GMA News reporter Joseph Morong to netizens criticizing his live tweets of President Duterte's speech: "I am not your enemy."

by Rachelle Siazon
Nov 18, 2020
GMA News reporter Joseph Morong (left) draws flak for lack of context in his live tweet updates about President Rodrigo Duterte berating Vice President Leni Robredo. Pointing out his balanced reportage, Morong insists he sought VP Robredo for her side of story.
PHOTO/S: Joseph Morong Facebook / Twitter / CTTO

Inulan ng batikos si GMA News reporter Joseph Morong dahil sa kanyang transcription ng talumpati ni President Rodrigo Duterte noong gabi ng November 17, Martes.

Kaugnay ito ng walang basehang mga tirada ng Pangulo laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa opening remarks ng kanyang nation address, pinaratangan ni Pangulong Duterte si Vice President Robredo na nagpakalat ng malaking kasinungaling laban sa kanya.

Ayon kay Duterte, si Robredo ang may "pakana" na siya ay missing in action sa gitna ng pananalasa ni Typhoon Ulysses sa Luzon noong November 11 hanggang 12.

Matatandaang nauna nang nag-trend ang "#NasaanAngPangulo" nang hagupitin ni Typhoon Rolly ang bansa noong November 1.

Napuna kasi ng ibang netizens noong wala ang Pangulo sa press briefing para sa preparasyon ng gobyerno para sa parating na bagyo.

Diin ng Presidente, hindi siya "natutulog" tailwas sa sinasabi ng iba.

Paglilinaw niya, abala siya sa dinaluhang virtual ASEAN Summit, na ginanap mula November 12 to 15.

Continue reading below ↓

Pero nang sumunod na araw, noong November 13, nag-excuse na raw si Presidente sa ASEAN Summit para tingnan ang pinsalang dulot ng kalamidad.

Bahagi ng mensahe ni President Duterte para kay Vice President Robredo:

"Anong gusto niyang mangyari kung nasaan ako? Nasaan ang Presidente?

"I am sure you knew of the ASEAN Summit going on, and that I was delivering the statement of intervention for China.

"And I was also making my own statement of how the ASEAN approved documents impact on our economy later on.

"Hindi ako natutulog."

JOSEPH MORONG'S live TWEETS

Si Morong ang beat reporter ng GMA-7 sa Malacañang, kaya siya ang nakatokang mag-ulat ng anumang may kinalaman sa Presidente at sa Palasyo.

Sa kanyang live tweets, sinuma niya ang pagkondena ni Pangulong Duterte kay VP Robredo.

Isa sa mga tweet niyang quote ni President Duterte laban kay Robredo:

"Do not compete with me.

"Do not start a war with me. Tawag kunyari sa helicopter. Of course they would answer yes."

Continue reading below ↓

Pinalalabas dito ni Duterte na nakikipagkumpitensiya sa kanya si Robredo pagdating sa pagresponde sa mga nasalanta ng bagyo.

May tweet din si Morong tungkol sa patutsada ng Pangulo na kung sakaling mahalal na presidente ng bansa si Robredo ay maaari itong bumili ng sangkatutak na swimsuits panlusong sa baha sa panahon ng sakuna.

Ang tinutukoy ng Pangulo ay ang pagiging aktibo ni Robredo sa pagresponde at pagbisita sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.

May mga personal ding birada si Duterte sa bise presidente: "Marami ako sabihin sa 'yo. Reserba ko na lang. When you start you campaign, waswasan kita. This is your nightmare."

Tila nang-intriga pa ang Pangulo kung saan umuuwi tuwing gabi si Robredo.

"Ikaw gabi lumalakad, kanino ka umuuwi at kaninong bahay ka tumatagal?"

Narito ang kopya ng live tweets ni Morong:


Continue reading below ↓

Sa huli ay ibinahagi ni Morong ang notes o rough draft niya ng "highlights" ng speech ng Pangulo.


Hindi tuwirang nakasaad sa live tweets ni Morong kung ano ang konteksto ng mga tirada ni Duterte kay Robredo.

Pero may isang tweet si Morong kunsaan ni-repost niya ang pagkontra ni Robredo sa alegasyong siya ang pasimuno ng "#NasaanAngPangulo" sa social media.

Continue reading below ↓

Dito ay diretsahang sinabi ni Robredo na kaya "pikon" si Presidente Duterte ay "fake news" ang nakarating ditong impormasyon.

Paglilinaw ni Robredo, wala siyang tweet kunsaan hinanap niya kung nasaan ang Pangulo noong kasagsagan ng bagyo.


NO CONTEXT OR FACT-CHECKING ACCUSATIONS

Nag-trend sa Twitter si Morong dahil sa dami ng netizens na pumupuna na kulang daw ng konteksto at fact-checking ang live tweets niya.

Continue reading below ↓

Nakapokus lang daw ang update nito sa kung ano ang sinabi ng Pangulo, at ni hindi man lang inulat kung tama nga ba o kung ano ang pinanggalingan ng sinasabi nito.

May netizens pa ang nagkumpara ng kaibahan ng live tweet updates ni Joseph Morong bilang kinatawan ng GMA News at ni Pia Ranada bilang kinatawan ng Rappler.

Sa tweet ni Ranada, nakasaad na mali ang paratang ng Pangulo na si Robredo ang may "pakana" sa pagpapakalat ng "#NasaanAngPangulo" sa gitna ng hagupit ni Typhoon Ulysses.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

JOSEPH MORONG REACTS

Pinabulaanan ni Morong ang alegasyong nagkulang siya sa fact-checking tungkol sa mga tirada ni Pangulong Duterte kay Vice President Robredo.

Katuwiran ni Morong, hiningan niya agad ng komento ang kampo ng bise presidente habang nagtatalumpati pa lang ang Pangulo.

Ni-retweet din daw ni Morong ang official statement ni Robredo, na mariing pinabulaanan na siya ang may pakana ng hashtag na "#NasaanAngPangulo."

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Morong: "The moment Pres. Duterte started his tirades against Vice President Leni Robredo, I asked one of her staff if they were watching and asked immediately for reaction precisely because of the accusation of the President that VP was behind 'Nasaan Ang Pangulo' wc was the core of the President's attack.

"Staff showed me VP's tweet, which I retweeted (what better counter/balance sot than tweet from the VP herself?). C'mon guys."


Continue reading below ↓

May mga netizens din—na nagsasabing nagkulang siya sa balanced reporting—na diretsahang sinagot ni Morong.

Sabi ni Morong sa isang netizen: "Did you see my retweet of VP Robredo's tweet answering the allegations of the President?"


Ipinunto niyang hindi lang naman ang nilalaman ng pahayag ng Presidente ang kanyang inulat sa Twitter, kundi pati ang sagot ni VP Robredo.

Continue reading below ↓

JOSEPH: GO LANG DEMOKRASYA TAYO

Sa kabila ng mga inaning batikos, idiniin ni Morong na nirerespeto niya kung anuman ang opinyon ng mga tao sa kanyang estilo sa pag-uulat.

Tweet ng GMA News reporter: "Go lang guys. Demokrasya tayo.

"But question: if I censored what the President said, would you also accuse me of protecting his image?

Continue reading below ↓

"I am not your enemy."


Sa kabilang banda, may mga netizens ding ipinagtanggol si Morong at sinabing ginagawa lang nito ang kanyang trabaho bilang tagapaghatid ng balita tungkol sa Presidente.

Sabi naman ni Morong, kahit anong paglilinaw ang sabihin niya ay tila hindi tatanggapin ng mga bumabatikos sa kanya.

Tweet niya, "damn if you [do], damn if you don't, right? hay."

Continue reading below ↓


Payo ng isang netizen, huwag na raw magkomento si Morong sa kanyang mga kritiko para huwag na lumaki ang isyu.

Kakatwa raw na noong simula ng COVID-19 pandemic ay pinupuri pa si Morong ng netizens dahil sa kanyang highlights ng speech ni Pangulong Duterte, na kadalasan ay alanganing oras ng gabi kaya may netizens na umaasa na lamang sa notes ni Morong.

Continue reading below ↓

Mensahe ng pasasalamat ni Morong sa kanyang supporter, "Yeah just wanted to share the context. I appreciate it. Thank you."

May nag-aya naman kay Morong na "yosi" o cigarette break dahil ang iinit daw ng ulo ng netizens na galit sa kanya.

"True," sang-ayon niya.

Continue reading below ↓

May nag-aya rin ng "shot" ng inuman, at pabirong sabi ni Morong, "I think i need a lot. LOL."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA News reporter Joseph Morong (left) draws flak for lack of context in his live tweet updates about President Rodrigo Duterte berating Vice President Leni Robredo. Pointing out his balanced reportage, Morong insists he sought VP Robredo for her side of story.
PHOTO/S: Joseph Morong Facebook / Twitter / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results