Jessy Mendiola says viral swimsuit photo with “RIP RICO J . PUNO” caption is fake

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2020
Jessy Mendiola to netizens who saw her viral swimsuit photo with "RIP RICO J. PUNO" caption: "Wag maniwala sa lahat ng nakikita online.”
PHOTO/S: Courtesy: @senorita_jessy on Instagram / Twitter

Mariing pinabulaanan ni Jessy Mendiola na siya ang nag-upload ng viral photo niyang naka-swimsuit na merong nakasulat na RIP RICO J. PUNO.

Kahapon, November 16, kumalat sa social media ang nasabing larawan ni Jessy na tila in-upload sa Instagram Stories ng aktres.

Ang legendary singer na si Rico J. Puno ay pumanaw noong madaling-araw ng October 30, 2018, sa edad na 65.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram Stories kahapon din, nakiusap si Jessy na tigilan na ang pagpapakalat ng nasabing larawan dahil ito ay "FAKE."

Mensahe niya, “Guys. Tanga nalang maniniwala na I posted this.

“Please refrain re-tweeting or reposting this EDITED pic. RESPETO naman sa sumakabilang buhay.”

Dagdag pa niya, “Wag maniwala sa lahat ng nakikita online.”

Continue reading below ↓

CALL FOR DONATIONS

Kahit pinaglalaruan ng netizens, hindi nagpapatinag si Jessy sa kanyang layuning makatulong sa mga nabiktima ng baha sa Cagayan, Isabela, at Marikina City dahil sa pananalasa ng Typhoon Ulysses.

Sa kanyang Instagram, nanawagan si Jessy ng donasyon para sa mga lugar na nabanggit sa pamamagitan ng Rock Ed.

Nakalagay rito ang detalye kung saan maaaring ipadala ang mga donasyon, in cash or in kind.

Sabi pa ni Jessy, "My heart goes out to everyone affected by these typhoons. It is so heartbreaking to see our kababayans going through this. We are accepting ANY help (in-kind/cash) for our kapwa Filipinos."

Continue reading below ↓

May rehabilitation efforts na sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, pati na ang siyudad ng Marikina, matapos malubog ng mga ito sa mapinsalang baha.

Napakalaki ng tulong ng pribadong sektor, kasama na si Jessy at mga kasamahan ng aktres.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola to netizens who saw her viral swimsuit photo with "RIP RICO J. PUNO" caption: "Wag maniwala sa lahat ng nakikita online.”
PHOTO/S: Courtesy: @senorita_jessy on Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results