KC Concepcion, Ruffa Gutierrez distribute 10,000 relief packs in Cagayan

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2020
KC Concepcion (left, with face mask), Ruffa Gutierrez, and other volunteers bring 10,000 relief goods to Cagayan after the province suffered massive flooding due to Typhoon Ulysses.
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram / @iloveruffag on Instagram

Personal na nagtungo ang mga aktres na sina KC Concepcion, Ruffa Gutierrez sa Tuguegarao City, Cagayan kahapon, November 16.

Namahagi sila ng relief packs sa mga biktima ng bagyong Ulysses sa nasabing lugar.

Dala nila ang sampung libong relief goods na sakay sa tatlong eroplano.

Kasama ng grupo si Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson

Continue reading below ↓

Sabi ni KC sa kanyang Instagram post kahapon, kahit mabiktima ang mga Pilipino ng kalamidad, hindi pa rin nila nakakalimutang ngumiti.

Aniya, “Di ko mawari

“Kung san nanggagaling

“Ang mga ngiti

“Ang tamis ng pagbati

“Humiyaw pa sa tuwa

“Kumakaway pa ng walang sawa

“Sa kabila ng naging sakuna

“Nagawa pang kumanta

“Nagawa pang magpakasaya...

“O bansa ko... Mga Pilipino talaga...”

Continue reading below ↓

Makikita sa Instagram Stories ni KC ang ilang videos at larawan ng pamamahagi nila ng mga donasyong pagkain at iba pa sa mga residente.

Nagkuwento rin siya ukol sa kanilang personal na pakikisalamuha sa mga biktima ng bagyo.

Lahad ng 25-year-old celebrity, “Masaya naman kami na at least nakita kami ng mga tao dun at nakapagbigay kami ng ligaya kahit konti. At tuloy lang po dapat ang ayuda.

“Grabe kawawa po talaga yung mga victims or yung survivors ng disaster na ‘to.

"Hindi lang sa Cagayan kundi sa lahat ng mga parts ng Manila or Philippines kung saan naapektuhan ang mga tao.

“Tulung-tulong po tayo as usual.”

Continue reading below ↓

“WE ALL HEAL AS A NATION”

Samantala, kasama rin ni Ruffa sa relief operations ang dalawang anak na sina Lorin at Venice Bektas.

Post pa niya sa Instagram, “Today I participated in relief operations in Tuguegarao City, the capital of Cagayan Province, with Lorin & Venice, upon the invitation of my dearest Pinky Tobiano and Mayor Luis “Chavit” Singson.

“5 days after Typhoon Ulysses ravaged the country affecting millions of families, some areas are still submerged under water.

“I pray that in the midst of sorrow, we all heal as a nation, do the best we can to help our communities so that they can rebuild their lives.

“We are with you during these difficult times. Love and prayers. #CagayanNeedsHelp
#TyphoonUlysses #GratefulTuesdays

Continue reading below ↓

Biyernes, November 13, umingay sa social media ang hashtags na #CagayanNeedsHelp at #IsabelaNeedsHelp.

Nalubog sa baha ang mga bahay ng mga residente dahil daw sa pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.

Marami sa mga residente ang na-trap sa kanilang mga bubungan upang makaligtas sa pagragasa ng baha.

Bilyun-bilyong piso ang iniwang pinsala ng Typhoon Ulysses sa Cagayan at Isabela.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion (left, with face mask), Ruffa Gutierrez, and other volunteers bring 10,000 relief goods to Cagayan after the province suffered massive flooding due to Typhoon Ulysses.
PHOTO/S: Courtesy: @itskcconcepcion on Instagram / @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results