Lea Salonga angered by module associating tattoos with criminals: “WHAT KIND OF BS IS THIS???”

by Bernie V. Franco
Nov 17, 2020
Broadway singer Lea Salonga criticizes self-learning module that supposedly discriminates against people with tattoos.
PHOTO/S: @msleasalonga on Instagram / Facebook (Lea Salonga)

Lea Salonga is at it again.

Gustong malaman ng Broadway star kung gaano katotoong aprubado ng Department of Education (DepEd) ang ilang pahina ng self-learning module (SLM) na kumakalat ngayon sa social media.

Ang ikinakukulo ng dugo ni Lea ay ang diskriminasyon sa mga taong may tattoo ng isang test exercise na bahagi ng study material.

Ngayong Martes, November 17, ipinost ni Lea sa kanyang Facebook page ang screenshot ng pahina mula sa isang SLM na pang-Araling Panlipunan.

Makikita sa pahina na isa itong fill-in-the-blanks, multiple-choice exercise. Ang title sa pahina: “Tuklasin.”

Nakabilog ang question number 3. Sabi rito: “Ang tattoo ay simbolo ng ________.”

Ang choices: "A. pagiging kriminal, B. pagkaalipin, C. kagitingan at kagandahan, at D. pagiging mababa ng katayuan sa lipunan."

Ang caption sa kumalat na screenshot: “Letter A ang tamang sagot batay sa key answer from DepEd.”

Kung kukumpletuhin ang entry, sinasabi ritong ang tattoo ay simbolo ng pagiging kriminal.

Continue reading below ↓

Sa dalawang sumunod pang entries na mababasa, matutukoy na ang mga tanong ay may kinalaman sa pagiging Muslim.

Sa screenshot, natatakpan ang questions Number 1 at 2 dahil sa caption.

LEA DISMAYED WITH MODULE

Hindi itinago ni Lea ang pagkadismaya niya rito.

Simula ng caption ng Miss Saigon star: “Okay, someone would need to tell me if this thing is really ok’d by the DepEd.

“And if so, WHAT KIND OF BS IS THIS???”

Isinalin pa ni Lea sa English ang encircled question: “For the benefit of my friends that don’t speak the language.

“According to the DepEd answer key, letter A is the correct answer. (For the love of God...)”

Dugtong niya (published as is): “I am THISCLOSE to getting a tattoo, if only to prove a point.”

Hiling ni Lea, sana ay may mag-upload din ng key answer ng exercise para ma-determine kung ang isinagot nga sa tanong ay letter A.

Continue reading below ↓

“Can someone upload a photo of the full, unedited sheet? That whole LETTER A thing covers the rest of it, and we need some context.”

Samantala, sa comments section, may netizen na nag-post ng screenshot na diumano’y key answer page sa test exercises sa SLM.

Ang isang bahagi ng pahina ay nakabilog, at ito ang mga sagot sa multiple-choice exercise na kumakalat ngayon sa social media.

Continue reading below ↓

Ang nakabilog sa key answer ay may titulong “Tuklasin,” at ang sagot nga sa number 3 ay letter “A”.

Caption sa screenshot: “Tuklasin Gawain A: No. 3” para idiing match ngang ang sagot sa tanong ay letter A: Ang pagkakaroon ng tattoo ay simbolo ng pagiging kriminal.

THE DISCUSSION

Sa comments section, nagkaroon ng diskusyon si Lea sa commenters.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga nagkomento ay ang kapatid niyang si Gerard Salonga, musical director ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Ayon kay Gerard, makatutulong kung makikita ang buong pahina nang hindi natatakpan.

Tinag pa ni Gerard ang isang kaibigang Muslim, si Ayesha Binti Abulkhayr, para makatulong sa isyu.

Base sa kanyang Facebook page, si Ayesha ay isang school officer sa Mindanao State University System.

Ito ang sagot ni Ayesha kay Gerard: “By whatever tribe or ethnic grouping, this is just a [shock emoji] and a [facepalm emoji] for us all [sighing face emoji]”

Malinaw na hindi sinasang-ayunan ni Ayesha ang "A" bilang tamang sagot sa tanong.

At malinaw na naninindigan si Lea na mali talaga kung letter "A" ang sagot sa tanong.

Sagot ni Lea kay Gerard: “Whatever the context, that A is the correct answer in the answer key is worthy of a facepalm. I mean, WHAT???”

Continue reading below ↓

Paliwanag naman ng iba, marahil ay may kinalaman sa kultura ang tanong.

Pagsang-ayon ng isa pang netizen, may bansa umanong associated sa mga kriminal ang pagkakaroon ng tattoo.

Sa maraming tribo naman sa Visayas, ang pagkakaroon ng tattoo ay simbolo ng kagitingan o katapangan.

Ang iba naman ay nagbirong kriminal pala sila dahil sila'y may tattoo.

Sa sagot ni Lea sa iba pang netizens, sinabi niyang mahalagang hindi natakpan ang iba pang nakasulat sa learning material dahil “context is important.”

Continue reading below ↓

Hindi lang si Lea ang nakapansin ng kumakalat na screenshots ng study material.

Kung bibisitahin ang Facebook page ng DepEd, may mga netizens na nakapansin din sa pinag-uusapang pahina. Naka-tag dito ang government agency.

Wala namang makikita pang sagot ang ahensiya hinggil dito.

Hindi ito ang unang beses na nag-post si Lea tungkol sa errors sa SLMs.

Noong Oktubre, ikinairita ni Lea ang study materials na nagtataglay ng errors bagamat napaka-basic lamang ng information dito.

DEPED ADMITS TO DETECTING ERRORS IN SLMS

Noong Oktubre, ini-report ng DepEd na may natukoy silang 30 errors sa first-quarter SLMs na kanilang inilabas para sa distance learning ngayong taon.

Sinabi naman ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio na nakatanggap sila ng 56 ulat tungkol sa mga nakitang mali sa SLMs.

Matapos magsiyasat, sinabi ni San Antonio na umabot sa 30 erroneous modules ang natukoy ng DepEd, ayo sa ulat ng rappler.com.

Kabilang sa mga uri ng error na natukoy ay factual errors, computational errors, format, printing errors, spelling at punctuation, typographical errors, grammar at syntax.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadway singer Lea Salonga criticizes self-learning module that supposedly discriminates against people with tattoos.
PHOTO/S: @msleasalonga on Instagram / Facebook (Lea Salonga)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results