Daniel Padilla leads packing of relief goods for typhoon victims

by Jet Hitosis
Nov 17, 2020
Kapamilya actor Daniel Padilla oversees the repacking of basic food items for relief packs that will be distributed to families who were gravely affected by the typhoon Ulysses onslaught last week.
PHOTO/S: @supremo_dp, @imdanielpadillaofc on Instagram

Pinangunahan ni Daniel Padilla ang paghahanda at pamamahagi ng relief goods para sa mga sinalanta ng bagyong Ulysses.

Kasama ng 25-year-old Kapamilya A-lister ang sariling pamilya at ilang fans sa pagre-repack ng relief goods para sa mga naapektuhan sa pananalasa ng Ulysses nitong November 11.

Ipinost ni Daniel sa Instagram ang tungkol dito nitong Lunes, November 16.

Ibinahagi ng aktor ang caption-less photo niya—na nakatalikod sa camera—habang kausap ang iba pang nagtutulung-tulong sa pagre-repack ng mga pagkain para sa mga binagyo.

Continue reading below ↓

May parehong post din sa Instagram ang actress-TV host na ina ni Daniel na si Karla Estrada.

Lunes din nang ibinahagi ni Karla sa kanyang 3.2 million Instagram followers ang serye ng mga litrato ng aktuwal na repacking ng relief goods sa loob ng isang covered basketball court.

Kabilang sa laman ng food packs ang mga de-latang pagkain, tulad ng corned beef at sardinas, kape, softdrinks, crackers, at iba pang snacks.

Caption ni Karla (published as is): “First batch is off to our kapamilya na sabik na kaming marating!

“Salamat sa buong pamilya ko na naki impake at sa mga tagahanga na pamilya narin namin!

“solid to! LETS GOO!!!

“Tulong tulong para sa pagsulong! [three Earth emojis]”

Continue reading below ↓

FANS LAUNCH CASH DONATION DRIVE

Nobyembre 14 nang sinimulan ng grupo ng fans ni Daniel, at ng reel-and-real life sweetheart niyang si Kathryn Bernardo, ang pangangalap ng cash donations.

Sa tweet ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe nang araw na iyon, kinumpirma raw ni Karla na sina Daniel at Kathryn mismo ang personal na namili ng relief items na ire-repack.

Ipamamahagi raw ang relief packs sa mga evacuation centers kung saan pansamantalang nakatuloy ang mga binaha sa pag-ulang dala ng Ulysses.

Hindi naman binanggit sa tweet ni MJ kung saang lugar matatagpuan ang evacuation centers na tatanggap ng relief goods mula kina Kathryn at Daniel.

Continue reading below ↓

ULYSSES KILLS 73

Sa latest update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, November 17, umakyat na sa 73 katao ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng Ulysses.

Karamihan sa namatay ay naitala sa Cagayan.

Nasa 19 naman ang pinaghahanap pa rin ng rescue teams, habang 24 ang nasugatan.

Lampas 530,000 pamilya ang apektado ng malawakang pagbaha.

Mahigit PHP3 billion na ang naitalang pinsala sa mga tulay, kalsada, at agrikultura dahil sa pananalanta ng bagyong Ulysses, ayon sa NDRRMC.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Also, you can use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Daniel Padilla oversees the repacking of basic food items for relief packs that will be distributed to families who were gravely affected by the typhoon Ulysses onslaught last week.
PHOTO/S: @supremo_dp, @imdanielpadillaofc on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results