Michele Gumabao defends Rabiya Mateo from critics asking Miss Universe Philippines 2020's relief efforts for typhoon victims

by Bernie V. Franco
Nov 16, 2020
Michele Gumabao (left) on Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (right): “I’m sure the org and Rabiya had this planned a long time and won’t be easy moving schedules. Im sure They are doing their part in helping”
PHOTO/S: @gumabaomichele and @rabiyamateo on Instagram

Dinepensahan ni Michele Gumabao si Rabiya Mateo laban sa netizens na nagtatanong kung may mga ginagawa ang Miss Universe Philippines 2020 para matulungan ang typhoon victims.

Tumaon kasing ginawa ang homecoming ni Rabiya sa Iloilo City noong November 13, habang abala ang marami sa pagtulong sa typhoon victims.

Pero sa pagbisita sa Instagram account ni Rabiya, makikitang may mga panawagan siya para sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo.

Pero sadyang hindi pa rin tapos ang pagkukumpara kina Rabiya at Michele.

MICHELE DEFENDS RABIYA

Aktibo si Michele, Miss Universe Philippines second runner-up, sa pagpu-post ng kanyang relief efforts para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Sa comments section, may nagtatanong kung ano ang mga ginagawa ni Rabiya.

Komento ng isa, napansin daw niyang habang busy si Michele at ibang runners-up sa pagtulong, busy naman si Rabiya sa “pagsasaya sa paguwi niya sa iloilo doing mall shows and etc.”

Sana raw ay naging sensitibo ang team ni Rabiya na inilipat sa ibang petsa ang homecoming ng beauty queen at tinutukan ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Continue reading below ↓

Sinagot ni Michele ang ibang netizens na pinapasaringan si Rabiya.

Aniya, hindi madaling baguhin ang schedule at sigurado siyang may efforts ang kampo ni Rabiya.

“hello I’m sure the org and Rabiya had this planned a long time and won’t be easy moving schedules.

“Im sure They are doing their part in helping [heart emoji] let’s always support one another especially at a time like this!”

May isa pang nagtanong kung may ginagawa ba si Rabiya at ang Miss Universe Philippines organization para matulungan ang mga nasalanta.

Sagot ni Michele, “they are doing the same [heart emoji] we are all helpin n our own ways!”

Patutsada ng isa pa, si Michele ang totoong queen na may kuwenta.

Sabi naman ni Michele, “we all help in different ways [heart emoji]”

Continue reading below ↓

“CHEER NIYO NAMAN AKO”

Samantala, hindi pa rin matapus-tapos ang pagkadismaya ng iba na hindi si Michele ang nanalong Miss Universe Philippines 2020.

Patuloy ang pagkomento ng iba na si Michele ang “Miss Universe Philippines we never had.”

Sagot ni Michele, huli na para malaman kung totoo man ito dahl hindi naman siya ang nanalo.

Hindi na rin makakasali si Michele sa national pageant dahil sa age limit.

Sa kabila nito, kaya pa rin daw niyang i-fulfill ang kanyang purpose na makatulong.

Sa isang komento, nagpaalala pa si Michele na sana ay i-cheer pa rin siya kahit hindi siya ang nanalo.

Mensahe ni Michele: “cheer niyo naman ako as 2nd runner up please [laughing emojis]”

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, hindi pa rin tumitigil ang mga batikos kay Michele na inakusahang hindi raw matanggap na hindi siya ang nanalo sa pageant.

Pag-akusa ng isang netizen, “bitter” si Michele na hindi man lang i-follow si Rabiya sa Instagram.

Kwelang sagot ni Michele: “hugoooooot [laughing emoji]”

Pagtatanggol naman ng isang supporter, kahit maraming “ampalayang bashers” ay hindi na pumapatol si Michele.

Sagot ni Michele, “nandiyan parin sila… waiting [laughing emoji]”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michele Gumabao (left) on Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo (right): “I’m sure the org and Rabiya had this planned a long time and won’t be easy moving schedules. Im sure They are doing their part in helping”
PHOTO/S: @gumabaomichele and @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results