Kim Domingo reveals helping typhoon victims after a netizen tells her “to pray, not post”

Nov 17, 2020
Kim Domingo
Kapuso actress Kim Domingo has been inactive on social media since August.
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram

Napilitan si Kim Domingo na isapubliko ang pagtulong niya sa mga nasalanta ng bagyo matapos siyang pagsabihan ng isang netizen na “take time to pray” kaysa mag-post sa Instagram.

Nagkomento ang netizen sa Instagram post ng 25-year-old Filipino-French actress nitong Linggo, November 15.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Kim ang tatlong latest pictures niya habang nakasuot ng printed body-hugging dress.

Simpleng caption ni Kim: “I’m back [red rose emoji]”

Continue reading below ↓

Hindi kasi kasing aktibo ng dati si Kim sa social media sa nakalipas na mga buwan.

Ito ay matapos pumanaw ang best friend niyang si Angelo noong August dahil sa sakit sa baga.

Dahil dito, inaasahang na-miss na si Kim ng kanyang social media followers.

Mayroong 2.3 million followers sa Instagram ang Kapuso star, at 6.5 million followers naman sa Facebook.

THE “TAKE TIME TO PRAY NOT TO POST ON IG” COMMENT

Pero mistulang negatibo ang timing ng pagbabalik-social media ni Kim para sa isang lalaking Instagram user.

Komento ng netizen sa post ni Kim (published as is), “Madami n nangyayari sa mundo caption mo you’re back..”

Mahihinuhang ang tinutukoy ng netizen ay ang magkakasunod na matitinding pananalasa ng mga bagyong Quinta (October 26), Rolly (November 1), at Ulysses (November 11) sa bansa sa nakalipas na mga linggo.

Ipinahihiwatig ng netizen na sa harap ng sunud-sunod na krisis na kinakaharap ng mga Pilipino, sa halip na magdasal ay inuna pa raw ng aktres ang pagpu-post sa Instagram.

Continue reading below ↓

Giit ng netizen, “sad but true people are living here in on earth by pleasures.”

Sana raw, ang mga taong tulad ni Kim ay maging “God pleaser not people pleaser.”

Mensahe pa ng netizen: “Take time to pray not to post ig.”

KIM REVEALS SHE’S DOING HER PART

Sa reply ni Kim, sinegundahan niya ang observation ng netizen tungkol sa magkakasunod na pagsubok na hinaharap ng mga Pilipino.

Kaya naman “isa ako sa mga nagpaabot ng tulong” sa mga sinalanta, pagbubunyag ni Kim.

Hindi nagdetalye ang Kapuso actress tungkol sa tulong na ibinigay niya sa mga biktima ng kalamidad.

Paglilinaw ni Kim, bagamat ayaw niyang ipaalam sa publiko ang ginawang pagtulong, “nabasa ko comment mo.”

Napilitan daw si Kim na sabihin ang totoo sa netizen “para din maliwanagan ka.”

Sa huli, may kalakip na smileys ang pagpapaalala ni Kim sa netizen na, “Wag mo ibase sa caption ang pananampalataya ng tao sa PANGINOON.”

Continue reading below ↓

Nagpahabol pa si Kim ng “GOD BLESS” sa netizen.

PRAYERS FOR TYPHOON VICTIMS

Umani ng pamba-bash ang netizen mula sa ilang Instagram followers ni Kim.

Ayon sa kanila, “insensitive” at “mapanghusga” raw ang comment ng netizen.

Buti na lang daw at maayos pa rin itong sinagot ni Kim sa kabila ng negatibong impression ng netizen sa pagbabalik ng aktres sa social media.

Continue reading below ↓

Pero muling nagkomento ang netizen upang linawin ang kanyang sinabi.

Hindi raw niya hinuhusgahan si Kim, ayon sa netizen, dahil ang comment niya ay “in general po not only to Miss Kim.”

Paliwanag pa ng netizen, ang pagtulong daw na ginawa ni Kim ay “nauubos po.. Pero ang ipleased God dahil nagpray tayo is more than your help po.”

Continue reading below ↓

Alam daw ng netizen na ang fans ni Kim “will bashed me well,” pero ang hiling lang daw niya ay ang sama-samang pagdarasal para sa mga “nasalanta nang Bagyo.”

Hindi na muling nag-reply si Kim sa netizen.

Patuloy namang nakatanggap ng pamba-bash ang netizen mula sa ilang Instagram followers ng aktres.

Continue reading below ↓

Dakong Lunes ng gabi, burado na sa comments section ng post na ito ni Kim ang thread na nasimulan ng komento ng netizen.

LUZON TO BE PLACED UNDER STATE OF CALAMITY

Sa latest update tungkol sa bagyong Ulysses, inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa state of calamity ang buong Luzon.

Sa pagdedeklara ng state of calamity, magpapalabas ang gobyerno ng ipamamahaging calamity fund, bawal ang taas-presyo sa basic goods, aalisin ang interes sa lahat ng pautang, at maluwag na tatanggapin ang lahat ng donasyon, ayon sa Republic Act 10121 (Philippine Disaster Reduction and Management Act).

Ito ay dahil na rin sa matinding epekto ng magkakasunod na pananalasa ng Quinta, Rolly, at Ulysses sa Luzon.

Sa pananalasa ng Ulysses pa lang, nasa 67 katao na ang kumpirmadong nasawi as of November 16, ayon sa NDRRMC.

Sa bilang na ito, 22 ang namatay sa Cagayan Valley (Region II), dalawa sa Central Luzon (Region III), 17 sa Calabarzon (Region IV-A), 8 sa Bicol (Region V), 10 sa Cordillera Administrative Region, at 8 sa National Capital Region.

Continue reading below ↓

Nasa 13 pa ang nawawala, habang 21 ang nasugatan, as of November 16.

May kabuuang 2,074,301 indibiduwal, o 523,871 pamilya ang apektado sa pananalasa ng Ulysses, ayon pa rin sa NDRRMC.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Kim Domingo has been inactive on social media since August.
PHOTO/S: @kimdomingo_ on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results