KC Concepcion spreads positivity amid wrath of Super Typhoon Rolly, Typhoon Ulysses

by Arniel C. Serato
Nov 14, 2020
KC Concepcion to victims of Super Typhoon Rolly and Typhoon Ulysses: "I pray for all the families and people who have lost their homes and struggled to stay warm and safe."
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram / Jerome Ascano

Nakisimpatiya si KC Concepcion sa mga biktima ng dalawang magkakasunod na mapanirang bagyo sa bansa—ang Super Typhoon Rolly at Typhoon Ulysses.

Nauna nang nanalasa ang Bagyong Quinta sa bansa kung saan nagdulot din ito ng pagbaha sa maraming lugar.

Sa kanyang Instagram, nag-alay ng dasal ang 35-year-old celebrity para sa mga nasalanta ng bagyo, na sinundan ng pagkasira ng kanilang mga bahay at ari-arian dahil sa bahang resulta ng pananalasa ni Typhoon Ulysses.

Labis na apektado ng bahang dala ng Typhoon Ulysses ang National Capital Region, ilang bahagi ng Luzon, at ngayon ay ang mga probinsiya ng Cagayan at Isabela.

Mensahe ni KC sa kanyang post noong November 12: “My heart goes out to all those displaced, and affected by back-to-back Typhoons Rolly & Ulysses.

“The three most powerful storms in recorded history, that came down hardest on land, happened here in the Philippines.”

Kahit daw matatag ang mga Pilipino, nag-alay pa rin siya ng dasal sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng baha.

Continue reading below ↓

Ipinagdasal din niya ang kaligtasan ng rescue teams na umaalalay sa mga biktima.

“Though we’re ‘resilient’ - I pray for all the families and people who have lost their homes and struggled to stay warm and safe.

“I pray for the safety and efficiency of rescue teams and quick rehabilitation for our communities.

"This is the last thing we need in the middle of a pandemic.”

TAKING CARE OF EACH OTHER

Ayon pa kay KC, hndi ngayon ang panahon ng sisihan kundi dapat ay isipin natin ang kapakanan ng isa’t isa.

Bagyo raw ang kalaban natin kaya kailangan nating protektahan at sagipin ang mundo.

Saad niya, “And the most important thing is to take care of each other in more ways than one, in whatever capacity we can... the main culprit of these typhoons are the warming of our oceans.

"Remember when we hear about protecting the Earth? This is it.

Continue reading below ↓

"This is up to us. Take care everyone."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion to victims of Super Typhoon Rolly and Typhoon Ulysses: "I pray for all the families and people who have lost their homes and struggled to stay warm and safe."
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results