Angelica Panganiban defends close friend Angel Locsin from body-shaming module issue

by Jet Hitosis
Nov 16, 2020
Angelica Panganiban, Angel Locsin
Actress Angelica Panganiban (left) takes a swipe at Grade 10 teacher from Occidental Mindoro whose MAPEH module went viral last weekend for body-shaming actress-philanthropist and Angelica's close friend Angel Locsin (right).
PHOTO/S: @iamangelicap, @therealangellocsin on Instagram

Ipinagtanggol ni Angelica Panganiban ang malapit na kaibigang si Angel Locsin, na naging paksa ng body-shaming sa module ng isang teacher sa Occidental Mindoro.

Biyernes, November 13, nang mag-viral sa social media ang module na ginawa ng gurong si Keith Richard Firme, ng Occidental Mindoro.

Para sa Physical Education part ng module, ibinigay na halimbawa ni Firme si Angel, 35, bilang “obese person” na madalas kumain ng “fatty and sweet food,” pero laging “watching television and does not have any physical activities.”

Isa ang news website na Rappler sa mga nag-ulat tungkol sa viral na module.

Napakomento si Angelica, 34, sa nabanggit na report para idepensa ang malapit na kaibigan.

Ayon kay Angelica, malayo sa katotohanan ang ipinahihiwatig ng module na laging nasa bahay lang si Angel.

Masyado raw abala ang kaibigang actress-philanthropist, sabi ni Angelica, lalo na ngayon.

Comment ni Angelica (published as is): “I don’t think nakaupo lang si Angel sa bahay niya at nanonood ng TV.

Continue reading below ↓

“Busyng busy po siya tumulong sa mga nasalanta.

“Bakit hindi kayo dun mag focus? Sa kabutihan ng isang tao, lalo na ng kalooban niya.”

THE PHILANTHROPIST IN ANGEL

Tinukoy ni Angelica ang tuluy-tuloy na pagtulong ng kaibigang actress-philanthropist sa mga nasalanta ng bagyo.

Tulad ngayon, na kabilang si Angel sa grupo ng celebrities na nangangalap ng donasyon para sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses noong nakaraang linggo.

Continue reading below ↓

Nauna rito, namahagi naman si Angel ng cash aid sa mga sinalanta ng super typhoon Rolly nitong November 1.

Mahigit isang dekada nang tumutulong si Angel sa mga nasalanta ng bagyo sa bansa.

Dahil dito, napabilang siya sa 2019 Heroes of Philanthropy list ng Forbes Asia.

Noong nakaraang buwan, napili si Angel ng Tatler Asia magazine bilang isa sa Leaders of Tomorrow 2020.

DEPED APOLOGIZES

Nitong Sabado, sa official statement mula sa Department of Education (DepEd), itinanggi nitong bahagi ng self-learning module ng kagawaran ang nag-viral sa social media.

Ang module daw ni Firme ay “teacher-made assessment for a Grade 10 MAPEH class,” ayon sa DepEd.

Ang MAPEH ay tumutukoy sa Music, Arts, Physical Education, and Health.

Bagamat humingi ng paumanhin ang DepEd sa mga tao “which may have been offended of harmed by this incident,” hindi nito binanggit ang pangalan ni Angel.

Ito ay kahit na tinukoy ni Firme ang buong pangalan ng aktres sa module na ginawa mo.

Continue reading below ↓

Sabi ng DepEd: “The Department of Education does not tolerate nor condone any act of body shaming, ad hominem or any similar act of bullying both in the physical and virtual environments.”

Department of Education apologies to Angel Locsin for module that body shamed the actress

ANGEL TELLS DEPED WHAT IT “MUST CORRECT

Kinabukasan, November 15, sinagot ni Angel ang pahayag ng DepEd.

Ayon kay Angel, nababahala siya na “DepEd seems unaffected that the said teacher is teaching bad conduct and sowing discrimination among the children.”

Continue reading below ↓

Binigyang-diin ni Angel na iyon ang mas mahalagang usapin “that you should be held accountable and must correct.”

Hiniling din ni Angel na humingi ng paumanhin si Firme sa mga estudyante nito.

Sabi ni Angel sa DepEd: “The said teacher should apologize to his students and all the students the read the module.”

Angel Locsin responds to DepEd; asks teacher to apologize for actions

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban (left) takes a swipe at Grade 10 teacher from Occidental Mindoro whose MAPEH module went viral last weekend for body-shaming actress-philanthropist and Angelica's close friend Angel Locsin (right).
PHOTO/S: @iamangelicap, @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results