ANC anchor burns Isabela governor for asking ABS-CBN News crew's absence in Isabela flooding; celebs react

by Rachelle Siazon
Nov 17, 2020
ANC news anchor Christian Esguerra (leftmost) takes a swipe at Isabela Governor Rodito Albano (second to the left) for questioning absence of ABS-CBN News crew during Typhoon Ulysses onslaught in Isabela. Of ABS-CBN's junked franchise, Christian says, "How can you forget that?"
PHOTO/S: Screengrab from ANC / TV Patrol / The Angel and Neil Channel Youtube

Nasupalpal ni ANC anchor Christian Esguerrra si Isabela Governor Rodito Albano sa isyu kung bakit walang ABS-CBN News crew na nagko-cover sa matinding pagbaha sa Isabela.

Lunes ng umaga, November 16, nang makapanayam si Governor Albano via Zoom call para sa Matters of Fact, ang daily news program ng ANC, na ang anchor ay si Christian.

Ang ANC o ABS-CBN News Channel ay cable news channel na pag-aari ng ABS-CBN.

Dito ay isinalaysay ni Governor Albano ang sitwasyon sa Isabela, na noong araw na iyon ay "one-fifth" pa rin daw ng probinsiya ang lubog sa tubig-baha.

Hindi raw inasahan ang tindi ng dami ng tubig-baha na mananalasa sa lugar. Bukod sa lakas ng ulang dala ni Typhoon Ulysses, nakadagdag sa pinsala ang pinakawalang tubig mula sa Magat Dam, na umagos sa Magat River patungong Cagayan River.

Nagresulta ito sa puglubog sa tubig-baha ng maraming lugar sa mga probinsiya ng Cagayan at Isabela, na dinadaanan ng kahabaan ng Cagayan River, na longest river sa bansa.

Continue reading below ↓

"Everybody was overwhelmed. Because this calamity, last time it happened, it was in 1978," tukoy ni Governor Albano sa matinding pagbaha sa probinsiya ng Isabela at Cagayan.

Naikuwento rin ni Governor Albano na gabi ng Huwebes, November 12, ang kasagsagan ng landfall ni Typhoon Ulysses sa Isabela.

Noon na lamang daw Sabado, November 14, nakapagpalipad ng helicopter ang pamunuan ng Isabela para makunan ng aerial view shots ang pinsalang dinulot ng bagyo, para maiulat ng media.

Tinanong kasi ni Christian kung naipaalam ba agad ng pamunuan ng Isabela sa national government o kaya sa media ang sitwasyon sa lugar para makahingi agad ng tulong sa pananalasa ng bagyo.

Paliwanag ni Governor Albano: "Our helicopter was flying only after mga Saturday lang. So we have to give images to the media Saturday na lang.

"We cannot do it kasi nighttime nangyari, e. 'Tapos umaga ng [Biyernes, November 15], umaakyat na yung tubig.

Continue reading below ↓

"Yung mga highways were cut off. Everybody was cut off here.

"Everyone going in and to of Isabela, na-cut off na siya. So how can we give you such information?"

Sa puntong ito ay nasabi ni Governor Albano na makakatulong sana sa pag-transmit ng impormasyon kung mayroong crews ng ABS-CBN News sa Isabela.

Katwiran ng gobernador, "Sana, kung meron kayang mga crews dito...

"Yung crews nga ng ibang station, pinalipad ko pa para tingnan lahat dito sa Isabela, and Cagayan, part of Tuguegarao, kasi nasa boundary kami ng Cagayan."

Sumingit si Christian para ipaalala kay Governor Albano na kaya walang ABS-CBN News crew sa Isabela ay dahil sa nagsara ang regional office ng ABS-CBN doon.

Kaugnay ito ng hindi pag-apruba ng 70 kongresista sa application ng ABS-CBN para ma-renew ang prangkisa nito.

Ang kapatid ni Governor Albano na si Isabela First District Representative Antonio Albano ay kabilang sa bumotong huwag bigyan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Continue reading below ↓

May apat pang kongresista sa Isabela na bumoto para hindi maaprubahan ang prangkisa ng ABS-CBN.

Kabilang sina Ian Paul Dy (3rd District), Alyssa Sheena Tan (4th District), Faustino Michael Dy (5th District), at Faustino Dy (6th District)

Kalmado pero malamang sabi ni Christian: "Alam niyo naman nangyari, Governor, di ba? You were asking, 'Sana may crew diyan...'

"I suppose you were referring to ABS-CBN.

"E, hindi ibinigay franchise, e. Nasara yung regional station. So, papaano mako-cover yung nangyari diyan?"

Sa puntong ito ay halos hindi makapagsalita si Governor Albano, na natawa nang malagay sa hot seat dahil sa kanyang sariling hirit.

Natatawang sabi na lang niya, "Sorry ha... Wala kayo..."

Balik-tanong ulit ni Christian, "Alam niyo naman yun, di ba? How could you forget that?"

Paputol-putol na sagot ng gobernador, "Oo, pero, pero... Still, ano...

"Yung mga ABS-CBN niyo, ambibilis.... Yeah, yeah, yeah. Ambibilis ng response ng ABS...

"Even your crews na-overhwhelm din yun, I'm sure. Lahat ng mga station dito na-overhwhelm din sila kasi..."

Continue reading below ↓

Iniwas na lang ni Governor Albano ang topic at sinabing magpokus sa solusyon para sa mga nabiktima ng bagyo.

Sabi niya, "Kasi yung GoPro na ibinigay ko sa mga media after na iyan noong ano... Alam mo, Christian, let's talk of solutions na lang dito sa problem na ito..."

Continue reading below ↓

KIM ATIENZA, AKA KUYA KIM

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Martes, November 17, ni-repost ni Kim Atienza ang video clip kunsaan nasupalpal ni Christian Esguerra ng ANC si Isabela Governor Rodito Albano.

Si Kim, o mas kilala bilang Kuya Kim, ay weather forecaster ng TV Patrol, ang ABS-CBN newscast na umeere bilang blocktimer sa A2Z Channel 11.

Napapanood din ito sa Kapamilya Channel, o digital platforms at cable channels kunsaan may palabas na ABS-CBN shows.

Caption ni Kuya Kim, "Bakit daw walang ABS crew sa Isabela. Natawa si gov. Natawa din ako."


Continue reading below ↓

May isang netizen na nagkomento na nakakagalit daw dahil nakuha pang tumawa ng gobernador sa isang seryosong usapin.

"Hindi ka dapat matawa if napahiya ka at mas lalong hindi ka dapat matawa knowing our kababayans are suffering because of lack of free information," saad ng netizen.

Sagot naman ni Kuya Kim, "i think it was a nervous laugh being caught off guard. nakalimutan niya na kapatid niya ang isa sa pumatay sa ABS."


Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Kuya Kim na marahil ay nahirapan ding makakuha ng impormasyon ang mga taga-Isabela dahil hindi naman lahat ay may access sa Internet connection.

May isang netizen na kumontra kay Kuya Kim at sinabing hindi lang ABS-CBN ang may kakayahang magdala ng balita kundi may ibang TV networks sa bansa.

Sabi naman ni Kuya Kim, "wala po akong sinasabing ganyan miss."


Continue reading below ↓

ANGEL LOCSIN

Isa si Angel Locsin sa Kapamilya stars na napakomento sa Instagram post ni Kuya Kim.

Hindi napigilan ni Angel na magpatutsada sa limang kongresista ng Isabela—sina Antonio Albano, Ian Paul Dy (Isabela 3rd District), Alyssa Sheena Tan (Isabela 4th District), Faustino Michael Dy (Isabela 5th District), at Faustino Dy (Isabela 6th District).

Sa mga ito raw hanapin ni Governor Albano kung bakit walang ABS-CBN News crew sa Isabela sa panahong sinalanta ito ng bagyo at kailangan ng tulong.

Ani Angel (published as is), "ask the 5 lawmakers of Isabela. Yung isa nakuha pang mag post ng Ferrari niya sa tagaytay habang naghihirap ang mga bumoto sa kanya."

Continue reading below ↓

IZA CALCADO

Binigyang-diin naman ni Iza Calzado ang tinuran ni Christian Esguerra na, "How can you forget that?"

Na ang wari'y ang sinasabi ay paanong nakalimutan ni Governor Albano na walang prangkisa ang ABS-CBN kaya napilitang ipasara ang regional offices nito at mag-retrench ng libu-libong empleyado.

Para kay Iza, perfect ang sagot na iyon ni Christian kay Isabela Governor Albano base sa iniwang emoji nito na "100," na ang ibig sabihin ay perfect score.

Continue reading below ↓

ISABELLE DAZA

Dismayado naman si Isabelle Daza na nakuha pang matawa ng gobernador.

Aniya (published as is), "I dont know whats so funny."

Si Isabelle ay napanood sa mga defunct teleserye ng ABS-CBN tulad ng Nathaniel (2015) at Playhouse (2018-2019).


KAREN DAVILA

Dismayado rin si Karen Davila na nakuha pang kuwestyunin ni Governor Albano ang kawalan ng ABS-CBN News crew sa Isabela.

Continue reading below ↓

Gayong isa sa kapatid ng gobernador ang hindi nag-apruba ng prangkisa ng ABS-CBN.

Diin ni Karen: "Knowing him he probably literally forgot that his brother voted against the ABSCBN franchise renewal.

"Which now really proves me point - i really BELIEVE - the 70 congressmen dont know what they did to their constituents, the country and our democratic landscape.

"The Filipino people deserve better."

Si Karen ay news anchor ng Headstart, ang daily news program sa ANC, kasunod ng Matters of Fact ni Christian Esguerra.

Dating news anchor din si Karen ng Bandila, ang late-night newscast ng ABS-CBN na kasama sa mga nagsarang programa sa ABS-CBN matapos hindi maaprubahan ng Kongreso ang prangkisa ng network.

Continue reading below ↓

Sumang-ayon si Isabella sa opinyon ni Karen sa pamamagitan ng pag-iwan ng emoji na "100" o perfect score.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ANC news anchor Christian Esguerra (leftmost) takes a swipe at Isabela Governor Rodito Albano (second to the left) for questioning absence of ABS-CBN News crew during Typhoon Ulysses onslaught in Isabela. Of ABS-CBN's junked franchise, Christian says, "How can you forget that?"
PHOTO/S: Screengrab from ANC / TV Patrol / The Angel and Neil Channel Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results