KC Concepcion sells jewelry for rescue and relief operations in Cagayan

by Arniel C. Serato
Nov 16, 2020
KC Concepcion is selling pieces from her jewelry line to fund relief and rescue operations in the heavily-devastated province of Cagayan.
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram

Ibebenta ni KC Concepcion ang mga dinisenyo niyang alahas para makatulong sa relief and rescue operations sa Cagayan, na labis napinsala ng baha dahil sa Typhoon Ulysses.

Ang mga alahas ay mula sa kanyang jewelry line na Avec Moi by Kristina.

Ayon kay KC, ang isang order ng alahas mula sa kanyang shop ay tatagal ng halos isang buwan ang paggawa.

Mensahe ni KC sa kanyang Instagram post kagabi, November 15, “I’m selling ready-made, handcrafted @avecmoijewelry pieces (it usually takes 4 weeks made-to-order), designed by yours truly, for the IMMEDIATE RESCUE & RELIEF efforts in Cagayan, Northern Philippines.

“They will be available to serious buyers on Tuesday, November 17th.

“More details coming... Watch this space.”

Continue reading below ↓

Ayon sa ilang websites, ang bawat alahas ay nagkakahalaga ng US $1000 hanggang $2000 (P50,000 to P100,000) bawat isa.

CAGAYAN, ISABELA DEVASTATION

Humupa na ang baha sa mga probinsiya ng Cagayan at Isabela ngayong araw, November 16.

Passable na rin ang major roads papunta roon.

Hindi katulad noong Biyernes, November 13, kung saan umabot sa mga bubong ng mga kabahayan doon ang tubig-baha.

Marami sa mga residente ang umakyat sa kanilang mga bubungan at doon nagpalipas ng ilang araw.

Sinasabing ang sanhi ng mabilisang pagtaas ng baha sa Cagayan at Isabela ay ang pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam dahil malapit na itong umapaw.

Hindi raw inasahan ng mga residente na makararanas sila ng mapanirang baha dahil nakaalis na ang Typhoon Ulysses sa bansa.

Tinatayang nasa P6 bilyong piso ang halaga ng mga nasirang imprastruktura at kabuhayan sa Cagayan pa lamang.

Bumuhos kaagad ang tulong ng gobyerno, pribadong indibidwal, at mga celebrities para sa Cagayan.

Continue reading below ↓

Sa NCR naman, labis na naapektuhan ng baha dala ng bagyong Ulysses ang lalawigan ng Rizal at ang Marikina City.

Nagpaabot ang TV host na si Willie Revillame ng donasyong tigli-limang milyong piso para sa Montalban, Rizal, at Marikina.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion is selling pieces from her jewelry line to fund relief and rescue operations in the heavily-devastated province of Cagayan.
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results