Photos of Ivana Alawi distributing relief goods in Cagayan get thumbs up from netizens

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2020
Netizens from Cagayan express gratitude to social media star and actress Ivana Alawi for extending help to the victims of massive flooding in the province today, November 17.
PHOTO/S: Credit to the owner

Hinangaan ng maraming netizens ang social media star at aktres na si Ivana Alawi matapos nitong magtungo sa Cagayan upang personal mamigay ng relief goods ngayong Martes, November 17.

Ang probinsiya ng Cagayan ay napuruhan ng malawakang pagbaha dahil sa pananalasa ng Typhoon Ulysses noong November 11.

Kagabi, November 16, ipinakita ni Ivana sa kanyang Instagram Stories ang patuloy nilang “repacking” ng relief goods para sa mga nabiktima ng baha.

Wala siyang sinabi kung saang lugar nila ito dadalhin.

Continue reading below ↓

Ngunit base sa mga kumalat na larawan sa Facebook, nalamang sa lalawigan ng Cagayan nagpunta ang sexy star.

Makikitang simpleng itim na T-shirt, pantalon, at puting sapatos ang suot ng sexy actress at vlogger sa kanyang pagtungo sa Cagayan.

Naka-face mask din siya.

Continue reading below ↓

Walang post si Ivana ukol sa kanyang pagdating at pagtulong sa Cagayan.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente doon sa tulong na dala ni Ivana sa kanila.

Saad ng Cagayan Valley Facebook, "Thank u miss Ivana alawi ang vloggers, artista.... Nagbigay ng rifielgood sa linao Norte toguegarao Cagayan 100%"

Continue reading below ↓

Sabi ng isang netizen, "Ivana Alawi help Cagayan Valley. Maganda, Mabait simpleng tao at sobrang matulungin pa."

Ayon naman sa empleyado ng Cagayan Public Information Office na si Francis Jorque, "Salamat po Ivana Alawi sa pagtulong sa cagayan. Godbless po."

Continue reading below ↓

Ayon naman sa post ng Cagayan Provincial Information Office: “Nag-courtesy call kay Gov. Manuel Mamba ang sikat na vlogger na si Ivana Alawi matapos mag-donate ng relief goods para sa mga biktima ng naranasang napakalaking baha sa lalawigan.”

Narito ang iba pang papuri ng netizens kay Ivana na mababasa sa viral post ng Cagayan Provincial Information Office:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

CELEBRITIES DOING THEIR OWN RELIEF OPERATIONS

Matapos manalanta ng buhay at ari-arian ang magkasunod na bagyong tumama sa Pilipinas, kanya-kanya ang maraming celebrities sa pag-organisa ng kanilang donation drive para sa mga biktima.

Dahil sa labis na pinsala sa probinsiya ng Cagayan, dito nakatuon ang maraming artista sa ginagawa nilang relief efforts.

Continue reading below ↓

Kabilang na sa mga nagpaabot ng tulong sa lugar sina KC Concepcion at Ruffa Gutierrez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens from Cagayan express gratitude to social media star and actress Ivana Alawi for extending help to the victims of massive flooding in the province today, November 17.
PHOTO/S: Credit to the owner
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results