Willie Revillame sells P12M luxury car to aid Ulysses victims

by Arniel C. Serato
Nov 14, 2020
Willie Revillame on extending financial help to typhoon victims: "Aanhin ko ang magandang kotse kung marami akong kababayang naghihirap? Kahit magbenta pa ng mga pag-aari na hindi mo na kailangan, I think this is the right time.”
PHOTO/S: Courtesy: GMA Network

Paluging ibinenta ni Willie Revillame ang kanyang 2018 Range Rover para makalikom ng pondong ipantutulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.

Sa kanyang programang Wowowin: Tutok To Win ngayong Sabado, November 14, sinabi ni Willie na pinabenta niya sa isang kaibigan ang luxury car na nabili niya noon sa halagang P12 million.

Naibenta raw ito sa halagang P7 million na lamang.

Nasa garahe lang daw kasi ang mamahaling sasakyan at hindi nagagamit.

Sa kanyang programa kanina, nakakuwentuhan ni Willie sa pamamagitan ng telepono si Marikina Mayor Marcy Teodoro.

Sabi ng 59-year-old TV host kay Mayor Teodoro, “Naisip-isip ko, napakabait ng Panginoong Diyos sa akin.

"Una na noong pandemya, may trabaho kami, yung aking mga staff, di kami pinabayaan.

“Humaharap ako sa mga tao minsan na wala akong mask, kasi minsan nakakalimutan ko, awa ng Diyos di ako nagkakasakit.

"Naisip ko, paggising ko isang umaga, tinawagan ko ang isa kong kaibigan. Sabi ko, ‘I-fastbreak mo nga yung isa kong kotse.’

Continue reading below ↓

"Sabi ko, ‘I-fastbreak mo na to.’ ‘Anong fastbreak?’ ‘Kahit magkano na lang?’

“Ngayon kinuha ho, binili sa akin ng P7 million.

“Aanhin ko yun nasa garahe lang? Sa panahon na 'to, hindi ko kailangan ng ganyan.

“Sabi ko, siguro ito na yung pagkakataon na makatulong ako sa mga kababayan natin ulit.”

Nabanggit din ni Willie kay Mayor Teodoro na nagbigay siya kay Catanduanes Governor Joseph Cua ng P5 million para sa mga nasalanta ng Super Typhoon Rolly.

FOR MARIKINA AND MONTALBAN

Sabi pa ni Willie kay Mayor Teodoro, "Ngayon, yung P7 million ho, nandiyan na ‘yan.

“E, nakausap ko din si Mayor Dennis Hernandez. Sabi ko, ‘Ito na yung pagkakataon na gumawa ka ng kabutihan sa kapwa mo.’

“Sabi ko kay Mayor Dennis Hernandez ng Montalban, ‘Abangan niyo, ia-announce ko.’"

Ang Montalban ay kilala na ngayon sa tawag na Rodriguez.

Dagdag pa ni Willie, “E, ako naman ho 'to, pera ko naman 'to, ito naman ay pinaghirapan ko, naipon ko naman.

Continue reading below ↓

"Yung P7 million ho na pinagbilhan ng aking sasakyan, thank you at nabenta.

“Mabilisan, e. Kahit na malugi ako.

"Bale ho, P7 million, dadagdagan ko po yun ng kaunting naipon ko. Magbibigay po ako sa Montalban ng another P5 million at another P5 million sa Marikina.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Teodoro kay Willie.

Aniya, “Salamat po, napakalaking tulong na po niyan para sa mga kababayan natin dito sa Marikina.”

Nilinaw naman ni Willie na hindi siya nagyayabang sa kanyang mga ginagawang pagtulong.

Saad niya, "Sinasabi ko lang ang totoo, baka sabihin nila nagyayabang ako.

"Hindi ho, totoo ho 'yan. Aanhin ko ang magandang kotse kung marami akong kababayang naghihirap?

“Kahit magbenta pa ng mga pag-aari na hindi mo na kailangan, I think this is the right time.”

Sa huli, sabi ni Willie, “Ipagdasal niyo lang ho ako na sana tumagal pa ang programa ko para mas marami pa tayong matulungan.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on extending financial help to typhoon victims: "Aanhin ko ang magandang kotse kung marami akong kababayang naghihirap? Kahit magbenta pa ng mga pag-aari na hindi mo na kailangan, I think this is the right time.”
PHOTO/S: Courtesy: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results