Heart Evangelista tells netizen: “Camera doesn’t need to be ‘on’ for you to help.”

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2020
Heart Evangelista: “Don’t expect everyone to like you. This is the most impossible task in this world but know this-they may not see your heart today but one day when you pass they will know the goodness of your heart-that’s just how it works."
PHOTO/S: Courtesy: @iamhearte on Instagram

Sinagot ni Heart Evangelista ang isang netizen na nagtanong kung nagbukas na raw ba ng wallet ang aktres para tumulong sa mga biktima ng sunud-sunod na bagyo sa bansa.

Tweet ng netizen noong Linggo, November 15 (published as is): “sorry di ko ata nakita pero nagbukas na ba ng wallet si heart evangelista..... la lang cure use lang.”

Magalang itong sinagot ni Heart.

Ayon sa Kapuso actress, hindi niya kailangang mag-photo op kapag siya ay gumagawa ng pagtulong sa kapwa.

Maiksing mensahe ni Heart: “Camera doesn’t need to be ‘on’ for you to help.”

Continue reading below ↓

Kinorek din ng aktres ang “cure use” na sinabi ng netizen.

Sabi ni Heart, “Also - curious dapat . #researchpamore

Tila natatawa pang dagdag na tweet ni Heart, “Tehhhhhhh. My gaaawd.”

Continue reading below ↓

Burado na ang nasabing tweet ng netizen.

Kaugnay nito, isa pang netizen ang sinagot ni Heart.

Sabi kasi nito, maraming followers si Heart kaya malaking tulong daw kung ipapakita ng aktres na tumutulong ito para ma-encourage ang iba na gayahin siya.

Ayon sa buradong tweet ng nasabing netizen, “but the thing is, you have a huge number of followers and fans. this is not the time to ‘help in secret.’ show people that you're helping. encourage others to do the same.”

Pero ayon kay Heart, mas mahalaga sa kanya ang puntos niya sa langit kumpara sa pagkakaroon ng maraming likes sa Instagram.

Aniya, “It’s ok to create awareness. It’s ok to help get the word out but my points in heaven are far more important to me than likes on ig - this is my personal choice - now let’s get back to retweeting.”

Continue reading below ↓

Sa isa pang tweet kahapon, November 16, pinaaalahanan ni Heart ang kanyang followers na hindi lahat ng tao ay magugustuhan sila.

Sabi niya, “Don’t expect everyone to like you.

"This is the most impossible task in this world but know this-they may not see your heart today but one day when you pass they will know the goodness of your heart-that’s just how it works.

"The only important audience to impress is God. Good am.”

Continue reading below ↓

HEART AUCTIONS PRE-LOVED DESIGNER ITEMS

Inanunsiyo ni Heart sa Instagram kahapon na iu-auction niya ang kanyang pre-loved designer items para ipantulong sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.

Ang mapagbebentahan daw ng bawat isang piraso ng kanyang mga gamit ay dagdagan niya ng katumbas na halaga para sa mga nasalanta ng bagyo.

Sabi niya, “I'll be auctioning off this @markbumgarner Filipiniana piece I handpainted myself a few years ago on @shopmaisonlovemarie.

"All proceeds for this will go to the victims of the recent Typhoon Ulysses. I'll also be auctioning off more designer pieces in the next few days so stay tuned for that. (sold) — for every designer piece that will be bought I will donate the same amount from my own savings to charity ... it is almost Christmas.”

Continue reading below ↓

Hindi na bago kay Heart ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Noong Hunyo 2020, namigay siya ng daan-daang tablets sa mga estudyante para sa kanilang online classes.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista: “Don’t expect everyone to like you. This is the most impossible task in this world but know this-they may not see your heart today but one day when you pass they will know the goodness of your heart-that’s just how it works."
PHOTO/S: Courtesy: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results