano na lang siguro iyon, icing on the cake. Just to make it legal, kumbaga.

Continue reading below ↓

"But for me kasi, if I didn't have to, I wouldn't want to go through it. Kung lahat naman ng kailangan kong patunayan sa kanya, sa kanya ko dapat patunayan, di ba?

"For me, if the wedding would make her happy, then, I will do it. Gladly do it."

Nag-propose si Geoff kay Maya last year.

"Naudlot lang talaga because of the, what's going on now. Dapat, we're supposed to get married in April.

"Pero, because of the lockdown, the protocols and all that, hindi natuloy.

"'Tapos, we found out that Maya is pregnant. So, na-delay nang na-delay. Hanggang ngayon, nanganak na kami."

Isinilang ng singer ang third baby nila ni Geoff na si Pepper noong October 31, 2020.

May plano na ba kung kailan gaganapin ang naudlot na wedding nila ni Maya?

"Uh, no plans yet," sagot ni Geoff. "But definitely, would be for next year na, maybe."

GEOFF'S NEW PROJECT

Kasama si Geoff sa cast ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw, ang kauna-unahang romantic drama series ng NET25, sa direksyon ng multi-awarded filmmaker na si Eduardo Roy, Jr.

Continue reading below ↓

Dito ay makakapareha ni Geoff sa unang pagkakataon si Ynna Asistio, anak ng dating Regal baby noong dekada 80 na si Nadia Montenegro at ni former Caloocan City Mayor Macario "Boy" Asistio.

Tinanggap niya ba agad ang project knowing na si Ynna ang kanyang makakapareha?

"Oh, definitely," sabi ni Geoff. "Actually, when I came in for this, it was not even Ynna who was dapat na magiging leading lady ko.

"But uh, ako I've always been open to working with other people, e. Kaya marami ako nakakatrabaho na iba-iba.

"I don't mind different leading ladies. Uh, for me experience iyon. I learn from each one of them, e.

"Tsaka that would be a new friendship started with a new onscreen partner. So, sa akin never naging isyu iyon kahit sino ang maging partner ko."

Dumaan ba si Geoff sa audition bago niya nakuha ang role ni Romer sa Ang Daigdig Ko'y Ikaw?

Continue reading below ↓

"Uh, sa manager ko. Just one night, [I was] at home [when] my manager, si Tita Malou Crisologo, called me up. Sabi niya, they're.looking for a leading man and she gave my name.

"And the next day, I showed up here. Eh, by the end of the day, I signed for the show. Ganoon lang kadali."

Matapos makagawa ng mga teleserye sa ABS-CBN at GMA-7, ano ang difference working for NET25?

Sagot ni Geoff, "Uh, wala. Honestly, I didn't feel [like it's the] first time for them. Uh, they're experienced. They know what they're doing.

"Kung meron mang delays na nangyari, all problems on set that we've encountered, kami sa set, hindi namin naramdaman. Kasi, ginagawa pa rin namin ang dapat naming gawin. Uh, I didn't feel any different from the set of GMA-7 or ABS."

Ang tanging pagkakaiba na napansin ni Geoff ay ang dami ng tao sa set.

Continue reading below ↓

Aniya, "Kasi sa amin, small production. Cast and crew namin, I think, we're about 69, 70 people. Konti lang talaga. So, compared to the others na umaabot na 200, 300 people on the set, sa amin maliit. Aside from that, everything else felt the same."

Kumusta naman ang pagtatrabaho nila na naka-lock-in for one month?

"For me, iyon ang hardest, iyong malayo ka sa pamilya. Naka-Facetime lang araw-araw.

"But, I guess, we're lucky enough to have an awesome location in Las Casas (Bagac, Bataan) na may beach kami.

"Nakakalabas kami. Nakakalabas kami. May nature kami na iyong the mere locked-in. Naka-lock-in kami in a pretty much paradise. Kasi, may beach kami. Nakakagala kami inside the compound, inside the premises.

"And ano naman, all precautions were taken. So, before we left and even after we did the show, nag-test lahat and we all came out negative."

Magsisimulang ipalabas ang Ang Daigdig Ko'y Ikaw sa Nobyembre 28, Sabado, 8 p.m.

Continue reading below ↓

GEOFF ON ABS-CBN FRANCHISE ISSUE

Bago mapasali si Geoff sa cast ng Ang Daigdig Ko'y Ikaw, huli siyang napanood sa ABS-CBN show na The Killer Bride, na natapos noong Pebrero.

Nasaan niya noong time na dinidinig sa Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN?

"Uh, stuck at home with my family. Kasi, that thing with ABS-CBN happened umpisa pa lang din ng lockdown.

"So, ako, on my part I decided not to go out and stayed at home with my family 'coz I have my kids to protect.

"So, if there was anything that I could do it could have just been online or social media."

Aminado si Geoff na nalungkot din siya sa pagkaka-deny ng Kongreso para sa bagong prangkisa ng Kapamilya network.

"Kasi, apektado, e, kahit ayaw mo. Uh even, I believe that even I didn't do The Killer Bride or kahit matagal na akong wala sa ABS, maaapektuhan pa rin ako sa nangyari sa kanya because ABS has always been a part of my life.

Continue reading below ↓

"Nag-umpisa ako sa kanila, sa Ang TV. So, pretty much [most] of my showbiz career has been with them. So, sad talaga.

"I [will] always be there for them. My support will always be there. Isang sabi lang, gagawa ako ng kahit na ano para sa kanila."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geoff Eigenmann and Maya Flores have been together for five years. They were supposed to wed in April 2020.
PHOTO/S: @blushmaya on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results