Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo recalls experience during typhoon Yolanda in 2013

by Arniel C. Serato
Nov 16, 2020
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on Filipino resiliency: "Yung resiliency parang overused siya. To the point sometimes na we don’t look at the problems to find the solutions."
PHOTO/S: Courtesy: Jaycee Salvadro @debonaire_studios / @PAULCHIONGSON ON INSTAGRAM

Binalikan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang namulatang kahirapan sa buhay noon.

Sa isang tell-all interview sa Kapuso Mo Jesscia Soho (KMJS) kagabi, November 15, inalala ng Ilongga beauty queen ang kanyang mga pinagdaanan bago nakamit ang mga pangarap niya sa buhay.

Sabi ni Rabiya kay Jessica Soho, “Masaya po, e. Kaya pala dapat ang dami ko pagdaanan sa buhay kasi darating yung point na yung story ko, isi-share ko sa maraming tao.”

Isa sa pinag-usapan nila ay ang mag-isang pagpapalaki ng inang si Christine Mateo sa kanya at kapatid na lalaki.

Iniwan kasi sila ng kanyang amang Indian-American na si Mohammed Abdullah Syed Moqueet Hashmi noong siya’y limang taong gulang lamang.

Lahad ni Rabiya, “Kailangan ko talagang magsumikap sa buhay kasi naranasan ko in the past na maputulan ng kuryente, humiga lang sa banig.

"Naranasan ko na magbigay ng flyers, and hindi ko talaga yun ikinakahiya.

“Hindi ko naman po siya inisip na kawawang-kawawa ako kasi sa banig ako natutulog. Pero proud talaga ako kasi kahit sa probinsiya dati kami nina Lola, sa banig lang po kami natutulog.”

Continue reading below ↓

Patuloy niya, “Sa akin, bakit mo ikakahiya? Gusto ko ma-remember ako ng tao na isa sa mga beauty queens na nagsumikap talaga sa buhay.

“Dugo, pawis, ang daming sakripisyo na ginawa ko.

"Kaya parang sinasabi ko rin sa lahat, basta maniwala lang kayo sa pangarap niyo, matutupad talaga. Tingnan niyo ako ngayon.”

RESILIENCY

Ano ang pinakamalaking unos o bagyong pinagdaanan niya sa buhay noon?

Sabi ni Rabiya, literal na bagyo ang pinakamahirap na pinagdaanan nilang pamilya nang tumama ang Super Typhoon Yolanda sa bansa taong 2013.

Aniya, “Siguro po literal na bagyo talaga, during Yolanda, kasi namataan talaga yung hometown ko—yung Balasan, Iloilo.

“Mahirap siya kasi nakita ko yung mama ko umiiyak. Kasi yung bahay kubo po namin from ganito, gumanito na siya [tumagilid]. 'Tapos nagsulat kami sa kalsada na, ‘We need help. We need food.’

“Kaya ngayong may bagyong Rolly, bagyong Ulysses, ramdam na ramdam ko po talaga yung paghihirap ng mga kababayan natin kaya tumulong po ako.

Continue reading below ↓

“Kaya sabi ko nga, ‘Patatagin niyo talaga ang loob niyo kasi it’s not easy to be in that position mawalan ng bahay, mawalan ng gamit.’

“Minsan mawawalan pa ng loved one, pero habang buhay, may pag-asa pa po.”

Sinasabing sa dami ng kalamidad na dumaan sa Pilipinas, patuloy pa ring ipinapakita ng mga Pilipino ang katatagan o ang pagiging resilient.

Ano ang masasabi niya ukol dito?

Tugon Rabiya, “Yung resiliency, parang overused siya. To the point sometimes na we don’t look at the problems to find the solutions.

“And we just tell other people na, ‘We need to do is to have a positive mindset and we're gonna overcome this.’

“But where are the tangible programs to help the people being affected by such situation?

“So, yes, iba pag may positive outlook. But again, kailangan nating magkaroon ng tangible and visible solution.

“Hindi tayo magli-learn, hindi natin mapabuti ang community natin if puro resiliency na lang.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on Filipino resiliency: "Yung resiliency parang overused siya. To the point sometimes na we don’t look at the problems to find the solutions."
PHOTO/S: Courtesy: Jaycee Salvadro @debonaire_studios / @PAULCHIONGSON ON INSTAGRAM
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results